settings icon
share icon
Tanong

Nasa mundo pa ba ang presensya ng Banal na Espiritu sa panahon ng kapighatian?

Sagot


Ang katanungan kung nasa mundo pa rin ang Banal na Espiritu sa panahon ng kapighatian ay resulta ng maling pang-unawa sa 2 Tesalonica 2:7 kung saan mababasa, “Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung maalis na ang humahadlang.” Ngayon mismo, bago ang kapighatian, ang isa sa mga gawain ng Banal na Espiritu ay pigilan ang kasamaan. Sa 2 Tesalonica 2:8-9, matututunan natin na ang kapangyarihan ng Espiritu ang humahadlang sa isang “suwail” (Antikristo) kaya hindi siya nahahayag hanggang hindi siya pahintulutan ng Diyos. Sinasabi sa talata na hindi na hahadlangan ng Banal na Espiritu ang paglala ng kasamaan, pero hindi ito nangangahulugan na hindi na Siya magkakaroon pa ng gawain.

Sa Gawa 1:4–5, ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga alagad na “babawtismuhan sila sa Banal na Espiritu.” Sa Gawa kabanata 2, natupad ang pangako ni Jesus. Nakasulat sa talata 38 at 39, ‘“Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.’”

Kaya nga, tinitiyak sa bawat isinilang na muling mananampalataya ang pananahan ng Banal na Espiritu at hindi makikita saanman sa Kasulatan na babawiin ang pangakong ito. Ang pagsilang na muli ay gawain ng Espiritu; at kung wala Siya, walang sinuman ang maliligtas. Kung wala na ang Espiritu sa panahon ng kapighatian, walang kahit sino ang maliligtas. Pero ang katotohanan ay napakaraming tao na walang sinuman ang makakabilang ang maliligtas sa panahon ng kapighatian (Pahayag 7:9–14). Kaya nga, ang mga lalapit kay Cristo sa panahon ng kapighatian ay pananahanan din ng Banal na Espiritu. Luwalhatiin natin ang Diyos sa Kanyang probisyong ito dahil ang mga Banal sa panahon ng kapighatian ay nangangailangan din ng direksyon ng Espiritu sa panahong iyon ng matinding kahirapan.

Ang isa pang magandang dahilan kung bakit nasa mundo pa rin sa panahon ng kapighatian ang Banal na Espiritu ay ang Kanyang pagiging omnipresente (sumasalahat ng dako). Dahil nasa lahat Siya ng dako sa lahat ng panahon, hindi Siya mawawala sa panahon ng kapighatian.

May isang yugto ng panahon—na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam—kung kailan ang impluwensya ng Espiritu na humahadlang sa kasamaan ay aalisin, at mahahayag ang Antikristo sa isang walang muwang at hindi naghihinalang mundo, at magsisimula ang panahon ng kapighatian.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Nasa mundo pa ba ang presensya ng Banal na Espiritu sa panahon ng kapighatian?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries