settings icon
share icon
Tanong

Nangangahulugan ba na ang "mga araw" sa Genesis 1 ay literal na araw na may 24 oras?

Sagot


Ang isang maingat ng pagsusuri sa salitang "araw" na "‘yom’" sa wikang Hebreo na lumitaw sa aklat ng Genesis at ang konteksto kung saan ito ginamit sa Genesis ay magreresulta sa konlusyon na ang salitang "araw" ay tumutukoy sa literal na isang araw na may 24 oras. Ang salitang Hebreo na '‘yom’’ na isinalin sa wikang Tagalog na "araw" ay may ilang gamit. Una, maaari itong tumukoy sa literal na araw na may 24 oras o sa isang beses na pagikot ng mundo sa sarili nitong axis (halimbawa "may dalawampu’t apat na oras sa isang araw"). Maaari din itong tumukoy sa yugto ng araw sa pagitan ng bukang liwayway at takipsilim (halimbawa: "mainit ang panahon sa umaga lalo na sa tanghaling tapat, at malamig naman pagdating ng hapon at gabi"). Maaari din itong tumukoy sa isang hindi partikular na panahon sa nakalipas (halimbawa: "Noong araw, noong panahon ng aking lolo"). Ito ay ginamit upang tumukoy sa literal na araw na may 24 oras sa Genesis 7:11. Tinukoy ito na isang yugto ng araw sa pagitan ng bukang liwayway at takipsilim sa Genesis 1:16 at tinukoy din ito sa isang hindi partikular na panahon sa nakalipas sa Genesis 2:4. Kaya ano ang kahulugan ng salitang "araw" sa Genesis 1:5-2:3 kung ginagamit ito kasama ang mga numerong ordinal, halimbawa: ang unang araw, ang ikalawang araw, ang ikatlong araw, ang ika apat na araw, ang ikalimang araw, ang ikaanim na araw at ang ikapitong araw)? Ang mga ito ba ay literal na 24 oras o may iba pang kahulugan? Maaari bang ang "‘yom’" gaya ng pagkagamit nito sa ibang bahagi ng Kasulatan ay nangangahulugan ng hindi tiyak na yugto ng mga panahon?

Maaari nating madetermina kung paano dapat intindhin ang ‘‘yom’’ sa Genesis 1:5-2:2 sa pamamagitan ng simpleng pagaaral sa konteksto kung saan natin makikita ang salitang ito at sa pagkukumpara kung paano ito ginagamit sa ibang bahagi ng kasulatan. Sa pamamagitan nito, hinahayaan natin na ipaliwanag ng Bibliya ang kanyang sarili. Ang salitang Hebreo na ‘yom’ ay ginamit ng 2031 beses sa Lumang Tipan. Maliban sa Genesis 1, ang ‘yom’ kasama ang bilang (ginamit ng 410 beses) ay laging nagpapahiwatig ng ordinaryong araw, o 24 oras. Ang magkasamang salita na "gabi" at "umaga" (ginamit ng 38 beses) ay laging nangangahulugan na ordinaryong araw. Ang salitang “araw,” "gabi" o "umaga" (ginamit ng 23 beses) ay laging nagpapahiwatig ng isang ordinaryong araw. Ang salitang ‘yom’ at "gabi" (ginamit ng 52 beses) ay nagpapahiwatig din ng ordinaryong araw.

Ang konteksto ng salitang ‘yom’ sa Genesis 1:5-2:22, kung saan inilalarawan ang bawat araw na "gabi at umaga" ay malinaw na nagpapakita na ang ibig sabihin ng manunulat ay literal na araw na may 24 oras. Mawawala ang tunay na kahulugan ng mga reperensyang ito ng "gabi" at "umaga" kung hindi sila tumutukoy sa isang literal na araw na may 24 oras. Ito ang pangkaraniwang interpretasyon sa salitang "araw" sa Genesis 1:5-2:2 hanggang 1800’s ng magkaroon ng panibagong interpretasyon ang mga komunidad ng siyensya at ang mga layers ng sediments sa mga bato ay umpisahang pagaralan. Noong una, ang mga layer sa mga bato ay inuunawa na ebidensya ng baha noong panahon ni Noe, ngunit bigla na lamang pinawalang bisa ng mga siyentipiko ang pangunawang ito at sinabing ang mga layers ng sediments sa mga bato ay ebidensya diumano ng isang matandang mundo. May ilang mga Kristiyano na may maayos na patotoo ang nahulog sa malaking pagkakamaling ito ang nagpilit na yakapin ang bagong ideyang ito na komokontra sa katotohanan ng pandaigdigang baha at sa katotohanan ng kwento ng paglikha sa Genesis sa pamamagitan ng interpretasyon na ang salitang ‘yom’ ay tumutukoy sa isang napakahabang yugto ng panahon.

Ang totoo, ang sandigan ng mga nagpapalagay na matanda na ang mundo ay base sa maling mga pagaakala. Hindi natin dapat hayaan ang katigasan ng ulo ng mga siyentipiko at ang kanilang pagiging sarado ng isip sa Diyos ay makaapekto sa ating pangunawa sa Bibliya. Ayon sa Exodo 20:9-11, ginamit ng Diyos ang anim na literal na araw upang likhain ang mundo at upang magsilbing modelo sa pagtatrabaho ng tao. Magtatrabaho ang tao ng 6 na araw at magpapahinga ng isang araw. Ang tiyak, kaya ng Diyos gawin ang lahat ng mga bagay kahit sa loob ng isang iglap kung gugustuhin Niya. Ngunit makikita natin na pinili Niyang likhain tayo sa ika-anim na araw pagkatapos Niyang likhain ang ibang mga nilikha sa loob ng limang araw. Ang isa sa mga dahilan kung bakit Niya ito ginawa ay upang bigyan tayo ng isang modelo na dapat sundin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Nangangahulugan ba na ang "mga araw" sa Genesis 1 ay literal na araw na may 24 oras?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries