settings icon
share icon
Tanong

Bakit dinadala ng Diyos ang mga tao sa impiyerno?

Sagot

Sinasabi ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang impiyerno para kay Satanas at sa mga masasamang anghel na naghimagsik laban sa Kanya ngunit mayroon ding mga tao sa impiyerno (Mateo 25:41). Ang mga anghel at mga tao ay parehong nasa impiyerno para sa parehong kadahilanan, ang kasalanan (Roma 6:23).

Dahil ganap na matuwid ang Diyos at sakdal sa moralidad (Awit 18:30), palagi Niyang ginagawa kung ano ang tama - walang “kadiliman” sa Diyos ni pinakamaliit na bahid man ng kahinaan (1 Juan 1:5). Ang Diyos mismo ang pamantayan para sa kung ano ang tama, mabuti , at moral. Kung hindi dahil sa Diyos bilang pamantayan ng moral na kasakdalan, walang magiging batayan para sa kanilang sarili ang mga nilalang. Sa madaling salita kung ganap na matuwid ang Diyos, ang anumang hindi nakakaabot sa kanyang perpektong kasakdalan ay kasalanan, at bawat tao na nabuhay mula ng mahulog si Adan mula sa biyaya ay nagkasala (Roma 3:23). Dahil nagkasala si Adan, ang buong sangkatauhan ay mayroon na ngayong likas na kasalanan (Roma 5:12). Ngunit hindi ang kasalanan ni Adan ang nagdadala sa mga tao sa impiyerno sa halip, sila ay napupunta sa impiyerno dahil sa kanilang sariling kasalanan na kanilang malayang pinagpasyahan (Santiago 1:13-16).

Dahil walang hanggan ang Diyos, hindi nagbabago, walang katapusan, at ang lahat ng kasalanan ay laban sa Diyos, itinakda Niya na ang tamang parusa para sa kasalanan ay dapat ding walang hanggan (Mateo 25:46). May isa pang aspeto na dapat isaalang-alang at ito ay Diyos din ang lumikha sa mga tao upang mabuhay ng walang hanggan. Kaya’t kapag ang isang tao ay nagkasala laban sa ibang tao, pinagkasalanan din niya habang-buhay ang tao na kanyang nasaktan.

Kung gayon, itinuturing ng Diyos na ang lahat ng gumagawa ng kasalanan ay mapupunta sa impiyerno dahil nabigo silang maabot ang Kanyang matuwid na pamantayan at nilabag nila ang Kanyang pamantayan ng pagiging sakdal sa kabanalan. Kung hindi pinaparusahan ng Diyos ang mga tao sa impiyerno dahil sa paglabag sa kanyang mga kautusan, maaaring sabihin na hindi makatarungan ang Diyos (Awit 7:11). Isang magandang halimbawa ay ang isang hukuman sa lupa na may hukom at isang taong lumabag sa batas. Ang isang makatarungang hukom ay laging hahatulan ang taong napatunayang nagkasala. Kung ang Hukom na ito ay hindi maggagawad ng hustiya para sa krimen, hindi siya magiging isang makatarungang hukom (Deuteronomio 32:4).

Gayunman, ang mabuting balita ay mahabagin ang Diyos. Sa Kanyang saganang kahabagan, gumawa Siya ng paraan para sa mga makasalanan upang maiwasan ang parusa ng impiyerno sa pamamagitan ng pagtitiwala sa ginawang pagbabayad-sala ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo (Roma 5:9). Para sa mga Kristiyano, ang kaparusahan ng kasalanan ay inalis na at inilagay kay Kristo sa krus (1 Pedro 2:24). Dahil sa handog na ginawa ni Kristo, nanatiling makatarungan ang Diyos - ang kasalanan ay pinarusahan - gayunman Siya ay mahabagin sa lahat ng sasampalataya kay Kristo.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries