settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa takot?

Sagot


Binabanggit sa Bibliya ang dalawang uri ng pagkatakot. Ang una ay kagamit gamit at dapat na pakanasain, Ang ikalawa ay hindi nakatutulong at dapat na paglabanan. Ang unang uri ng pagkatakot ay ang pagkatakot sa Diyos. Ang pagkatakot na ito ay hindi nangangahulugan na takot tayo sa isang bagay. Sa halip, ito ay banal na pagkatakot sa Diyos; ang paggalang sa kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian. Sa ibang salita, ang pagkatakot sa Panginoon ay ang pagkilala sa kung sino ang Diyos na nagmumula sa pangunawa sa Kanya at sa Kanyang mga mg katangian.

Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagdadala ng maraming pagpapala at benipisyo. Ito ang pasimula ng karunungan at ng mabuting pangunawa (Awit 111:10). Tanging mga hangal lamang ang tumatanggi sa karunungan at disiplina (Kawikaan 1:7). Gayundin naman, ang pagkatakot sa Panginoon ay nagbubunga ng buhay, kapahingahan, kapayapaan at kakuntentuhan sa buhay (Kawikaan 19:23). Ito ang pinanggagalingan ng buhay (Kawikaan 14:27) at nagbibigay ng kasiguruhan at nagdadala sa tao sa isang ligtas ng lugar (Kawiaan 14:26.

Kaya nga, naraarapat na himukin ang lahat na magkaroon ng pagkatakot sa Panginoon. Gayunman, ang ikalawang uri ng pagkatakot ay walang anumang maitutulong. Ito ang "espiritu ng katakutan" na binabanggit sa 2 Timoteo 1:7: "Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan." Ang espiritu ng pagkatakot at pagkamahiyain ay hindi nanggagaling sa Diyos.

Sa kabila ng lahat, kung minsan dinadaig tayo ng espiritu ng katakutan. Upang mapagtagumpayan ito, kailangan nating magtiwala ng lubusan at ibigin ang Diyos ng higit sa lahat. "Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig" (1 Juan 4:18). Walang sinumang tao ang perpekto at nalalaman ito ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit napakarami ang paalala ng Diyos sa kanyang mga anak laban sa pagkatakot. Mula sa aklat ng Genesis hanggang sa aklat ng Pahayag, pinaaalalahanan tayo ng Diyos na huwag "matakot."

Halimbawa sa Isaias 4:10, pinaalalahanan tayo ng Diyos, "Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran." Lagi nating kinatatakutan ang ating bukas at kung ano ang mangyayari sa atin. Ngunit ipinaalala ni Hesus na nagmamalasakit ang Diyos maging sa mga ibon sa kalangitan kaya't paanong hindi Niya bibigyan ng sapat na pangangailangan ang Kanyang mga anak? "Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya" (Mateo 10:31). Tinutukoy ng mga talata sa itaas ang maaraming uri ng pagkatakot. Sinasabi sa atin ng Diyos na huwag tayong matakot sa ating pagiisa, kung nanghihina tayo, kung walang nakikinig sa atin at nangangailangan tayo ng mga pangangailangang pisikal at material. Ang mga pangaral na ito ay makikita sa buong Bibliya at nasasakop ang lahat ng uri ng "espiritu ng pagkatakot."

Isinulat ng mangaawit, "Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; Anong magagawa ng tao sa akin?" (Awit 56:11). Ito y kahanga-hangang patotoo sa kapangyarihan ng pagtitiwala sa Diyos. Anuman ang mangyari, ang mangaawit ay patuloy na magtitiwala sa Diyos dahil nalalaman niya at nauunawaan ang kapangyarihan ng Diyos. Ang susi upang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang pagtanggi na matalo ng pagkatakot dahil sa buong- buong pagtitiwala sa Diyos. Ang pagtitiwala sa Diyos ay pagtanggi na pagharian ng takot. Ito ay pagbaling sa Diyos kahit sa gitna ng napakadilim na mga sandali sa buhay at pagtitiwala na aayusin Niya ang lahat. Ang pagittiwalang ito ay nanggagaling sa pagkakilala sa Diyos at sa pagkaalam na Siya ay mabuti. Gaya ng sinabi ni Job noong nakaranas siya ng isa sa pinakamabigat na pagsubok sa kasaysayan ng Bibliya, "Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, Maiharap lamang sa kanya itong aking usapin" (Job 13:15). Kung matutunan nating maglagak ng buong pagtitiwala sa Diyos, hindi na tayo matatakot sa mga bagay na dumarating sa atin. Masasabi natin ng may buong pagtitiwala gaya ng mangaawit,"Ang nagtitiwala sa 'yo'y magagalak, masayang aawit sila oras-oras; iyong iingatan yaong mga tapat, na dahil sa iyo'y lumigayang ganap" (Awit 5:11).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa takot?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries