settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghawak ng pera?

Sagot


Napakaraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa paghawak ng pera. Halimbawa, hindi ipinapayo ng Bibliya ang pangungutang. Tingnan ang Kawikaan 6:1-5; 20:16; 22:7, 26 -27 (Ang mayaman ang namamahala sa mahirap, at ang nangutang ay alipin ng nagpautang..Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang: kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan?" paulit ulit na nagbababala ang Bibliya laban sa pagkagahaman sa salapi sa halip ay pinapayuhan tayo na maghangad ng espiritwal na kayamanan. Kawikaan 28:20 "Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan." Tingnan din ang Kawikaan 10:15; 11:4; 18:11; 23:5.

Ang aklat ng Kawikaan 6:6-11 ay nagbababala tungkol sa katamaran at ang bunga nito sa pinansyal na buhay ng tao. Sinasabihan tayo na maging masipag gaya ng langgam, at magtrabaho at magipon para sa araw ng bukas. Bina-babalaan din tayo na na huwag mag patulog-tulog kung mayroon tayong dapat gawin. Ang isang taong tamad ay mas pinipili ang matulog kaysa magtrabaho. Tiyak ang kaynag hantungan - kahirapan at kasalatan. Sa kabilang banda, mayroon namang mga tao na sobrang gahaman at nais magkamal ng maraming salapi kahit sa anong paraan. Ang ganitong tao ayon sa Mangagaral 5:10 "ay walang kasiyahan at ang haling sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang." Sinasabi sa 1 Timoteo 6:6-11 na dapat tayong mag-ingat sa bitag ng pagkahumaling sa kayamanan.

Sa halip na sarilinin ang kayamanan, itinuturo ng Bibliya ay ang pagiging mapagbigay sa iba hindi ang magbigay kasiyahan lamang sa sarili. "Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na Masaya" (2 Corinto 9:6-7). Tayo ay hinahamon na maging mabuting katiwala ng mga bagay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa Lukas 16:1-13, itinuro ni Hesus ang isang talinghaga tungkol sa isang hindi tapat na alipin upang turuan tayo na maging mabuting katiwala. Ang aral sa kuwento ay "kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?" (vs. 11). Tayo rin ay dapat na maging mabuting taga tustos ng pangangailangan ng ating sariling pamilya gaya ng paalala sa atin ng 1 Timoteo 5:8 "Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kasambahay, ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga walang pananampalataya."

Sa paglalagom, ano nga ba ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa pinansyal na aspeto ng ating buhay bilang Kristiyano? isang salita lamang ang sagot - karunungan. Kailangan nating maging marunong tungkol sa pananalapi. Kailangan nating mag-impok ngunit hindi dapat na pagtiwalaan ang salapi ng higit sa Diyos. Ang paggastos ay dapat na laging kontrolado. Kailangan nating ibalik ang para sa Panginoon ng masaya at may pagsasakripisyo. Kailangan nating gamitin ang ating salapi sa pagtulong sa iba ngunit may matalinong pagpapasya sa gabay ng Banal na Espiritu. Hindi masamang maging mayaman. Ang masama ay ibigin ang kayamanan. Hindi masamang maging mahirap. Ang masama ay gugulin ang pera sa walang kabuluhang mga bagay. Ang Bibliya ay nagtuturo sa atin na dapat tayong maging matalino sa paghawak ng pera.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghawak ng pera?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries