settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Euthanasia o ang pagpapaubaya na mamatay ang isang tao dahil sa awa?

Sagot


Ang euthanasia o ang pagpapaubaya na mamatay ang isang tao dahil sa awa ay isang napakahirap na usapin. May dalawang bagay na mahirap ibalanse tungkol sa isyung ito. Sa isang banda, ayaw natin na ilagay sa ating sariling mga kamay ang buhay ng isang tao at hayaang matapos iyon ng wala sa panahon. Sa isang banda naman, hanggang saan natin hahayaang maghirap ang isang tao at hanggang kailan natin siya hahayaan na lamang na mamatay ng kusa?

Ang katotohanan na sumusuporta sa katotohanan na ang Diyos ay laban sa euthanasia ay ang Kanyang walang hanggang kapamahalaan. Alam natin na hindi maaaring hadlangan ng sinuman ang pisikal na kamatayan (Awit 89:49; Hebreo 9:27). Ang Diyos lamang ang may kapamahalaan kung saan at kailan magaganap ang kamatayan ng isang tao. Pinatotohanan ito ni Job sa Job 30:23, "Oo, alam ko na dadalhin mo ako sa kamatayan, at sa bahay na itinalaga para sa lahat ng nabubuhay." Idineklara sa Mangangaral 8:8a, "Walang taong may kapangyarihang pumigil ng espiritu, ni kapangyarihan sa araw ng kamatayan." Nasa Diyos ang huling pagpapasya sa kamatayan ng isang tao (tingnan din ang 1 Corinto 15:26, 54-56; Hebreo 2:9, 14-15; Pahayag 21:4). Ang euthanasia ay ang paraan ng tao upang pangunahan ang Diyos.

Ang kamatayan ay isang natural na kaganapan. Minsan, pinahihintulutan ng Diyos ang isang tao na magdusa ng mahabang panahaon bago mamatay; sa ibang pagkakataon naman ang paghihirap ng isang tao ay maiksi lamang. Walang taong ikinatutuwa ang pagdurusa, ngunit hindi ito nagbibigay ng karapatan sa tao upang humatol sa kahandaang mamatay ng isang tao. Kadalasan, ang layunin ng Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng paghihirap ng isang tao. "Sa araw ng kasaganaan ay magalak ka, at sa araw ng kahirapan ay magsaalang-alang ka. Ginawa ng Diyos ang isa pati ang isa pa" (Mangangaral 7:14). Itinuturo sa Roma 5:3 na ang bunga ng kahirapan ay pagtitiyaga. Nagmamalasakit ang Diyos sa mga taong nananalangin ng kamatayan upang matapos na ang kanilang pagdurusa. May layunin ang Diyos sa buhay mula umpisa hanggang sa katapusan. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti at laging perpekto ang Kanyang panahon, maging ang panahon ng kamatayan.

Sa parehong paraan, hindi tayo inuutusan ng Bibliya na gawin ang lahat upang mapanatiling buhay ang isang tao. Kung ang isang tao ay binubuhay na lamang ng mga makina, hindi imoral na patayin na ang mga makina at hayaan na mamatay ang isang tao. Kung ang isang tao ay nasa kalagayan na ng pagiging gulay sa loob ng mahabang panahon hindi isang kasalanan sa Diyos na alisin ang mga tubo at makina na nagpapanatiling buhay sa katawan ng tao. Kung nais ng Diyos na mabuhay ang isang tao, kayang kaya Niyang gawin ito kahit ng walang tulong na anumang tubo o makina na nakakabit sa katawan ng tao.

Ang ganitong pagdedesisyon ay napakahirap at napakasakit. Hindi madaling sabihin sa isang doktor na alisin na ang mga makinang sumusuporta sa hininga ng isang mahal sa buhay. Hindi natin dapat na tapusin ang buhay ng isang tao ng wala pa sa panahon, ngunit gayun din naman, hindi nararapat na gumawa tayo ng mga ekstra-ordinaryong pamamaraan upang panatilihing buhay ang isang tao. Ang pinakamagandang payo sa kaninuman na humaharap sa ganitong desisyon ay ang paghingi sa Diyos ng karunungan (Santiago 1:5).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Euthanasia o ang pagpapaubaya na mamatay ang isang tao dahil sa awa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries