Tanong
Ano ang argumento na tinatawag na 'Diyos ng mga puwang'?
Sagot
Ang argumentong "God-of-the-gaps" na ang eksaktong tagalog ay "Ang Diyos ng mga puwang" ay tumutukoy sa pananaw sa sangnilikha na ang anumang bagay na kayang ipaliwanag sa ngayon sa pamamagitan ng ating kaalaman sa natural na mga pangyayari ay itinuturing na labas sa katotohanan ng pagkilos ng Diyos. Kaya nga ang konsepto ng "Diyos ng mga puwang" ay ginagamit upang ipaliwanag kung ano ang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Sa ibang salita. Ang mga "puwang" lamang sa kaalaman ng siyensya ang maipapaliwanag sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng Diyos kaya nga ang terminolohiynag "Diyos ng mga puwang."
Ito ang ideya: habang umuunlad ang mga natutuklasan ng siyensya, at ang dumaraming mga pangyayari ay naipapaliwanag sa natural na paraan, naglalaho ang papel ng Diyos. Ang pinakamalaking kritisismo ay humihina ang argumento patungkol sa Diyos sa pagpapaliwanag sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari at mga bagay sa mundo habang lumillit ang porsyento ng mga kaalamang dati-rati ay naipapaliwanag lamang sa pamamagitan ng mga gawa ng Diyos.
Gayunman, dahil sa mga makabagong teknolohiya sa siyensya, literal na nabaliktad ang mga pangyayari. Sa pagkatuklas sa mga mikroskopyo na kayang makita kahit ang pinakamaliit na electrons, kaya na nating obserbahan ang masalimuot na mga nangyayari sa loob ng isang selula (cell) sa unang pagkakataon. Ang mga bagay na unang itinuring na simpleng "kumpol" lamang ng protoplasm ay natuklasan na napakakumplikado at punong-puno ng impormasyon na hindi dating nalalaman noon.
Ang mga dating itinuring na "nalutas" ng mga pagsasaliksik noong unang bahagi ng ika-20 siglo ay natuklasan na hindi kayang ipaliwanag ng sapat sa natural na pamamaraan. Patuloy na ipinapakita at ipinapaliwanag ng mga teknolohiya sa ika-21 siglo ang mga "puwang" sa konbensyonal na teorya ng ebolusyon. Ang mayamang impormasyon na taglay ng mga "simpleng" kumpol ay naguumpisa pa lamang na matuklasan bilang mga hindi simpleng bagay. Nauunawaaan na ngayon na ang mga impormasyon ay likas na hindi materyal.Kaya nga, ang mga proseso sa materyal na pamamaraan ay hindi maaaring gawing pamantayan at pagkunan ng mga lehitimong impormasyon
Sa katotohanan, ang pananampalataya sa Diyos ay nanggaling sa obhektibong (objective) pagtataya hindi sa pakiramdam o pagtuklas sa pamamagitan ng siyensya gayang kaso sa mga nagdaang siglo. Ngunit maraming tao ang simpleng tinatanggihan ang nakamulagat na katotohanan. Sinasabi ng Bibliya patungkol sa mga ganitong tao: "Sapagkat ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kalikuan at kasamaan ng mga tao, na sa pamamagitan ng kanilang kasamaan ay pinipigil ang katotohanan. Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay hayag sa kanila, yamang ito'y ipinahayag ng Diyos sa kanila. Mula pa nang likhain ang sanlibutan, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos, bagaman hindi nakikita, ay naunawaan at nakita sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ginawa, upang wala silang maidadahilan" (Roma 1:18-20). Ang argumento na tinatawag na "Diyos ng mga puwang" ay isang halimbawa ng "pagpipigil sa katotohanan" dahil itinuturing nito ang Diyos bilang panghaliling paliwanag para sa mga bagay na hindi maipaliwanag sa pamamagitan ng siyensya. Ito ang nagiging dahilan ng depektibong konklusyon na hindi makapangyarihan sa lahat ang Diyos at hindi Siya sumasalahat ng dako, at hindi Siya walang hanggang persona gaya ng sinasabi ng Kasulatan.
Napakaraming hindi kayang ipaliwanag ng natural na siyensya, gaya ng pinagmulan ng panahon/kalawakan/at mga bagay at ang balanse sa lahat ng ito; ang pinagmulan at ang pagunlad ng mismong buhay; at ang pinagmulan ng masalimuot at detalyadong sistema ng impormasyon na likas sa lahat ng bagay na may buhay na hindi maipapaliwanag kailanman sa pamamagitan ng natural na pamamaraan. Kaya nga, hindi maaaring isantabi ang supernatural mula sa naoobserbahang kalawakan na muli at muling nagpapatunay na "nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa" (Genesis 1:1).
English
Ano ang argumento na tinatawag na 'Diyos ng mga puwang'?