Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa oral sex?
Sagot
Ang oral sex na kilala rin bilang “cunnilingus” kapag ginawa sa mga babae at “fellatio” kapag ginawa sa mga lalaki ay hindi binabanggit sa Bibliya. May dalawang pangunahing katanungan patungkol sa oral sex: (1) “ang oral sex ba ay kasalanan kung ginawa ng hindi magasawa?” at (2) “kasalanan ba ang oral sex kung gagawin ng mag-asawa?” Bagama’t hindi partikular na binabanggit ng Bibliya ang alinman sa mga tanong na ito, tiyak na may mga pamantayan ito sa Bibliya.
Ang oral sex ba ay kasalanan kung ginawa ito ng hindi magasawa?
Nagiging mas karaniwan ang tanong na ito habang sinasabihan ang mga kabataan na ang “oral sex ay hindi talaga sex,” at habang ang oral sex ay itinataguyod bilang isang mas ligtas (walang panganib ng pagbubuntis, kakaunti ang panganib ng pagkahawa sa mga sakit na naisasalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik) na alternatibo sa pakikipagtalik. Ano ang sinasabi ng Bibliya? Sinasabi sa Efeso 5:3, “Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot.... dahil ang mga ito ay hindi angkop para sa mga banal na tao ng Diyos.” Ang Biblikal na kahulugan ng “imoralidad” ay “anumang anyo ng pakikipagtalik na labas sa pag-aasawa” (1 Corinto 7:2). Ayon sa Bibliya, dapat ilaan sa kasal ang pakikipagtalik (Hebreo 13:4). Period. Kaya, oo, ang oral sex ay isang kasalanan kung ginawa ito ng hindi ikinasal na magasawa.
Ang oral sex ba ay kasalanan kung gagawin ng ikinasal na magasawa?
Marahil marami sa mga Kristiyanong mag-asawa ang may tanong na ganito. Ang nagpapahirap dito ay ang katotohanang walang sinasabi sa Bibliya kung ano ang pinapayagan o ipinagbabawal na gawaing sekswal sa pagitan ng mag-asawa maliban siyempre sa anumang sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng ibang tao (pagpapalit ng ka-sex, pakikipagseks sa maraming kapartner etc.) o may kinalaman sa pagnanasa sa ibang tao (pornograpiya). Sa dalawang pagbabawal na ito, ang prinsipyo ng “pagpayag ng isa’t isa” ay tila naaangkop (1 Corinto 7:5). Bagama’t ang tekstong ito ay partikular na tumatalakay sa pag-iwas sa pakikipagtalik/dalas ng pakikipagtalik, ang “pagpayag ng isa’t isa” ay ang magandang konsepto na mailalapat sa pangkalahatan tungkol sa pagtatalik sa pagitan ng magasawa. Anuman ang gawin, dapat itong lubos na napagkasunduan ng mag-asawa. Hindi dapat pilitin o pwersahin na gawin ang isang bagay na hindi ganap na komportable ang bawat isa. Kung ang oral sex ay ginagawa sa loob ng limitasyon ng kasal at sa diwa ng pagpapahintulot ng isa’t isa, walang Biblikal na kaso para ideklara itong maging kasalanan.
Sa kabuuan ang oral sex bago ang kasal o sa pagitan ng hindi magasawa ay tiyak na kasalanan. Ito ay imoral. Hindi ito katanggap-tanggap sa Bibliya na alternatibong pakikipagtalik para sa mga hindi kasal. Sa loob ng limitasyon ng ikinasal na magasawa, ang oral sex ay hindi kasalanan basta’t may pahintulot ng isa’t isa.
*Bagama’t mas ligtas ang oral sex kaysa sa karaniwang paraan ng pagtatalik patungkol sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, tiyak na hindi ito ligtas. Ang Chlamydia, gonorrhea, herpes, HIV/AIDS, at iba pang STDs ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng oral sex.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa oral sex?