Tanong
Ang kasarian ba ng Banal na Espiritu ay sa isang lalaki o babae o wala Siyang kasarian?
Sagot
Ang isang karaniwang pagkakamali patungkol sa Banal na Espiritu ay ang pagtukoy sa Kanya na tulad lamang sa isang bagay at paggamit sa pangngalang “ito,” isang bagay na hindi ginawa ng Bibliya. Ang Banal na Espiritu ay isang persona. Mayroon Siyang kalikasan ng isang persona, at gumagawa ng mga gawain ng isang persona at may personal na pakikipagugnayan sa mga mananampalataya. Siya ay nagsisiyasat (1 Corinto2:10-11). Nalalaman Niya ang lahat ng bagay na tulad sa isang may katalinuhan (Roma 8:27). Mayroon Siyang kalooban (1 Corinto12:11). Inuusig Niya ang tao sa kanilang kasalanan (Juan 16:8). Gumagawa Siya ng mga himala (Gawa 8:39). Siya ay gumagabay (Juan 16:13). Namamagitan Siya sa mga tao (Roma 8:26). Siya ay nararapat sundin (Gawa 10:19-20). Maaari siyang pagsinungalingan (Gawa 5:3), labanan (Gawa 7:51), pighatiin (Efeso 4:30), busungin (Matthew 12:31), at maging insultuhin (Hebreo10:29). Nakikipagugnayan Siya sa mga Apostol (Gawa 15:28) at sa bawat miyembro ng Trinidad (Juan 16:14; Mateo 28:19; 2 Corinto 13:14). Ang pagiging isang persona ng Banal na Espiritu ay ipinahayag ng walang pagaalinlangan sa Bibliya, ngunit ano ang Kanyang kasarian?
Sa paggamit ng salita ng tao, malinaw na ang pangngalang panlalaki na ginagamit din para sa Diyos ang makikitang pagpapakilala sa Kanya sa buong Bibliya. Sa Luma at Bagong Tipan, tinutukoy ang Diyos gamit ang pangngalang panlalaki. Ang mga partikular na pangalan ng Diyos gaya ng Yahweh, Elohim, Adonai, Kurios, Theos at iba pa ay nasa panlalaking kasarian. Hindi kailanman ginamit para sa Diyos ang pangbabaeng kasarian o binigyan man Siya ng pang babaeng pangalan. Gayundin, tinukoy ang Banal na Espiritu sa panlalaking pangngalan sa buong Bibliya bagamat ang salitang “Espiritu” o pneuma ay walang kasaraian. Ang salitang Hebreo para sa Espiritu ay ruach na nasa pambabae sa Genesis 1:2. Ngunit ang kasarian ng isang salita sa wikang Grieyo o Hebreo ay walang kinalaman sa pagkakakilanlan sa kasarian.
Sa aspetong teolohikal, dahil ang Banal na Espiritu ay Diyos, maaari tayong gumawa ng deklarasyon patungkol sa Kanya na gaya ng pangkalahatang deklarasyon ng Kasulatan patungkol sa Diyos. Ang Diyos ay Espiritu at hindi gaya ng materyal o pisikal. Ang Diyos ay hindi nakikitang Espiritu (walang pisikal na katawan) - (Juan 4:24; Lukas 24:39; Roma 1:20; Colosas 1:15; 1 Timoteo 1:17). Ito ang dahilan kung bakit walang materyal na bagay na ginamit sa buong Bibliya upang ilarawan ng Diyos (Exodo 20:4). Kung ang kasarian ay malalaman sa pagkakaroon ng katawan, ang Espiritu kung gayon ay walang kasarian. Sa esensya ang Diyos ay walang kasarian.
Ang pagpapakilala sa persona ng Diyos sa Bibliya ay hindi iisa. Iniisip ng maraming tao na eksklusibong inilalarawan ng Bibliya ang Diyos sa panlalaking terminolohiya ngunit hindi ito totoo. Sinasabi sa Bibliya na ang Diyos ang nagsilang sa aklat ni Job at inilarawan ang kanyang sarili bilang ina ni Isaias. Inilarawan ni Hesus ang Diyos na tulad sa isang babae na naghahanap sa kanyang nawawalang salapi sa Lukas 15 (at inilarawan naman Niya ang kanyang sarili na gaya sa “inahing manok” sa Mateo 23:37). Sa Genesis 1:26-27 sinabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.” Ang salitang Hebreo na “Adan” ay nangangahulugan na “tao.” Ang konteksto ay nagpapakita na ang kahulugan nito ay “lalaki” (na salungat sa isang babae) o sa “sangkatauhan” sa isang kolektibong kahulugan. Kaya nga sa anumang antas, ayon sa pagkalikha ng tao ayon sa wangis ng Diyos, hindi dito isyu ang kasarian.
Gayunman, ang paggamit ng imahe ng isang lalaki sa Bibliya ay mahalaga. Sa ikalawang pagkakataon, partikular na ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng isang pisikal na anyo. Ito ay ng hilingin kay Hesus ng isa sa mga alagad na ipakita Niya ang Ama sa Juan kabanata 14. Sumagot si Hesus at sinabi sa talata 9, “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita!” Sinabi ni Apostol Pablo na si Hesus ang eksaktong representasyon ng Ama at tinawag si Hesus sa Colosas 1:15, na “larawan ng Dios na di nakikita.” Ang talatang ito ay nakapaloob sa isang katuruan tungkol sa kahigtan ni Hesus sa lahat ng nilalang. Maraming sinaunang relihiyon ang naniniwala sa mga lalaki at babaeng diyus diyusan na nararapat sambahin. Ngunit ang malaking pagkakaiba ng Hudeo- Kristiyanismo sa mga paganong relihiyon ay ang paniniwala nito sa isang pinakamakapangyarihang Manlilikha. Ang paggamit ng kasariang panlalaki ay ang angkop na paglalarawan sa relasyon sa pagitan ng Manlilikha at ng Kanyang mga nilikha. Nilikha ng Diyos ang sansinukob mula sa wala. Gaya ng babae na hindi kayang manganak sa kanyang sarili, hindi rin kayang likhain ng sangnilikha ang kanyang sarili. Ipinaliwanag ni Pablo ang ideyang ito sa 1 Timoteo 2:12-14 ng kanyang tukuyin ang sangnilikha bilang larawan ng kaayusan sa Iglesya.
Sa huli, anuman ang paliwanag sa teolohiya tungkol sa kasarian ng Espiritu Santo, ang katotohanan ay eksklusibong ginamit ng Diyos ang pangngalang panlalaki para tukuyin ang Kanyang sarili sa literal o pigura ng pananalita. Sa pamamagitan ng Bibliya, tinuruan Niya tayo kung paano Siya tatawagin at iyon ay sa panlalaking kasarian o terminolohiya, Kaya nga habang ang Banal na Espiritu ay hindi partikular na tinukoy bilang isang lalaki o babae, sa esensya, Siya ay ipinakilala sa kasariang panlalaki dahil sa kanyang relasyon sa paglikha at sa kapahayagan ng Bibliya. Walang anumang basehan sa Bibliya ang pagturing sa Banal na Espiritu na isang babaeng miyembro ng Trinidad.
English
Ang kasarian ba ng Banal na Espiritu ay sa isang lalaki o babae o wala Siyang kasarian?