settings icon
share icon
Tanong

Ang Diyos ba ay nagpapatawa?

Sagot


Marahil, ang pinakamagandang indikasyon na ang Diyos ay nagpapatawa ay ang katotohanan na ang tao ay nilikha Niya ayon sa Kanyang wangis (Genesis 1:26), at alam naman natin na ang tao may kakayahang magpatawa. Ang ibig sabihin ng pagiging "mapagpatawa" o "nagpapatawa" ay pagkakaroon ng kamalayan sa tuwa, pagsasaya, at pagpapakita ng kasiyahan." Batay sa pakahulugang ito, ang Diyos kung ganoon ay maaari ring kakitaan ng tuwa, saya, at pagiging komikal. Ngunit alam natin na iba ang pagkaunawa ng tao sa pagiging mapagpatawa at ang pagkaunawang ito ng makasalanan tungkol sa kung ano ang nakakatawa ay hindi kasiya-siya sa paningin ng Banal na Diyos. Dahil karamihan sa mga tinatawag ng mundo na katawa-tawa ay hindi naman talaga nakakatuwa kundi mahahalay at may kagaspangan at hindi ito dapat nakikita sa buhay ng isang Kristiyano (Colosas 3:8). Ang iba naman ay nagpapatawa o ginagawang katatawanan ang ibang tao (sumisira sa halip na makapagtatag ng ugnayan) at ito ay salungat o labag sa Salita ng Diyos (Colosas 4:6; Efeso 4:29).

Isa sa halimbawa ng pagpapatawa ng Diyos ay ang pangyayari kung saan ginamit ng mga Israelita ang Kaban ng Tipan bilang pampaswerte ng dalhin nila ito sa digmaan hanggang sa makuha ito ng mga Filisteo at kanilang inilagay sa tabi ng kanilang diyos na si Dagon. Ngunit kinaumagahan ay nakita nilang nakasubsob ang rebulto ni Dagon sa harap ng Kaban ng Tipan. Ibinalik nila ito, ngunit kinabukasan ay muli nilang nakita na nakasubsob ang ulo nito at ang mga kamay ay putul-putol bilang simbolo ng kawalan nito ng kapangyarihan sa harap ng Diyos ng Kaban ng Tipan (1 Samuel 5:1-5). Ang paglalagay ng Diyos kay Dagon sa nakasubsob na posisyon sa harap ng Kaban ay isang nakakatawang larawan.

Makikita natin na ang mga ganitong pangyayari ay isang halimbawa ng pagtawa ng Diyos sa kahangalan ng mga nais lumaban sa Kanya. "Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig; Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi: Sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig? Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa" (Awit 59:7-8). Sa ikalawang kabanata ng Awit ay makikita rin na pinagtatawanan ng Diyos ang mga nais mag himagsik laban sa Kanyang pagiging hari (talatang 4). Ito ay katulad ng nakakatawang larawan ng isang batang kindergarten na nainis sa kanyang magulang at naglayas papunta sa kanilang kapitbahay. Ngunit makikita rin natin ang seryosong bahagi nito, na kahit masasabi natin na isang nakakatawang larawan ang pagsisikap ng isang mahinang tao na pantayan ang karunungan ng Diyos na makapangyarihan at marunong sa lahat, Siya ay hindi nasisiyahan sa kanilang mga pagsuway at sa kahihinatnan nito, bagkus nais Niya na makita silang nagsisisi (Ezekiel 33:11; Mateo 23:37-38).

Ang isang tao ay hindi maaaring magbiro sa harap ng taong nawalan ng mahal sa buhay; dahil ang mga walang kwentang pagbibiro ay hindi nababagay sa ganoong okasyon. Gayundin naman, ang Diyos ay nakatuon sa mga naliligaw at Siya ay naghahanap ng mga taong may pagpapahalaga sa kanilang kaluluwa tulad ng Kanyang ginagawa. Ito ang dahilan kung bakit ang ating buhay (habang may mga panahon na tayo ay nagsasaya) ay kailangang kakitaan din ng "katinuan" (sinseridad sa buhay kung paano ito magiging makabuluhan para kay Cristo) (1 Tesalonica 5:6, 8; Tito 2:2,6).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang Diyos ba ay nagpapatawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries