settings icon
share icon
Tanong

Sino ang humati sa Bibliya sa mga kabanata at mga talata? Bakit at kailan ito ginawa?

Sagot


Noong orihinal na isulat ang Bibliya, wala itong mga kabanata at mga talata. Ang Bibliya ay hinati sa mga kabanata at mga talata para mas madali at mabilis hanapin ang mga bahagi ng Kasulatan na ating nais pagaralan at basahin. Mas madaling hanapin ang “Juan kabanata 3, talata 16” kaysa sa salitang “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos…” Sa ilang mga lugar, napuputol ang mga kabanata sa hindi magandang paraan at dahil dito nahahati ang nilalaman na dapat sana’y magkakasamang dumadaloy. Gayunman, sa pangkalahatan, ang mga dibisyon ng mga kabanata at mga talata ay kagamit-gamit.

Ang mga dibisyon sa mga kabanata na karaniwang ginagamit ngayon ay isinaayos ni Stephen Langton, isang arsobispo sa Canterbury. Inilagay ni Langton ang makabagong dibisyon ng mga kabanata noong mga AD 1227. Ang Wycliffe English Bible noong 1382 ang pinakaunang salin na ginamitan ng ganitong sistema. Mula noon, halos lahat ng salin ng Bibliya ay gumamit ng mga dibisyon na ginawa ni Langton.

Ang Lumang Tipan na salin sa salitang Hebreo, ay hinati sa mga talata ng isang Judiong Rabbi na nagngangalang Nathan noong AD 1448. Si Robert Estienne, na kilala rin bilang si Stephanus ang unang humati sa Bagong Tipan sa mga talatang may bilang noong 1855. Ginamit ni Stephanus ang mga dibisyon ni Nathan sa Lumang Tipan. Mula noon, simula sa pagimprinta sa Geneva Bible, ang mga kabanata at mga talata na ginamit ni Stephanus ay ginamit sa halos lahat ng salin ng Bibliya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino ang humati sa Bibliya sa mga kabanata at mga talata? Bakit at kailan ito ginawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries