settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa BDSM?

Sagot

Ang BDSM ay kumakatawan sa bondage/discipline/sadism/masochism. Ang terminong ito ay maaaring tumukoy sa subculture ng mga taong interesado sa domination/submission at sadomasochism, o maaari itong tumukoy ng mas simple sa mga aksyon ng mag-asawang nagsasama ng dominatrix/submissive role-playing bilang bahagi ng kanilang sekswal na relasyon. Hindi binabanggit sa Bibliya ang BDSM, maging bahagi man ng mga sekswal na relasyon o hiwalay sa mga ito.

Patungkol sa “marriage bed” (Hebreo 13:4), ang Bibliya ay hindi nagbibigay ng maraming impormasyon sa kung ano ang maaaring gawin ng mag-asawa sa pakikipagtalik sa isa’t isa. Higit pa sa pangangalunya (threesomes, swapping, etc.) at pornography, na malinaw at tahasang tinutukoy ng Bibliya ang mabuting simulain ay tila ang, “mutual consent” na binanggit sa 1 Corinto 7:5. Kung ang mag-asawa ay lubos na nagkakasundo, na hindi napipilitan o pinuwersa, binigyan ng Diyos ang mga mag-asawa ng kalayaan tungkol sa mga nangyayari sa “kanilang higaan.” Maaari bang kasama sa kalayaan na ito ang mga black leather costumes, non-violent bondage, at role-playing? Walang anuman sa Bibliya na tahasang naghihigpit sa mga ganitong gawain.

Sa sinabing ito, tiyak na may mga madilim na aspeto sa BDSM na walang bahagi ang isang Kristiyano. Ang pagtanggap ng sekswal na kasiyahan sa pamamagitan ng pagbibigay o pagtanggap ng sakit ay hindi sang-ayon sa sinasabi ng Bibliya patungkol sa sex. Ang pakikipagtalik ay isang pagpapahayag ng pag-ibig, pagmamahal, pagsinta, kahinahunan, pagiging hindi makasarili, at pangako. Ang kasarian ay literal/pisikal na pagpapahayag ng mag-asawa bilang “one flesh” (Genesis 2:24). Ang pagbigay sakit, pagkasira, o kahihiyan sa seksuwal na relasyon ay sumisira sa kung ano ang nararapat, kahit na ang gayong mga aksyon ay pinagkasunduan. Ang mas matinding aspeto ng BDSM ay may kaugnayan ito sa satanismo/paganismo at tiyak na hindi makadiyos at bastos.

Tungkol sa subculture ng BDSM, ang pangangailangang mangibabaw at/o magpaibabaw sa isang relasyong sekswal man o hindi sekswal ay nararapat itong matubos ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Namatay si Jesu-Kristo upang palayain tayo mula sa kasalanan at sa mga konsekwensya nito (Lucas 4:18; Santiago 5:1). Si Jesu-Cristo ay laging nagpakita ng paglilingkod ng may pagpapakumbaba, hindi ng pagiging dominante sa Kanyang pakikitungo sa iba (Juan 13). Ang pangangailangang magpaibabaw at ang pagnanais na maging dominante ay hindi angkop sa espiritwal. Kahit na ang ilang “inosente” o nakakatuwang aspeto ng BDSM ay maaaaring payagan sa konteksto ng kasal, ang karamihan sa nangyayari sa BDSM ay ganap na hindi Kristiyano at hindi pinapahintulutan ni Cristo.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries