settings icon
share icon
Tanong

Bakit inutusan ng Diyos si Abraham na ihandog si Isaac?

Sagot


Maraming beses na sinunod ni Abraham ang Diyos sa Kanyang paglakad na kasama Niya ngunit walang pagsubok na hihigit pa kaysa sa pagsubok na itinala sa Genesis 22 kung saan iniutos sa kanya ng Diyos, "Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko" (Genesis 22:2a). Ito ay isang nakagugulat na kahilingan dahil si Isaac ang anak na ipinangako ng Diyos kay Abraham. Paano tumugon si Abraham sa utos na ito? Dagli at walang pagtatanong na sumunod si Abraham. Inumpisahan ni Abraham ang paglalakbay maagang maaga kinabukasan matapos iutos ito sa kanya ng Diyos. Isinama niya ang 2 alipin, ang kanyang pinakamamahal na anak na si Isaac at isang asno. Ang Kanyang walang pagaalinlangang pagsunod sa nakapanlulumong utos ng Diyos ay nagbigay kaluwalhatian sa Diyos at isang halimbawa kung paano natin luluwalhatiin ang Diyos. Kung sumusunod tayo sa Diyos na gaya ni Abraham, at nagtitiwala na ang plano ng Diyos ang pinakamabuti para sa atin, itinatanyag natin ang Kanyang Kanyang katangian at napapapurihan ang kanyang pangalan. Ang pagsunod ni Abraham sa harap ng nakapakahirap na utos ng Diyos ng nagpakilala ng walang hanggang pag-ibig, katapatan, at kabutihan ng Diyos at nagbigay sa atin ng halimbawa na dapat tularan. Ang pananampalataya ni Abrkaham sa Diyos na kanyang kinilala at inibig ang naglagay kay Abraham sa listahan ng mga bayani sa pananampalataya sa Hebreo 11.

Ginamit ng Diyos ang pananampalataya ni Abraham bilang halimbawa sa lahat ng sumusunod sa kanya na tanging ang pananampalataya at hindi mabubuting gawa ang kasangkapan para sa kaligtasan. Sinasabi sa Genesis 15:6," Nanalig si Abram, at dahil dito'y kinalugdan siya ni Yahweh." Ang katotohanan ang basehan ng Kristiyanong pananampalataya, gaya ng ipinakita sa Roma 4:3 at Santiago 2:23. Ang katuwirarn na ipinagkaloob kay Abraham ay ang parehong katuwiran na ipinagkaloob sa atin ng tanggapin natin sa pamamagitan ng pananampalataya ang handog ng Diyos para sa ating kasalanan - ang Panginoong Hesu Kristo. "Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan niya" (2 Corinto 5:21).

Ang kuwento ni Abraham sa Lumang Tipan ang basehan ng katuruan ng katubusan sa Bagong Tipan, ang paghahandog ng Panginoong Hesu Kristo doon sa krus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sinabi ni Hesus, maraming siglo pagkatapos ni Abraham, "Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya'y nagalak" (Juan 8:56). Ang mga sumusunod ang mga pagkakatulad ng dalawang kasaysayan sa Bibliya:

• "Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac” (v. 2); "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak…" (John 3:16).

• "at magpunta kayo sa lupain ng Moria …" (v. 2); Gayon din naman, namatay si Jesus sa labas ng pintong bayan upang malinis niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. (Hebreo 13:12).

• "at ihandog mo siya sa akin." (v. 2); " ….si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa Kasulatan " (1 Corinto 15:3).

• "Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong, dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad.” (v. 6); Pinasan ni Hesus ang Kanyang krus" (John 19:17).

• "ngunit nasaan ang korderong ihahandog?" tanong ni Isaac?"(v. 7); Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, "Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29).

• Ang anak na si Isaac, ay sumunod sa kanyang ama upang maging handog (v. 9); “Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: "Ama ko, kung maaari'y ilayo mo sa akin ang saro ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari." (Mateo 26:39).

• Pagkabuhay - Si Isaac (sa pigura ng pananalita) ay tumutukoy kay Hesus: "At nang subukin ng Diyos si Abraham, pananalig din ang nag-udyok sa kanya na ihandog si Isaac bilang hain sa Diyos. Handa siyang ihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos na kay Isaac magmumula ang kanyang magiging lahi. Naniniwala siyang muling mabubuhay ng Diyos si Isaac. At sa patalinghagang pangungusap, nabalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay" (Hebreo 11:17-19). Si Hesus, "inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan" (1 Corinto 15:4).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit inutusan ng Diyos si Abraham na ihandog si Isaac?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries