settings icon
share icon
Tanong

Bakit napakaraming kalituhan tungkol sa itinuturo ng Bibliya?

Sagot


Ibinigay sa atin ng Diyos ang Bibliya upang turuan tayo tungkol sa Kanya at dahil ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan (1 Corinto 14:33), ang anuman at lahat ng kalituhan sa pagunawa ng Kanyang salita ay tiyak na galing sa sanlibutan, sa laman, at sa diyablo at hindi sa Kanya. Ang “sanlibutan” ay ang hindi makadiyos na sistema at ang mga taong makasanlibutan ay ang mga taong hindi nakakaunawa at nagmamahal sa Salita ng Diyos; ang “laman” naman ay ang makasalanang kalikasan na taglay ng mga Kristiyano na nagpaparumi sa kanyang buhay at pangunawa; at ang “diyablo” naman ay tumutukoy kay Satanas at sa kanyang mga demonyo na pinipilipit ang Salita ng Diyos at sa tuwina ay nagkukunwaring anghel ng kaliwanagan (2 Corinto 11:14-15).

Ang bawat isa sa mga pwersang ito ay maaaring gumawa ng indibidwal o maaaring magsabay-sabay upang magdulot ng kalituhan sa mga tao tungkol sa kanilang pagkaunawa sa Salita ng Diyos. Ang pinakamalungkot, ang kalituhan tungkol sa Bibliya ay maaaring magbunga sa huwad na pag-asa sa kaligtasan. Ginamit ni Satanas ang Kanyang maling interpretasyon sa Salita ng Diyos sa pagtukso kay Hesus (Mateo 4:1-11). Patuloy na ginagamit ni Satanas ang parehong estratehiya sa panahong ito. Babanggitin niya ang isang katotohanan sa Kasulatan at ilalapat ito sa maling paraan. Napakahusay ni Satanas sa pagpilipit sa Salita ng Diyos at sapat ang kanyang kakayahang mandaya upang magdulot ng kapahamakan at pagkalito sa mga tao (2 Corinto 4:4).

Minsan, ang pagkalito tungkol sa sinasabi ng Bibliya ay nagugat sa paggamit ng hindi magandang salin ng Bibliya. Ngunit higit na madalas, ang kalituhan ay bunga ng hindi maingat na paraan ng pagaaral ng Bibliya ng mga mananampalataya o kaya ay resulta ng maling doktrina ng mga bulaang guro, mangangaral at mga manunulat (2 Corinto 11:12-13). Ang mga bulaang propetang ito ay gumagamit pa ng maayos na salin ng Bibliya at dahil sa kanilang kapos na kaalaman o kaya naman ay sinasadyang pagpilipit sa Salita ng Diyos upang itaas ang kanilang sarili upang isakatuparan ang kanilang makasariling hangarin o maging kaakit akit sa isipan ng mundo. Sa halip na magtiwala lamang sa iba upang turuan tayo ng Salita ng Diyos, dapat tayong magaral ng Salita ng Diyos sa ating sarili at magtiwala sa Banal na Espiritu.

Ang pinakamapanganib na pagkalito ay ang kalituhan patungkol sa katotohanan ng Ebanghelyo. Habang itinuturo ng Kasulatan na si Hesu Kristo ang tanging daan, katotohanan at buhay, (Juan 14:6; Gawa 4:12), marami ang nagsasabing tunay silang Kristiyano ang naniniwala na ang kaligtasan ay kaya nilang bayaran sa pamamagitan ng relihiyon at mabubuting gawa. Sa kabila ng pagkalitong ito, ang mga tunay na tupa ay nakikinig sa kanilang pastol at sumusunod sa Kanya (Juan 10:27). Yaong mga hindi kabilang sa tupa ng tunay na Pastol ay “hindi makikinig sa wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig” (2 Timoteo 4:3). Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang Espiritu at ang utos na ipangaral ang katotohanan sa diwa ng kapakumbabaan at katiyagaan, napapanahon man o hindi (2 Timoteo 4:2), “Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan (2 Timoteo 2:15). Gagawin natin ito hanggang sa dumating ang ating Panginoong Hesu Kristo at magkaroon ng wakas ang lahat ng kalituhan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit napakaraming kalituhan tungkol sa itinuturo ng Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries