settings icon
share icon
Tanong

Ano ang angelology?

Sagot


Ang Angelology ay ang pagaaral sa mga anghel. Napakaraming mga paniniwala ngayon tungkol sa mga anghel na hindi ayon sa Bibliya. May naniniwala na ang mga anghel ay ang mga kaluluwa ng namatay na tao. Ang iba naman ay naniniwala na ang mga anghel ay mga impersonal na nilalang na pinanggagalingan ng kapangyarihan. Mayroon din namang iba na hindi naniniwala sa mga anghel. Ang isang biblikal na pangunawa sa angelology ang magtutuwid sa mga maling paniniwalang ito. Ang Angelology ay ang pagaaral kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga anghel. Pinagaaralan dito kung paanong ang mga anghel ay nakikipagugnayan sa tao at gumaganap ng mga layunin ng Diyos. Narito ang ilan sa mahahalagang katotohanan na ipinapakita sa Angelology.

Ang mga anghel ay naiibang uri ng nilalang na kakaiba sa mga tao. Hindi nagiging anghel ang mga tao pagkatapos nilang mamatay. Hindi rin naging tao o magiging tao kailanman ang mga anghel. Nilikha ng Diyos ang mga anghel, kung paanong nilikha din Niya ang sangkatauhan.

Ang mga anghel ba ay lalaki o babae? Walang anumang talata sa Bibliya na aktwal na tumutukoy sa kasarian ng anghel kung lalaki ba sila o babae. Kung binibigyan ng kasarian ang isang anghel sa Bibliya, ang laging ginagamit ay pangngalang panlalaki (Genesis 19:10, 12; Pahayag 7:2; 8:3; 10:7), at ang tanging pangalang binanggit para sa mga anghel ay Miguel at Gabriel, na itinuturing na mga pangalang panlalaki.

Mayroon ba tayong mga bantay na anghel? Walang duda na may mabubuting anghel na nagiingat sa mga mananampalataya, nagdadala ng impormasyon, gumagabay at sa pangkalahatan ay naglilingkod sa mga anak ng Diyos. Ang mahirap na tanong ay kung mayroon bang nakatalagang anghel na naatasang magbantay sa bawat isang mananampalataya.

Sino o ano ang anghel ng Panginoon? Ang eksaktong pagkakakilanlan sa ‘anghel ng Panginoon’ ay hindi ibinigay sa Bibliya. Gayunman may mga mahalagang palatandaan sa kanyang pagkakakilanlan.

Ano ang mga kerubin? Ang mga Kerubin ay mga anghel na may tanging gawain na magpuri at sumamba sa Diyos sa paligid ng Kanyang trono. Bukod sa pagawit ng mga papuri sa Diyos, nagsisilbi din silang nakikitang paalala sa kabanalan at kaluwalhatian ng Diyos at ng kanyang walang hanggang presensya sa Kanyang bayan.

Ano ang mga serapin? Ang mga serapin ba ay mga anghel? Ang Isaias kabanata 6 lamang ang isang sitas sa Bibliya na partikular na bumabanggit sa mga serapin. Ang mga serapin (nagaapoy o nagbabagang nilalang) ay mga anghel na may kaugnayan sa pangitain ni Isaias sa Diyos sa templo.

Binibigyan tayo ng Angelology ng pananaw tungkol sa mga anghel. Ang mga anghel ay mga nilalang na sumasamba at sumusunod sa Diyos. Minsan, ipinadadala ng Diyos ang mga anghel upang makialam sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tinutulungan tayo ng Angelology na kilalanin ang isang digmaan na nagaganap sa pagitan ng mga anghel ng Diyos at ni Satanas at ng kanyang mga demonyo. Ang isang tamang pangunawa sa Angelology ay napakahalaga. Kung nauunawaan natin na ang mga anghel ay mga nilalang din lamang ng Diyos na gaya natin, ating mauunawaan na ang pagsamba o pananalangin sa mga anghel ay pagnanakaw ng kaluwalhatian na para lamang sa Diyos. Ang Diyos lamang, hindi ang sinumang anghel ang nagsugo ng Kanyang Anak upang mamatay para sa atin. Ang Diyos lamang ang tanging nagmamahal at nagmamalasakit sa atin at siya rin lamang ang tanging karapatdapat sa ating pagpupuri at pagsamba.

Ang susing talata sa Angelology ay Hebreo 1:14 kung saan sinasabi, "Ano ang mga anghel, kung gayon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga sinusugo niya upang tumulong sa mga maliligtas."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang angelology?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries