settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ilang iba’t ibang metodolohiya sa pagaaral ng Bibliya?

Sagot


May ilang iba’t ibang metodolohiya ng pagaaral ng Bibliya na ating magagamit para magaral sa isang organisado at sistematikong paraan. Para sa layunin ng artikulong ito, pagbubukurin natin sila sa dalawang malawak na kategorya: Pagaaral sa mga Aklat at Pagaaral sa mga Paksa. Bago ang pagtalakay sa iba’t ibang uri ng metodolohiya sa pagaaral ng Bibliya, mahalagang kilalanin na lahat sila ay may ilang pagkakatulad at dapat na sumunod sa tiyak na alituntunin o prinsipyo ng hermeneutiko para maiwasan ang maling pangunawa sa itinuturo ng Bibliya. Halimbawa, anumang uri ng metodolohiya sa pagaaral ng Bibliya na ating gagamitin, mahalaga na maingat na isaalang-alang ang konteksto ng paksa o talata na pinagaaralan, sa loob ng malapit na konteksto ng kabanata o ng aklat mismo at sa loob ng pangkalahatang konteksto ng Bibliya. Ang ating unang layunin ay dapat na maunawaaan ang orihinal o intensyong pakahulugan ng isang sitas. Sa ibang salita, ano ang intensyong pakahulugan ng manunulat, at paano naunawaan ng orihinal na sinulatan ang kanyang isinulat? Kinikilala ng prinsipyong ito na ang Bibliya ay hindi isinulat ng walang layunin, kundi isang dokumento ng kasaysayan na isinulat sa isang partikular na yugto ng kasaysayan na may partikular na mambabasa sa isipan ng manunulat para sa isang partikular na layunin. Matapos na maunawaan ang tunay na kahulugan ng sitas, saka lang natin mauunawaan kung paano ito ilalapat sa ating buhay ngayon.

Pagaaral sa mga Aklat: Pinagtutuunan ng pansin ng metodolohiyang ito ng pagaaral sa Bibliya ang alinman sa kumpletong aklat sa Bibliya o isang partikular na bahagi ng isang aklat, gaya ng isang partikular na kabanata, ilang mga talata, o mismong isang talata. Sa metodolohiya ng kabanata at talata sa talata na pagaaral ng isang buong aklat, pareho ang mga prinsipyo at layunin. Halimbawa, para mapagaralan ang isang buong aklat, kinakailangan din nating pagaralan ang konteksto ng mga indibidwal na kabanata at talata. Gayundin, para mapagaralan ng tama ang isang partikular na talata, dapat din nating pagaralan ang pangkalahatang mensahe ng kabanata at ng aklat kung saan makikita ang talata. Siyempre, ito man ay pagaaral sa indibidwal na talata, o sa buong libro, dapat na lagi din nating isaalang-alang ang pangkalahatang konteksto ng buong Bibliya.

Pagaaral sa mga Paksa: Maraming klase ng pagaaral sa mga paksa na maaari nating gawin. Kabilang sa ilang halimbawa ang pagaaral sa buhay ng isang karakter sa Bibliya, kung saan pinagaaralan natin ang lahat ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa isang partikular na tao; Pagaaral sa mga salita, kung saan pinagaaralan natin ang lahat ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa isang partikular na salita o paksa; at Pagaaral sa isang lugar, kung saan natututunan natin ang lahat ng kaya nating matutunan tungkol sa isang partikular na bayan, o bansa na binanggit sa Bibliya. Mahalaga ang pagaaral sa mga paksa sa pangunawa sa lahat ng itinuturo ng Bibliya sa isang partikular na tao o paksa. Gayunman, dapat na maging maingat tayo sa paggamit ng mga talata na labas sa kanilang orihinal na konteksto para magpahiwatig ng isang pakahulugan na hindi maaaring suportahan sa pamamagitan ng pagaaral sa isang talata o isang aklat. Nakakatulong ang pagaaral sa mga paksa sa sistematikong pagoorganisa at pangunawa sa itinuturo ng Bibliya sa mga partikular o tukoy na mga paksa.

Sa pagaaral ng Bibliya, tunay na nakakatulong ang paggamit ng iba’t ibang metolohiya o paraan sa iba’t ibang panahon. Minsan, nais nating maglaan ng mahabang panahon sa pagaaral sa isang aklat, habang sa ibang pagkakataon naman ay maaari tayong makinabang ng malaki sa paggamit ng ibang uri ng pagaaral sa paksa. Anumang uri ng pagaaral ang ating ginagawa, dapat nating sundin ang mga sumusunod na panimulang hakbang: 1- Obserbasyon - Ano ang sinasabi ng Bibliya? 2- Interpretasyon -Ano ang pakahulugan ng Bibliya? at, 3- Aplikasyon-Paano ko ipapamuhay ang Biblikal na katotohanang ito sa aking buhay, o paanong napapanahon ang sitas na ito sa kasalukuyan? Anumang metodolohiya ng pagaaral sa Bibliya ang ating gamitin, dapat tayong maging maingat sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos ng tama para tayo maging mga manggagawang walang dapat ikahiya (2 Timoteo 2:15).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ilang iba’t ibang metodolohiya sa pagaaral ng Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries