settings icon
share icon
Tanong

Pinatatawad ba ng Diyos ang malalaking kasalanan?

Sagot


Maraming tao ang may maling akala na ang pinatatawad lamang ng Diyos ay "maliliit" na kasalanan tulad ng pagsisinungaling, pagkagalit at pagiisip ng marurumi, ngunit hindi Niya pinatatawad ang "malalaking kasalanan" tulad ng pagpatay at pangangalunya. Hindi ito totoo. Walang malaking kasalanan na hindi kayang patawarin ng Diyos. Nang mamatay si Hesu Kristo sa krus, namatay Siya upang bayaran ang ng lahat ng kasalanan ng buong sanglibutan (1 Juan 2:2). Nang ilagak ng isang tao ang kanyang pananampalataya kay Kristo para sa Kanyang kaligtasan, ang lahat ng kanyang mga kasalanan ay pinatawad ng Diyos. Kabilang sa mga kasalanang iyon ang kanyang mga kasalanan sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap, gaano man kaliit man o kalaki. Namatay si Hesus upang pagdusahan ang kabayaran ng ating mga kasalanan, at ng patawarin Niya ang mga iyon, ang lahat ay napatawad na (Colosas 1:14; Gawa 10:43).

Lahat tayo ay nangagkasala (Roma 3:23) at karapatdapat sa walang hanggang kaparusahan (Roma 6:23). Namatay si Hesus para sa atin, upang bayaran ang ating mga kasalanan (Roma 5:8). Ang sinumang nananalig kay Hesus para sa Kanyang kaligtasan ay pinatawad na, ano man ang kasalanang kanyang nagawa sa kanyang buong buhay (Juan 3:16). Ang isang mamamatay tao o mangangalunya ay maaaring humarap sa seryosong konsekwensya (legal, relasyonal, atbp.) dahil sa kanyang masamang ginawa, katulad din ng isang taong sinungaling. Ngunit ang kasalanan ng mamamatay tao o ng isang mangangalunya ay kumpleto at permanenteng pinatawad ng Diyos nang ang taong iyon ay manampalataya at maglagak ng kanyang pagtitiwala kay Hesus.

Hindi ang laki o bigat ng kasalanan ang tinitingnan ng Diyos kundi ang laki at bigat ng katubusan ng paghahandog ng sariling buhay ni Kristo. Kung ang nabuhos na dugo ng walang kasalanang Kordero ng Diyos ay sapat upang bayaran ang lahat ng kasalanan ng milyon-milyong tao na mananampalataya sa Kanya, wala ngang limitasyon ang Kanyang kapatawaran, anumang laki o uri ng kasalanan ng tao. Nang sabihin ni Hesus sa Krus "Naganap na," winakasan na Niya ang kasalanan at iginawad ang kumpletong katubusan para sa mga binigyan Niya ng kapatawaran at ang Kanyang kumpletongvpagpapatawad ay kanilang nakamtan, ang kapayapaan nila ay ginawa at ang kanilang katubusan mula sa lahat ng kasalanan ay naisakatuparan na. Ang kaligtasan ay tiyak at ganap; walang kailangang idagdag o maaaring idagdag pa dito. Gayundin naman, isinakatuparan ni Hesus ang gawain ng pagliligtas ng walang anumang tulong sa tao kaya't hindi ito mahahadlangan ng tao.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Pinatatawad ba ng Diyos ang malalaking kasalanan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries