settings icon
share icon
Tanong

Ang Diyos ba ay may katawang pisikal?

Sagot


Ang Bibliya at ang mga magagaling sa pilosopiya ay parehong nagsasabi na ang Diyos ay hindi pisikal--kundi espiritu. Sinasabi sa Juan 4:24 na ang Diyos ay espiritu (tingnan din ang Lucas 24:39; Roma 1:20; Colosas 1:15; 1 Timoteo 1:17). Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay hindi maaaring ilarawan ng anumang bagay (Exodo 20:4). Ngunit maipapakita rin ito sa pamamagitan ng pagbubulay kung sino ba talaga ang Diyos. Maging sa pilosopikal na pagtaya ay makikita ang katotohanang ang lahat ng nilikha ay may hangganan at limitasyon. Ngunit ang unang sanhi (Diyos) ay hindi nilikha, kaya't Siya ay walang katapusan. Sapagkat ang isang nakahihigit sa mga bagay na may katapusan ay nangangahulugang walang katapusan at sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay nakahihigit sa sangnilikha (1 Hari 8:27; Job 11:7-9; Isaias 66:1-2; Colosas 1:17). Ang pisikal ay hindi maaaring maging walang katapusan dahil hindi maaaring pagsamahin ang mga bahaging may katapusan hangga't hindi nararating ang walang katapusan. Ang Diyos ay espiritu, Kaya't Siya ay salungat sa pisikal/materyal na kalagayan. Gayunman, hindi ito nangangahulugang hindi na Siya maaaring magkaroon ng pisikal na anyo. Totoong ang Diyos ay hindi binubuo ng mga bagay o anumang anyong naiisip natin. Hindi rin Siya maaaring sukatin, Siya ay walang hugis, at ang Kanyang lokasyon ay hindi katulad ng sa tao (ang presensya ay ibang konsepto).

Ang mga katotohanang ito ay makakatulong sa atin upang maunawaan ang mga metaporikal na pananalita na kalimitang ginagamit upang ilarawan ang Diyos o ang Kanyang mga ginagawa sa Bibliya. Dahil diyan, kapag ang usapin ay tungkol sa Diyos at inalis natin sa ating mga pahayag ang lahat ng bagay na limitado, may matitirang totoo at iyon ay ang mga bagay na hindi limitado. Ngunit kung walang matira, ito ay masasabi nating isang metapora o pigura ng pananalita. Ang ibang metapora ay gumagamit ng katangian ng nilikha (2 Samuel 22:3). Ang iba naman ay gumagamit ng katangian ng tao (antropomorpismo- Deuteronomio 33:27). Sa pamamagitan nito ay naipapaliwanag natin ang isang bagay bilang metapora batay sa ating karanasan. Halimbawa, inilalarawan ng Bibliya ang makapangyarihang kamay ng Diyos na alam natin na ang kamay ay limitado ngunit ang kapangyarihan ay hindi. Kung ganoon, ipinahihiwatig nito na ang ibig sabihin ng makapangyarihang kamay ng Diyos ay ang kanyang walang limitasyong kakayahan upang gumawa at kumilos (tinatawag nating omnipotence sa ingles). Kapag inilalarawan ng Bibliya ang isipan ng Diyos, alam nating ang isip ay limitado ngunit ang kaaalaman ay hindi. Ibig sabihin, ang isip ng Diyos ay ang Kanyang walang hanggang kaalaman (na tinatawag nating omniscience).

May mga pagkakataon naman sa Bibliya na ang Diyos ay nagpapakita sa anyong pisikal upang makita Siya ng mga tao at para makita Siya ng hindi sila nalalagay sa panganib. Sapagkat sabi ng Diyos, "Walang taong maaaring makakita sa akin at mabubuhay" (Exodo 33:20). Pumipili Siya ng tamang panahon upang ipakita ang Kanyang sarili sa anyong tao. At ang bagay na ito ay tinatawag na theophany (Genesis 12:7-9; 18:1-33; 32:22-30). Bawat theophany kung saan ang Diyos ay nagaanyong tao ay mga pahiwatig ng darating na pagkakatawang tao, na kanyang isinakatuparan sa Bagong Tipan kung saan Siya ay nagkatawang-tao, nakipamuhay sa atin bilang Emmanuel na ang ibig sabihin ay "kasama natin ang Diyos" (Mateo 1:23).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang Diyos ba ay may katawang pisikal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries