Tanong
Gaano karami sa Bibliya ang naipasa sa pamamagitan ng tradisyon?
Sagot
Una, dapat nating alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng “tradisyon” at “nagpasalin-saling mga kuwento.” Ang salitang tradisyon ay nagpapahiwatig ng isang pangmatagalang pagsasanay na hindi kinakailangang konektado sa anumang malinaw na katotohanan o ebidensya. Ang salitang pagpapasalin-salin ay isang metodolohiya ng pagbibigay ng impormasyon. Ang mga nilalaman ng Bibliya sa ilang mga kaso ay unang nailipat sa pamamagitan ng mga “kuwento ng matatanda” ngunit hindi bilang resulta ng “tradisyon.” Sa halip, ang naisalin ay ang mga direktang paliwanag sa mga partikular na katotohanan patungkol sa ilang tao, lugar, at panahon. Sa nakararaming kaso, ang mga teksto sa Bibliya ay naisulat sa panahon mismo ng pangyayari o pagkatapos ng mga inilarawang pangyayari.
Ang isang magandang halimbawa ay ang aklat ni Lukas na malinaw na sinasabi ang pinagmulan sa kabanata 1. Isinalaysay ni Lukas ang resulta ng kanyang imbestigasyon sa pamamagitan ng panulat na ginagamit ang mga karanasan ng mga aktwal na saksi. Natagpuan ng mga mananalaysay na ang aklat ni Lukas ay nanggaling sa mga mismong saksi at eksakto ang kanyang mga impormasyon. Ang mga bahagi ng Ebanghelyo ay maaaring ituring na “naisalin sa pamamagitan ng mga kuwento” bago ang mismong pagsulat, bagama’t marami sa mga parehong katotohanan ang makikita din sa mas naunang naisulat na Ebanghelyo ni Markos.
Pinaniniwalaan na ang Ebanghelyo ni Markos ay naisulat humigit kumulang noong AD55, napakalapit sa mga pangyayari na inilarawan sa aklat at masasabing hindi ayon sa kategorya ng tradisyon. Gayundin, maraming tao ang laging nakakalimot na ang mga Ebanghelyo ay hindi ang mga pinakaunang aklat Kristiyano o mga orihinal na pinagmulan ng mga impormasyon. Halimbawa, ang ilang mga sulat ni Pablo ay naisulat na bago pa naisulat ang mga Ebanghelyo. Sa 1 Corinto 15, inilalarawan ni Pablo ang pangunahing balangkas ng pananampalatayang Kristiyano. Sinasabi niya na ang kanyang mga naisulat ay ang mga naituro sa Kanya noong Siya’y maging mananampalataya na naganap ilang taon lamang pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesu Cristo.
Ganito rin ang masasabi sa Lumang Tipan. Ang mga salita ay intensyonal na isinulat para itala ang mga mensahe o mga pangyayari na nagaganap sa panahon ng pagsulat. Ang mga aklat sa Lumang Tipan ay hindi koleksyon ng mga alamat na may panimulang salitang ,“noong unang panahon” at hindi hiwalay sa mga katotohanan sa kasaysayan.
Ang direktang pagtatala ng mga mensahe at mga pangyayari ay kasalungat ng mga kasulatan sa ibang pananampalataya gaya ng Islam. Ang Koran ay eksklusibong naitala sa pamamagitan ng mga sali’t saling kuwento sa loob ng apatnapung taon ng ministeryo ni Muhamad. May maliit na bahagi ng Koran ang naisulat sa maliliit na pirasong papel at mga pinagtabasan ng papyrus ngunit hindi sa anyo ng Manuskrito. Tanging pagkatapos lamang na mamatay si Muhamad inipon ang kanyang mga sinabi na i-nedit at binago hanggang ang mga nagsasalungatang kopya ay sunugin ni Caliph Uthman. Gayundin, ang isang pangunahing pinanggagalingan ng kaalaman ng Islam ay ang hadith, na literal na galing sa tradisyon at ang tanging suporta ay ang pagtitiwala sa espiritwal na integridad ng mga pinagmulan ng impormasyon. Ang proseso ng Islam sa pagtukoy sa pagiging katiwa-tiwala ng kanilang Kasulatan ay kilala sa tawag na isnad.
Ang isa pang halimbawa ng pagiging hiwalay ng Kristiyanismo sa tradisyon ay nagmula mismo kay Jesus. Ginamit ng mga Pariseo ang mga tradisyon para ipaliwanag ang mga Kautusan ni Moises. Bagama’t mataas ang tingin ni Jesus sa mga kasulatan, mariin Niyang kinondena ang pagtitiwala sa tradisyon dahil sa panganib na ipaliwanag ito ng may pansariling interes sa halip na ituro ang kalooban ng Diyos (tingnan ang Markos 7:6–9).
Ang pagpapasalin-salin sa pamamagitan ng mga kuwento ay hindi ganap na hindi mapagkakatiwalaan partikular ang mga simpleng mensahe. Noong mas nakararaming tao ang hindi marunong magbasa o magsulat, ang pagsasalin sa pamamagitan ng kuwento ay pangkaraniwan at ang pagpapanatili ng mga eksaktong orihinal na mga salita ay itinuturing na napakahalaga. Ang tunay na pakinabang sa isang talang isinulat sa isang kuwento ay naiingatan ang mensahe sa mismong panahon na isinulat iyon. Maaaring ikumpara ang mga pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang pagaangkin sa obhektibong paraan, at ang isang mensahe ay maaaring paulit-ulit na basahin ng may pagkakapareho. Ayon sa mga panloob at panlabas na ebidensya, ang mga salita sa Bibliya ay naingatan sa anyo ng panulat sa panahon na nangyayari ang mga isinulat at hindi lamang ayon sa tradisyon.
English
Gaano karami sa Bibliya ang naipasa sa pamamagitan ng tradisyon?