settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagseselos?

Sagot


Kung ginagamit natin ang salitang "selos" ginagamit natin ito sa diwa ng pagkainggit sa isang tao o sa mga bagay na meron siya na wala tayo. Ang uri na ito ng pagseseslos ay isang kasalanan at hindi dapat na maging saloobin ng mga Kristiyano. Ipinakikita ng ugaling ito na nakokontrol pa tayo ng ating sariling mga kagustuhan (1 Corinto 3:3). Sinasabi sa Galatia 5:26, "Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa."

Sinasabi sa atin ng Bibliya na dapat tayong magtaglay at magpakita ng pag-ibig na gaya ng pag-ibig ng Diyos sa atin. "Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama" (1 Corinto 13:4-5). Mas pinagtutuunan natin ng pansin ang ating sarili, mas hindi natin napagtutuunan ng pansin ang Diyos. Kung pinatitigas natin ang ating puso sa katotohanan, hindi tao makalalapit kay Hesus at hindi Niya tayo pagagalingin (Mateo 13:15). Ngunit kung hahayaan natin na kontrolin tayo ng Banal na Espiritu, magbubunga Siya sa atin ng mga bunga ng kaligtasan; ng pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, at pagpipigil sa sarili (Galatia 5:22-23).

Sa tuwing nagseselos tayo, nangangahulugan iyon na hindi pa tayo nasisiyahan sa mga ibinigay sa atin ng Diyos. Sinasabi sa atin ng Bibliya na dapat tayong masiyahan kung ano ang meron tayo, dahil hindi tayo iiwan ni pababayaan man ng Diyos (Hebreo 13:5). Upang mabantayan ang ating sarili sa kasalanan ng pagseselos, kailangan nating maging kagaya ni Hesus. Habang natututo tayong maglingkod sa iba sa halip na sa ating sarili, maguumpisa ang pagbabago sa ating puso. "At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios" (Roma 12:2).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagseselos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries