settings icon
share icon
Tanong

Ang Diyos ba ay tumututol sa kasiyahan?

Sagot


May mga tao na ang tingin sa Diyos ay isang masungit na tagapagpatupad ng mga batas na laban sa lahat ng uri ng kasiyahan at masarap na pakiramdam. Para sa kanila, Siya ay napakaseryosong Diyos o Diyos ng mga batas. Ngunit hindi ito ang tama at Biblikal na paglalarawan sa Diyos.

Nilikha tayo ng Diyos na may kakayahan na makaranas ng kasiyahan. May ilang mga talata sa Bibliya na tumutukoy sa pagdanas ng magandang pakiramdam at kasiyahan (haimbawa: Awit 16; Kawikaan 17:22; at Kawikaan 15:13). Ang kagandahan ng sangnilikha at ang pagkakaiba-iba ng mga tao ay nagpapakita ng malikhaing katangian ng Diyos. Maraming tao ang nakakatagpo ng kasiyahan sa paggugol ng panahon sa labas sa paghanga sa kalikasan o sa pakikipagugnayan sa mga taong may iba ibang personalidad. Ito ay mabuti at nararapat. Nais ng Diyos na masiyahan tayo sa Kanyang sangnilikha.

Sa Bibliya, makikita natin na nasisiyahan ang Diyos sa mga bagay-bagay. Halimbawa, sinasabi sa Zofonias 3:17 na ang Diyos ay nasisiyahan at umaawit dahil sa atin. Itinatag din ng Diyos ang maraming pagdiriwang at kapistahan sa Lumang Tipan. Tiyak na may elemento ng pagtuturo ang mga kapistahang ito, ngunit ang mga ito ay selebrasyon din naman. Tinatalakay sa Kasulatan ang pagkakaroon ng kasiyahan – ang aklat ng Filipos at mga Awit ay dalawang lugar kung saan natin makikita ang maraming talata tungkol sa kasiyahan. Idineklara ni Hesus, “The thief comes only to steal and kill and destroy; I have come that they may have life, and have it to the full” (Juan 10:10). Ang buhay na “kasiya-siya” ay may tunog ng kasiya-siyang karanasan.

Ang disenyo ng Diyos sa katawan ng tao ay nagpapakita na ang kasiyahan ay bahagi ng Kanyang plano. Ang ating panlasa at iba pang bahagi ng katawan ay mga katibayan na ang Diyos ay hindi tumututol sa kasiyahan. Bakit napakasarap ng lasa ng pagkain? Bakit kasiya-siya ang amoy ng rosas? Bakit masarap sa pakiramdam ang minamasahe ang likod? Dahil ito ang gusto ng Diyos. Ang kasiyahan ay ideya ng Diyos.

Minsan iniisip natin na kung tinatalakay ng Kristiyano ang paksa tungkol sa kasiyahan, nangangahulugan ito ng kasiyahan sa pagbabasa ng Bilbiya, pagbubulay-bulay ng Salita ng Diyos o paglilingkod. Totoong nasisiyahan tayo sa mga bagay na ito ngunit hindi dapat itangi ang mga ito sa iba pa nating mga ginagawa na nagbibigay din sa atin ng kasiyahan. Nilikha din tayo ng Diyos para sa pakikisama sa iba at sa pagsasaya. Nilikha tayo upang masiyahan sa ating pagiging anak ng Diyos, sa paggamit ng ating mga talento at sa pakikibahagi sa iba upang maranasan ang kasiyahang Kanyang ipinagkakaloob.

Dapat rin nating suriin ang iba’t ibang uri ng kasiyahan sa mundong ito. Nananahan tayo sa isang mundong makasalanan kung saan binaluktot ng tao ang uri ng kasiyahan na nais ng Diyos para sa atin. Hindi dahil itinuturing ng isang kultura na kasiya-siya ang isang gawain ay nangangahulugan na nakalulugod na iyon sa Diyos (tingnan ang Galatia 5:19-21; Colosas 3:5-10; at 1 Corinto 6:12-17). Kung susuriin natin ang mga kasiyahan sa mundong ito, makikita natin na madalas na hindi sila nakakatulong sa atin o naaangkop para makapagbigay sa atin ng isang pangmatagalang kasiyahan. Nagpakalunod ang alibughang anak sa makasalanang kasiyahan na dulot ng salapi hanggang sa maubos iyon at matagpuan niya ang kanyang sarili na ang kasiyahang dulot ng kasalanan ay panandalian lamang (Lukas 15:11-17). Ang kanyang mga kaibigan ay mga hindi tunay na kaibigan na iniwan siya’t sukat sa kanyang kawalan.

Mahalaga ring maunawaan na ang layunin ng buhay ay hindi upang magpakasaya lamang. Maling pilosopiya ang Hedonismo (Hedonism). Nilikha tayo upang magpakasaya sa Diyos (Awit 37:4) at tanggapin ng may kasiyahan ang mabubuting bagay na ipinagkakaloob Niya sa atin. Higit na mahalaga, nilikha tayo ng upang makipagrelasyon sa Kanya.

Hindi, ang Diyos ay hindi tumututol sa kasiyahan. Ang tinututulan Niya ay ang kasiyahang umaagaw sa Kanyang lugar sa ating mga buhay. Minsan, tinatawag Niya tayo na iwasan ang pansumandaling kasiyahan upang ilaan natin ang sandaling iyon para sa pangmatagalang kasiyahan na dulot ng pagiging kabahagi sa kaharian ng Diyos. Hindi tayo mabibigo. Para sa mga naghahanap ng kasiyahan sa Diyos at sa Kanyang katuwiran, mayroon Siyang nakalaang “walang hanggang kasiyahan” para sa atin (Awit 16:11).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang Diyos ba ay tumututol sa kasiyahan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries