Tanong
Ang Banal na Espiritu ba ay Diyos?
Sagot
Ang maiksing sagot sa tanong na ito ay, oo, ang Banal na Espiritu gaya ng inilarawan sa Bibliya ay tunay na Diyos. Kasama ng Diyos Ama at Diyos Anak (Jesu Cristo), ang Diyos Espiritu Santo ay ang ikatlong miyembro ng Trinidad.
Ang mga humahamon sa katuruan na ang Banal na Espiritu ay Diyos ay nagmumungkahi na ang Banal na Espiritu ay maaaring simpleng isa lamang walang personalidad na kapangyarihan, isang pinagkukunan ng kapangyarihan na kontrolado ng Diyos ngunit hindi isang persona. May iba na nagmumungkahi na maaaring ang Banal na espiritu ay isa lamang pangalan ni Jesus, sa anyo ng espiritu, na hiwalay sa Kanyang katawan.
Wala sa alinman sa mga ideyang ito ang sang-ayon sa sinasabi ng Bibliya patungkol sa Banal na Espiritu. Inilalarawan ng Bibliya ang Banal na Espiritu bilang isang persona na kasama na sa simula pa ng Ama at ng Anak bago magumpisa ang panahon. Ang Espiritu ay kasama ng Diyos sa paggawa sa lahat ng mga bagay ayon sa inilarawan sa Bibliya.
Ag Espiritu ng Diyos ay kasama ng Ama at sangkot sa paglikha (Genesis 1:2; Awit 33:6). Ang Banal na Espiritu ang nagpakilos sa mga propeta para isulat ang Salita ng Diyos (2 Pedro 1:21). Ang mga katawan ng mga na kay Cristo ay inilarawan bilang mga templo ng Diyos dahil nasa atin ang Banal na Espiritu (1 Corinto 6:19). Maliwanag na sinabi ni Jesus na sa “pagsilang na muli,” para maging isang Kristiyano, kailangan na ang isang tao ay isilang “ng Espiritu” (Juan 3:5).
Ang isa sa mga nakakakumbinsing pangungusap sa Bibliya tungkol sa pagiging Diyos ng Banal na Espiritu ay makikita sa aklat ng mga Gawa kabanata 5. Nang magsinungaling sina Ananias at Safira tungkol sa halaga ng pinabilhan ng kanilang ari-arian, sinabi ni Pedro sa kanila na pinuspos ni Satanas ang puso ni Ananias para “magsinungaling sa Banal na Espiritu (Gawa 5:3) at tinapos ang pananalita sa pagsasabing si Ananias ay “nagsinungaling sa Diyos” (talata 4). Ipinantay ni Pedro ang Banal na Espiritu sa Diyos Ama at nagsalita siya na parang ang Espiritu Santo at ang Diyos Ama ay iisa.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na ang Banal na Espiritu, ang Mangaaliw ay kakaiba sa Kanyang sarili. Susuguin ng Ama ang Mangaaliw, ang Espiritu ng Katotohanan, pagkaalis ni Jesus. Magsasalita sa kanila ang Espiritu patungkol kay Jesus (Juan 14:25–26; 15:26–27; 16:7–15). Ang lahat sa Tatlong persona ay binabanggit ni Jesus ay Diyos habang hindi sila magkakapareho sa loob ng Trinidad.
Ang tatlong miyembro ng Trinidad ay nagpakitang magkakasama ngunit magkakaiba sa panahon ng pagbabawtismo kay Jesus. Habang umaahon si Jesus sa tubig, bumaba sa Kanya ang Espiritu Santo gaya ng isang kalapati habang naririnig ang tinig ng Ama mula sa langit na sinasabi na Siya ay nalulugod sa Kanyang Anak (Marcos 1:10–11).
Panghuli, inilalarawan ng Bibliya ang Banal na Espiritu bilang isang persona, hindi lamang isang pwersa o kapangyarhan. Maaari Siyang mapighati o malungkot (Efeso 4:30). Mayroon Siyang kalooban (1 Corinto 12:4-7). Ginagamit Niya ang Kanyang isip sa pangunawa sa malalalim na bagay ng Diyos (1 Corinto 2:10). At may pakikisama Siya sa mga mananampalataya (2 Corino 13:14). Maliwanag na ang Banal na Espiritu ay isang persona, gaya rin naman ng Anak at ng Ama na mga persona.
Tunay na walang pagaalinlangang itinuturo ng Bibliya na ang Banal na Espiritu, sa katotohanan ay Diyos, kung paanong Diyos din naman si Jesu Cristo at ang Ama.
English
Ang Banal na Espiritu ba ay Diyos?