settings icon
share icon
Tanong

Bakit mahalaga na pagaralan ang Bibliya ayon sa konteksto? Bakit mali na unawain ang Bibliya ng hindi ayon sa konteksto?

Sagot


Mahalaga na pagaralan ang mga talata at mga kuwento sa Bibliya ayon sa kanilang konteksto. Ang pagpapaliwanag sa isang talata ng hindi ayon sa konteksto ay siyang dahilan ng maraming mga pagkakamali sa pangunawa at maling pagpapaliwanag sa mga talata sa Bibliya. Ang pangunawa sa konteksto ay nagsisimula sa limang prinsipyo: 1) lliteral na kahulugan (ano ang literal na sinasabi), 2) ang kasaysayan sa likod ng aklat o teksto (ang mga pangyayari sa kuwento, 3) para kanino iyon isinulat at paano iyon naunawaan ng unang mambabasa sa kanilang panahon, 4) gramatiko (ang mga pangungusap at mga saknong kung saan matatagpuan ang isang salita o parirala), at 5) pagkukumpara o synthesis (paghahambing sa ibang bahagi ng Kasulatan). Ang konteksto ay napakahalaga sa proseso ng pagaaral ng orihinal na kahulugan ng Bibliya (exegesis). Pagkatapos na malaman ang literal na kahulugan, kasaysayan at ang gramatiko ng isang kabanata o talata sa Bibliya, dapat nating pagaralan din ang istruktura ng aklat pagkatapos ay ang kabanata at mga saknong at mga salitang ginamit. Ang lahat ng ito ay kasama sa “konteksto.” Ito ay tulad ng pagtingin sa isang mapa ng mundo gamit ang Google maps at pagpapalaki (zooming) ng isang lugar upang makita ang kabuuan ng isang lugar.

Ang pagpapaliwanag sa mga talata ng Bibliya ng hindi ayon sa konteksto ay laging nagreresulta sa maling pangunawa. Halimbawa, ang pangunawa sa pariralang “ang Diyos ay pag-ibig” (1 Juan 4:7-16) ng hindi ayon sa konteksto ay maaaring magbunga sa pangunawa na iniibig ng Diyos ang lahat ng bagay at lahat ng tao ng isang emosyonal at romantikong pag-ibig. Ngunit sa literal na kahulugan at maging sa konteksto ng gramatiko, ang salitang pag-ibig sa talatang ito ay tumutukoy sa “agape” na ang kahulugan ay “pagsasakripisyo para sa kapakinabangan ng iba,” hindi isang sentimental o romantikong pakiramdam. Ang kasaysayan din sa likod ng talata ay mahalaga dahil ang sinusulatan ni Juan ay ang mga mananampalataya na miyembro ng Iglesya noong unang siglo at tinuturuan sila hindi ng tungkol sa mismong pag-ibig ng Diyos kundi sa kung paano makikilala ang tunay na mananampalataya at mga nagpapanggap na mananampalataya. Ang tunay na pag-ibig - ang uri ng pag-ibig na may pagpapakasakit para sa kapakanan ng iba - ang isa sa mga marka ng tunay na mananampalataya (v.7); yaong hindi umiibig ay hindi tunay na sa Diyos (v.8). Inibig tayo ng Diyos bago natin Siya inibig (vv. 9-10); at ito ang dahilan kung bakit dapat nating ibigin ang isa't isa - upang malaman ng lahat na tayo ay sa Kanya (v. 11-12).

Bukod pa rito, ang pangunawa sa pariralang “pag-ibig ng Diyos” sa konteksto ng buong Kasulatan (synthesis) ay magiiwas sa atin sa mali at napakakaraniwang konklusyon na ang Diyos ay pag-ibig lang o kaya naman ang pag-ibig ay mas higit sa iba Niyang mga katangian. Alam natin mula sa ibang mga talata ng Kasulatan na ang Diyos ay banal at makatarungan, tapat at mapagkakatiwalaan, puno ng biyaya at mahabagin, makapangyarihan sa lahat, sumasalahat ng dako at nakaaalam ng lahat at marami pang iba. Alam din natin mula sa ibang talata na hindi lamang umiibig ang Diyos kundi napopoot din naman sa mga makasalanan (Awit 11:5).

Ang Bibliya, ang Salita ng Diyos ay literal na “hiningahan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16), at inuutusan tayo na maghanda, pagaralan at unawain ito sa pamamagitan ng paggamit ng tamang metodolohiya ng pagaaral sa iluminasyon ng Banal na Espiritu upang gabayan tayo (1 Corinto 2:14). Ang ating pagaaral ay higit na mapagbubuti sa pamamagitan ng matiyagang pagaaral sa konteksto. Hindi mahirap na makakita ng mga talata na tila nagsasalungatan sa isa't isa, ngunit kung maingat nating titingnan ang konteksto at ikukumpara ang mga talata sa itinuturo ng ibang bahagi ng Kasulatan, mauunawaan natin ang kahulugan ng isang sitas o talata ay mabibigyang linaw ang tila pagkakasalungatan. Ang pariralang “konteksto ang hari” ay nangangahulugan na ang konteksto ang pinakamahalagang aspeto ng pagaaral ng Bibliya. Ang hindi pagpansin sa konteksto nito ang maglalagay sa atin sa seryosong problema - sa maling pangunawa sa itinuturo ng Bibliya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit mahalaga na pagaralan ang Bibliya ayon sa konteksto? Bakit mali na unawain ang Bibliya ng hindi ayon sa konteksto?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries