Ang mga alagang hayop ba ay mapupunta sa Langit? Mayroon bang kaluluwa ang mga alagang hayop?



Tanong: "Ang mga alagang hayop ba ay mapupunta sa Langit? Mayroon bang kaluluwa ang mga alagang hayop?"

Sagot:
Walang malinaw na pagtuturo ang Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng kaluluwa ng mga alagang hayop o kung mapupunta ba sila sa langit. Gayon man, may pangkalahatang prinsipyo sa Bibliya na puwede nating pagbasehan ng kasagutan sa tanong na ito. Sinasabi ng Bibliya na ang tao (Genesis 2:7) at hayop (Genesis 1:30; 6:17; 7:15, 22) ay mayroong hininga ng buhay. Ang pangunahing pagkakaiba ng tao sa hayop ay, nilalang ang tao ayon sa larawan o wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27). Ang hayop naman ay hindi nilalang na ayon sa wangis o larawan ng Diyos. Dahil ang tao ay nilalang ng Diyos na naayon sa Kanyang larawan o wangis, ang ibig sabihin, ang tao ay katulad ng Diyos na may kakayahang makipagrelasyon sa Diyos, may kakayahang mag-isip, may damdamin at kalooban at may sangkap na magpapatuloy maging pagkatapos ng kamatayan. Kung ang mga hayop ay mayroon mang “kaluluwa”, ito’y naiiba at mas mababa ang katangian kumpara sa tao. Dahil sa pagkakaibang ito, ang “kaluluwa” ng mga hayop ay hindi nagpapatuloy matapos ang kamatayan. Si Hesus ay namatay para sa mga tao hindi para sa mga hayop.

Ang isa pang aspetong dapat tingnan upang bigyang kasagutan ang katanungang ito ay ang paglalang ng Diyos sa mga hayop bilang bahagi ng Kanyang malikhaing proseso sa paglikha sa aklat ng Genesis. Nilalang ng Diyos ang mga hayop at tinawag itong ay mabuti (Genesis 1:25). Samakatuwid, maaring may mga hayop din sa bagong langit at lupa (Pahayag 21:1). Malaki ang posibilidad na may mga hayop rin sa panahon ng milenyal na kaharian (Isaiah 11:6; 65:25). Imposible ring sabihin na ang ilan sa mga hayop ay maaaring alaga natin habang nasa mundo pa tayo dahil hindi totoo ang reinkarnasyon. Alam natin na ang Diyos ay tapat at matuwid at kung makarating na tayo sa langit malalaman natin ang kasagutan sa lahat ng ating mga katanungan.


Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang mga alagang hayop ba ay mapupunta sa Langit? Mayroon bang kaluluwa ang mga alagang hayop?