settings icon
share icon
Tanong

Ang mga orihinal na manuskrito lamang ba ng Bibliya ang walang pagkakamali?

Sagot


Isa itong isyu na hindi madaling maunawaan. Ang mga orihinal na sulat lamang (mga orihinal na manuskrito na isinulat ng mga apostol, propeta atbp.), ang inangkin ng Diyos na Kanyang kinasihan at walang pagkakamali. Ang mga aklat ng Bibliya, dahil isinulat sila sa pamamagitan ng pagkasi ng Banal na Espiritu (2 Timoteo 3:16-17; 2 Pedro1:20-21), ay 100% na walang mali, tama, makapangyarihan at totoo. Walang pangako sa Bibliya na ang mga kopya mula sa orihinal na manuskrito ay gaya rin ng mga unang manuskrito na malaya sa anumang pagkakamali ng mga komopya at nagsasalin. Dahil ang Bibliya ay kinopya ng libu-libong beses sa loob ng libu-libong taon, maaaring may mga nagawang pagkakamali ang mga komopya.

Paano tayo tutugon sa isyung ito? Una, mahalagang tandaan na ang mga salin ng Bibliya na mayroon tayo ngayon ay 99% na nagkakasundo sa bawat isa. Oo, may mga kaunting pagkakaiba, ngunit ang karamihan ng mga kopya ng Bibliya ay halos magkakapareho. Ang marami sa mga pagkakaiba ay sa mga tuldik, mga pananda, mga huling bahagi ng mga salita, kaunting isyu sa gramatiko, pagkakasunod sunod ng mga salita at iba pa - mga isyu na madaling ipaliwanag na pagkakamali lamang ng mga komopya at nagsalin. Walang malaking isyu sa teolohiya ang mali o nagkokontrahan sa isa't isa. Ang mga manuskrito o kopya ng Bibliya sa ikalabin-limang siglo ay tugma at sumasang-ayon sa mga manuskrito noong ikatlong siglo. Mayroon tayong lubos na pagtitiwala na ang Bibliya na mayroon tayo ngayon ay halos eksaktong kapareho sa mga isinulat ng mga apostol at mga propeta may dalawang libong taon na ang nakalilipas.

Ikalawa, hindi tayo dapat madaling magsabi na "Oh, ito ay isa lamang pagkakamali ng komopya." Ang karamihan, kung hindi man lahat ng mga "pagkakamali" sa Bibliya ay maaaring ipaliwanag sa isang lohikal at kapani-paniwalang paraan. Yaong hindi kayang ipaliwanag o mahirap ipaliwanag - ay may mga kasagutan na simpleng hindi lamang natin alam pa ang kasagutan sa ngayon. Ngunit hindi nangangahulugan na dahil hindi tayo makahanap ng solusyon ay talagang wala ngang solusyon. Ang paniniwala na may pagkakamaling nagawa ang mga komopya at nagsalin ang maituturong dahilan sa anumang "pagkakamali" sa Bibliya.

Sa huli, posible na ang mga "pagkakamali" ay nakasingit sa mga modernong manuskrito at salin ng Bibliya. Tao lamang ang mga komokopya at nagsasalin ng Bibliya sa iba't ibang wika kaya't maaari silang magkamali. Ang katotohanan na ang orihinal na manuskrito ng Bibliya ay walang pagkakamali at maging ang mga salin nito ay halos walang pagkakaiba ay isang katunayan na ito ay kinasihan at iningatan ng Diyos.

Maaari pa ba nating pagtiwalaan ang Bibliya ngayon? Oo. Walang kadudaduda! Ang mga salin ng Bibliya na mayroon tayo ngayon ay ang Salita ng Diyos. Kung gaano ang awtoridad ng Bibliya noong unang siglo, gayon din ang awtoridad nito sa ating panahon ngayon. Maaari nating ganap na pagtiwalaan ang Bibliya bilang mensahe ng Diyos sa atin ngayon. Oo, ang pangako ng Diyos na pagkasi at kawalan ng pagkakamali ay direktang ipinangako sa mga orihinal na manuskrito lamang. Ngunit hindi ito nakakaapekto sa awtoridad ng mga modernong salin ng Bibliya. Ang Salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman, sa kabila ng paminsan-minsang pagkakamali sa pagkopya ng mga komokopya at nagsasalin nito.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang mga orihinal na manuskrito lamang ba ng Bibliya ang walang pagkakamali?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries