settings icon
share icon
Tanong

Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo at tsunami?

Sagot


Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo, ipu-ipo, baha at tsunami? Noong 2004 isang tsunami ang tumama sa Asia, ang bagyong Katrina naman ang nanalasa noong 2005 sa Timog-Silangang Amerika, at ang bagyo noong 2008 sa Myanmar. Sa gitna ng mga kalamidad na ito, marami ang pinagdudahan ang kabutihan ng Diyos. Nakababahala na ang mga ganitong kalamidad ay laging tinatawag na “mga gawa ng Diyos” habang wala namang pagbanggit na gawa din ng Diyos ang mga siglo, dekada o daan daang taon na pagpapala ng kalikasan. Ginawa ng Diyos ang buong sangnilikha at ang mga batas ng kalikasan (Genesis 1:1). Karamihan ng mga kalamidad ay resulta ng mga batas na ito na pinaiiral ng Diyos sa mundo. Ang mga bagyo, ipu-ipo at tornado at resulta ng iba-ibang panahon na nagkakabanggaan. Ang lindol naman ay resulta ng paggalaw ng mga plato sa ilalim ng lupa. Ang tsunami naman ay resulta ng lindol sa ilalim ng karagatan.


Idineklara ng Bibliya na Si Hesus ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa sangnilikha (Colosas 1:16-17). Kaya bang pigilan ng Diyos ang mga kalamidad? Siyempre naman. Iniimpluwensiyahan ba ng Diyos ang panahon? Oo, gaya ng mababasa natin sa Deuteronomio 11:17 at Santiago 5:17. Ipinakikita ng mga talatang ito na ang mga kalamidad ay pinahihintulutan ng Diyos upang minsan ay parusahan ang makasalanan. Inilalarawan sa Aklat ng Pahayag ang maraming mga pangyayari na mailalarawan bilang kalamidad (Pahayag kabanata 6, 8 at 16). Ang lahat ba ng kalamidad ay laging parusa ng Diyos. Hindi.

Gaya ng pagpapahintulot ng Diyos sa masasamang tao na gumawa ng mga kasalanan, gayundin naman pinahihintulutan ng Diyos na maranasan ng mundo ang resulta ng kasalanan sa sangnilikha. Sinasabi sa Roma 8:19-21 “Sapagka't ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa. Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.” Ang mga kalamidad ay isa sa mga resulta ng pagbagsak ng tao sa kasalanan. Ang lahat sa sangnilkha ay ipinailalim ng Diyos sa “kabiguan” at “kawalang “kabuluhan.” Ang kasalanan ng tao ang pangunahing dahilan ng mga kalamidad gayundin naman ng kamatayan, sakit at kahirapan.

Nauunawaan natin kung bakit nagaganap ang mga kalamidad. Ang hindi natin mauunawaan ng ganap ay kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga ito. Bakit Niya pinahintulutan na ang tsunami na naganap sa Asya na kumitil ng 225,000 na buhay? Bakit pinahintulutan ng Diyos ang bagyong Katrina na salantain ang mga tahanan ng libu-libong tao sa Amerika? Ang tanging tiyak ay ito: ang mga kalamidad na ito ang gumigiba ng pagtitiwala ng tao sa kanyang sarili at sa mga pinagtitiwalaan niya sa mundong ito at siyang dahilan upang pagtuunan ng tao ng pansin ang mga bagay na pangwalang-hanggan. Pagkatapos ng mga kalamidad, kadalasan ang mga simbahan ay napupuno ng tao habang naaalala ng tao na ang buhay sa lupa ay napakaiksi at ang lahat ng bagay ay maaaring mawala sa loob lamang ng isang iglap. Ang natitiyak natin ay ito: Ang Diyos ay mabuti. Maraming kahanga-hangang himala ang nangyayari sa tuwing may kalamidad na siyang humahadlang sa mas maraming kamatayan. Ang mga kalamidad ang nagtutulak sa milyong tao upang pagisipan kung ano ang kanilang mga pinahahalagahan sa buhay na ito. Milyun milyong dolyar na halaga ng tulong ang ipinadadala sa mga taong dumanas ng kalamidad. Ang mga Kristiyano ay nagkakaroon ng pagkakataong makatulong, makapagministeryo, magpayo, manalangin at magbahagi ng Ebanghelyo tungkol kay Kristo! Kaya ng Diyos gumawa ng mabubuting mga bagay sa gitna ng mga nakasisindak na kalamidad (Roma 8:28).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo at tsunami?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries