settings icon
share icon
Tanong

Pinarurusahan ba tayo ng Diyos sa tuwing tayo'y magkakasala?

video
Sagot


Upang masagot ang katanungang ito, dapat muna nating maunawaan ang pagkakaiba ng parusa sa pagdidisiplina. Para sa mga mananampalataya, ang lahat ng ating mga kasalanan, sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap ay pinarusahan na sa Krus. Bilang mga mananampalataya, hindi na tayo parurusahan dahil sa ating mga kasalanan. Binayaran na ni Hesus ang ating mga kasalanan ng minsanan doon sa krus. “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga nakipag-isa kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Dahil sa paghahandog ni Kristo para sa ating kasalanan, ang nakikita ng Diyos sa atin ay walang iba kundi ang katuwiran ni Hesus na nasa atin. Ipinako ng kasama ni Kristo sa Krus ang ating mga kasalanan, at hinding hindi na Niya tayo parurusahan dahil sa ating mga kasalanan.



Gayunman, kinakailangan minsan na disiplinahin tayo ng Diyos dahil sa mga kasalanan na nananatili sa ating buhay. Kung magpapatuloy tayo sa isang makasalanang gawi o paguugali, at hindi agad magsisi sa kasalanang iyon, didisiplinahin tayo ng Diyos. Kung hindi Niya tayo didisiplinahin, hindi Siya magiging isang mapagmahal at mapagmalasakit na Ama. Gaya ng pagdidisiplina natin sa ating mga anak para sa kanilang ikabubuti, gayundin naman, dinidisiplina tayo ng ating Ama sa langit para sa ating ikabubuti. Sinasabi sa atin sa Hebreo 12:7-13, “Tiisin ninyo ang lahat bilang pagtutuwid ng isang ama, sapagkat ito'y nagpapakilalang kayo'y inaari ng Diyos na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Kung ang pagtutuwid na ginagawa sa lahat ng anak ay di gawin sa inyo, hindi kayo tunay na anak kundi mga anak sa labas. Tangi sa riyan, pinarurusahan tayo ng ating mga ama sa laman, at dahil dito'y iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu upang mabuhay tayo? Sa loob ng maikling panahon, itinutuwid tayo ng ating magulang, ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit itinutuwid naman tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal, tulad niya. Habang tayo'y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay. Kaya't palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas! Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad.”

Ang pagdidisiplina kung gayon ang paraan ng Diyos upang baguhin ang kanyang mga anak mula sa pagiging rebelde patungo sa pagiging masunurin sa Kanya. Sa pamamagitan ng pagdidisiplina, nabubuksan ang ating mga mata at mas nakikita natin ng malinaw ang kanyang layunin sa ating mga buhay. Gaya ng sinabi ni haring David sa Awit 32, ang pagdidisiplina ng Diyos ang nagiging daan upang ipagtapat at ihingi natin ng tawad ang ating mga kasalanan na hindi pa natin pinagsisisihan sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagdidisiplina ay tulad sa paglilinis. Ito rin ay kasangkapan sa paglago. Mas marami tayong nalalaman tungkol sa Diyos, mas marami tayong malalaman tungkol sa Kanyang layunin para sa ating mga buhay. Nagbibigay sa atin ng pagkakataon ang pagdidisiplina ng Diyos na matuto at iayon ang ating mga sarili ayon sa wangis ni Kristo (Roma 12:1-2). Ang pagdidisiplina ay isang napakabuting bagay!

Dapat nating tandaan na patuloy tayong makikipagbaka laban sa kasalanan habang naririto pa tayo sa lupa (Roma 3:10, 23). Kaya nga hindi lamang tayo dapat na maging handa sa mga pagdidisiplina sa atin ng Diyos dahil sa ating mga pagsuway kundi pati na rin sa mga konsekwensya ng ating mga nagagawang kasalanan. Halimbawa, kung magkasala ang isang mananampalataya ng pagnanakaw, patatawarin siya ng Diyos at lilinisin sa kanyang kasalanan ng pagnanakaw at ibabalik ang ugnayan sa pagitan Niya at ng nagsisising magnanakaw. Ngunit, haharapin ng mananampalatayang nagnakaw ang bunga ng kanyang kasalanan na maaaring magbunga sa pagbabayad ng multa o pagkakulong at pagkapahiya. Ito ay normal na resulta ng kasalanan at dapat na harapin ng isang mananampalataya. Ngunit sa kabila ng konsekwensyang hinaharap ng isang mananampalataya, gumagawa ang Diyos upang palakasin ang ating pananampalataya at luwalhatiin ang Kanyang sarili.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Pinarurusahan ba tayo ng Diyos sa tuwing tayo'y magkakasala?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries