settings icon
share icon
Tanong

Totoo ba ang Bibliya?

Sagot


Ang lohika ang nagsasabi na may isa lamang “obhektibong katotohanan” para sa anumang partikular na pagaangkin. Halimbawa, hindi maaaring parehong totoo ang dalawang pangungusap na ito sa parehong panahon: “nasa loob ng kulungan ang hamster” at “wala sa loob ng kulungan ang hamster.” Ang sukatang ito ng katotohanan ay mailalapat din sa mga espiritwal na usapin gaya ng kung paanong ang lohika ay nailalapat sa mga pisikal na bagay. Katanggap-tanggap na angkinin na ang Bibliya ay totoo at ang sumasalungat dito ay hindi nagsasabi ng totoo. Sa aming pagsusuri sa Bibliya gamit ang parehong sukatan ng pagsusuri sa ibang kasulatan, masasabi namin ng may pagtitiwala na ito ay tunay at totoo.

Hindi lamang hinihikayat ng Bibliya ang mga mambabasa na suriin ang kanilang sariling paniniwala (1 Juan 4:1), kundi pinupuri din nito ang mga nagsisisiyasat sa pagaangkin nito ng espiritwal na katotohanan (Gawa 17:11). Nagaangkin ang Bibliya ng katotohanan ayon sa kasaysayan at mga saksi (Lukas 1:1–4; 2 Pedro 1:16), ikinokonekta nito ang paniniwala sa mga nakikitang ebidensya (Juan 20:30–31), at iniuugnay ang mga ideya sa naoobserbahang mundo (Awit 19:1; Roma 1). Hayagang inangkin ni Jesus na Kanyang ipinapahayag ang eksklusibong katotohanan (Juan 18:37; 14:6). Kaya malinaw na sinasabi ng Bibliya na ito ay dapat na tanggapin bilang tunay, at eksklusibong totoo (Juan 17:17).

Kung susuriin natin ang mga pagaangkin ng Bibliya laban sa katotohanang napapatunayan ng ebidensya, pinatunayan ng Bibliya na ito ay tama. Ipinakita ng kasaysayan, arkelohiya, siyensya, at pilosopiya na ang Kasulatan ay tama at totoo. Ang pagkakaisa sa pagitan ng iba’t ibang anyo ng ebidensya ay ang pangunahing kahigtan ng Bibliya sa ibang mga kasulatan ng kahit anong sistema ng pananampalataya. Sa maraming kaso, ito ang dahilan sa pagpapasya ng mga dating hindi naniniwala sa Bibliya at sa mga dating hindi mananampalataya na sumampalataya kay Cristo.

Kung totoo o hindi totoo ang Bibliya ay isang hiwalay na usapin sa kung ang isang partikular na sitas ba ng Bibliya ay “literal” o “hindi literal.” Katanggap-tanggap na sabihin na ang isang parirala o pangungusap ay totoo, kahit na ang katotohanan ay hindi ipinahayag sa literal na terminolohiya. Halimbawa, kung sabihin ng isang tao sa gitna ng malakas na ulan na, “umuulan ng aso at pusa,” ang pangungusap ay totoo—hindi nga lamang literal. Ang mga pigura ng pananalita ay ginawa para ipaliwanag. Mailalapat din ang parehong prinsipyo sa mga pananalita ni Juan Bautista tungkol kay Jesus: “Narito, ang Koredero ng Diyos!” (Juan 1:36). Siyempre maaaring humingi ng paliwanag ang isang tao, at tiyak na ayon sa Lumang Tipan hindi si Jesus isang literal na hayop kundi Siya ang katuparan ng Kautusan at ang handog na pinili ng Diyos para tubusin ang sanlibutan. Ang pangungusap ni Juan na isang pigura ng pananalita ay hindi dahilan para sabihing mali ang kanyang sinabi. Iyon ay isang simpleng pigura ng salita o isang simbolismo. Magandang tandaan na ang Bibliya ay binubuo ng 66 na magkakahiwalay na aklat, at ang bawat isa sa kanila ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng literatura at ng pinaghalong literal at hindi literal na mga pananalita.

Higit sa lahat ng kasulatan ng ibang relihiyon, mayroon tayong katiyakan na ang Bibliya ay totoo. Ang kumbinasyon ng panloob na pagkakaisa, koneksyon sa ebidensya, at pagiging napapanahon sa ating mga karanasan ang dahilan kung bakit natatangi ang Bibliya kaysa sa ibang mga aklat. Gaya ng maraming kasulatan ng ibang relihiyon, inaangkin ng Bibliya na ito ay totoo (2 Timoteo 3:16). Hindi gaya ng mga kasulatan ng ibang relihiyon, matatag na sinusuportahan ng Bibliya ang pagaangkin nito ng katotohanan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Totoo ba ang Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries