Tanong
Ano ang kahalagahan ng “40 araw” sa Bibliya?
Sagot
Laging ginagamit ang numerong 40 sa Bibliya. Dahil laging nababanggit ang numerong 40 sa konteksto ng paghuhukom o pagsubok, maraming iskolar ang nagpapalagay na ito ang numero para sa pagsubok. Hindi ito nangangahulugan na ang numero 40 ay simboliko lamang; may literal itong kahulugan sa Kasulatan. Ang 40 araw ay nangangahulugang 40 araw, ngunit tila pinili ang isang numerong ito para tulungan tayong tandaan ang mga panahon ng pagdurusa at kahirapan.
Narito ang ilang mga halimbawa kung saan ginamit ng Bibliya ang numero 40 para bigyang diin ang tema ng pagsubok o pagdurusa.
Sa Lumang Tipan, ng gunawin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, nagpaulan Siya sa loob ng 40 araw at 40 gabi (Genesis 7:12). Pagkatapos na patayin ni Moises ang isang Ehipsyo, tumakas siya sa Madian kung saan niya ginugol ang 40 taon sa ilang sa pagpapastol ng mga tupa (Gawa 7:30). Ginugol ni Moises ang 40 araw at 40 Gabi sa bundok bg Sinai (Exodo 24:18). Nagayuno si Moises para sa Israel sa loob ng 40 araw at 40 gabi (Deuteronomio 9:18, 25). Itinakda sa Kautusan ang pinakamaraming hagupit para sa isang kriminal sa 40 (Deuteronomio 25:3). Inabot ng 40 araw ang mga israelitang espiya sa paniniktik sa Canaan (Bilang 13:25). Naglagalag sa ilang ang mga Israelita sa loob ng 40 taon (Deuteronomio 8:2-5). Bago ang pagliligtas ni Samson, naglingkod ang mga Israelita sa mga Filisteo sa loob ng 40 taon (Hukom 13:1). Nilait ni Goliat ang mga kawal ni Saul sa loob ng 40 araw bago dumating si David para patayin si Goliat (1 Samuel 17:16). Noong tumakas si Elias kay Jezebel, naglakbay siya ng 40 araw at 40 gabi pupunta sa bundok ng Horeb (1 Gabi 19:8).
Lumitaw din ang numero 40 sa mga hula ni Ezekiel (4:6; 29:11-13) at ni Jonas (3:4).
Sa Bagong Tipan, tinukso si Jesus sa loob ng 40 araw at 40 gabi (Mateo 4:2). May 40 araw sa pagitan ng muling pagkabuhay at pagakyat ni Jesus sa langit (Gawa 1:3).
Kung may kahalagahan man o wala ang numero 40 ay paksa pa rin ng debate. Kahit talagang tila ginagamit ng Bibliya ang numero 40 para bigyang diin ang isang espiritwal na katotohanan, dapat nating bigyang diin na hindi partikukar na tinutukoy ng Bibliya na nagtataglay ng anumang espesyal na kahulugan ang numero 40 o alinmang numero.
May ilan na sobrang pinahahalagahan ang kahulugan ng mga numero, at sinusubukang humanap ng espesyal na kahulugan sa likod ng mga numero sa Bibliya. Sa twina, ang isang numero sa Bibliya ay isang simpleng numero lamang gaya ng numero 40. Hindi tayo inuutusan ng Diyos na maghanap ng mga lihim na kahulugan, nakatagong mensahe o alituntunin sa mga numero sa Bibliya. Higit pa sa sapat ang mga katotohanan ng mga pangkaraniwang salita sa Kasulatan upang katagpuin ang lahat ng ating mga pangangailangan at gawin tayong “ganap” at handa sa lahat ng mabubuting gawain” (2 Timoteo 3:17).
English
Ano ang kahalagahan ng “40 araw” sa Bibliya?