settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng ang Diyos ay mabuti?

Sagot


Sinabi ni Jesus sa Lucas 18:19 na "walang ibang mabuti kundi ang Diyos lamang." Sa 1Juan 1:5 naman ay nakasaad na "ang Diyos ay ilaw at walang kadiliman sa Kanya." Kung ang Diyos ay mabuti, ito'y nangangahulugan lamang na ang lahat ng kanyang mga ginagawa ay laging ayon sa kung ano ang tama, totoo, at mabuti. Ang kabutihan ay bahagi ng kanyang kalikasan, kaya't hindi niya maaaring salungatin ito. Gayon din naman, ang kabanalan at katuwiran ay bahagi rin ng kanyang kalikasan, dahil diyan ay hindi Siya maaaring gumawa ng bagay na salungat sa kanyang pagiging banal at matuwid. Ang Diyos ang pamantayan ng lahat na mabuti.

Ang pagiging mabuti ng Diyos ay nangangahulugang walang kasamaan sa Kanya, ang kanyang mga layunin at pag iisip ay laging mabuti, lagi niyang ginagawa kung ano ang tama at ang lahat ng kinahihinatnan nito ay mabuti (tingnan ang Genesis 50:20). Walang hindi kaaya-aya, walang kasamaan at walang kadiliman sa Kanya. Sa katunayan ay itinuturo ng Biblia na ang kabutihan ng Diyos mula sa kanyang kalikasan ay makikita sa lahat ng kanyang ginagawa (Mga Awit 119:68). Nakasaad din sa Mga Awit 100:5 na "Ang Diyos ay mabuti, at ang kanyang pag-ibig ay nananatili magpakailanman; Ang kanyang katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi."

Lahat ng nilikha ng Diyos ay orihinal na mabuti: "Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan..." (Genesis 1:31; ihambing sa 1 timoteo 4:4). Ipinakita ng Diyos ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng Kautusan na kanyang ibinigay sa Israel, ang kautusang ito ay banal, matuwid, at mabuti (Roma 7:12). Sinasabi rin sa Santiago 1:17 na, "Ang lahat ng mabubuti at ganap na kaloob ay mula sa Diyos." Kaya't pawang mabubuting bagay lamang ang maaaring likhain ng Diyos dahil siya ay ganap na mabuti.

Hindi ng Diyos nilikha ang kasamaan (Habakkuk 1:13; 1 Juan 1:5. kundi, ang kasamaan ay nangangahulugang kawalan ng kabutihan; walang kasamaan sa Diyos sapagkat siya'y mabuti, kinasusuklaman niya ang kasalananan dahil sa kanyang kabutihan at ito' y kanyang hahatulan pagdating ng panahon (Roma2:5). kaya nga, hindi kalooban ng ating mabuting Diyos na tayo ay magkasala: "Ang Diyos ay hindi natutukso ng masama, at hindi rin niya tinutukso ang kahit sino" (Santiago 1:13). At dahil mabuti ang Diyos, marapat lamang ang kabutihang ito ay mag udyok sa atin upang maging mapagpasalamat: "Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman" (Mga Awit 107:1; 1 Cronica 16:34; Mga Awit 118:1; 136). Ngunit ganun pa man, ang tao ay likas na ayaw sumunod at magpasalamat sa Diyos. "..inibig pa nila ang kadiliman kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa" (Juan 3:19). Maging sa Lumang Tipan ay makikita natin na paulit-ulit na sinuway ng mga Israelita ang utos ng Diyos, kinalimutan ang Kanyang kabutihan sa kanila, at hindi naging tapat sa Kanya: "Nakalimutan na nila ang lahat ng kabutihan, mga gawa ng ating Diyos na kanilang hinangaan" (Mga Awit 78:11).

Sa pagtatapos, makikita ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang plano upang tubusin tayo sa kasalanan. Ang ebanghelyo ay ang kanyang "mabuting balita," at dahil sa kabutihang ito ay isinugo ng Diyos ang kanyang Anak upang maging walang dungis na handog para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Sapagkat, "ayaw Niya na ang sinuman ay mapahamak, bagkus ay nais niyang magsisi tayo sa ating kasalanan" (2 Pedro 3:9), at ang "kabutihan ng Diyos ang mag aakay sa atin upang magsisi" (Roma2:4).

Isa lamang ang tunay na mabuti--ang Diyos. At ang mabuting Diyos na ito ay nagaanyaya sa atin na lumapit tayo sa Kanya upang, "makita at malasap natin ang kanyang kabutihan dahil sabi Niya ay mapalad ang mga taong nagtitiwala sa kanya" (Mga Awit 34:8).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng ang Diyos ay mabuti?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries