settings icon
share icon
Tanong

Bakit pinatigas ng Diyos ang puso ng Faraon?

Sagot


Sinasabi sa Exodo 7:3-4, "Ngunit pagmamatigasin ko ang Faraon, at gumawa man ako ng maraming kababalaghan sa Egipto ay hindi siya makikinig sa iyo. Kung magkagayon ipadarama ko sa kanila ang bigat ng aking kamay. Parurusahan ko ang buong Egipto at ilalabas ko mula roon ang aking mga hukbo, ang aking bayan, ang mga Israelita." Tila hindi makatarungan para sa Diyos na pinatigas Niya ang puso ng Faraon at pagkatapos ay parusahan ang Faraon at ang Egipto. Bakit kailangang patigasin ng Diyos ang puso ng Faraon upang parusahan Niya ang Egipto ng mas matindi sa pamamagitan ng pagpapadala ng karagdagang mga salot?

Una, ang Faraon ay hindi inosente o makadiyos na tao. Siya ay brutal na diktador na nangasiwa sa matinding pangaabuso at pangaapi sa mga Israelita, na may bilang na humigit kumulang sa isa't kalahating milyon ng panahong iyon. Inalipin ng mga Faraon o mga hari ng Egipto ang mga Israelita sa loob ng 400 taon. Ang mga nagdaang Faraon at posibleng ang Faraon ng panahong ito ang nagutos na patayin ang mga lalaking sanggol na Israelita, pagkasilang pa lamang ng mga ito (Exodo 1:16). Ang Faraon na pinatigas ng Diyos ang puso ay isang masamang tao at ang bansa na kanyang pinamumunuan ay sumangayon sa kanya at hindi tinutulan ang kanyang mga masasamang panukala.

Ikalawa, bago ang mga naunang mga salot, pinatigas na ng Faraon ang kanyang sariling puso ng hindi niya payagan na umalis ang mga Israelita. "Gayunma'y nagmatigas pa rin ang Faraon" (Exodus 7:13, 22; 8:19). "Ngunit nagmatigas uli ang Faraon nang siya'y makahinga na naman nang maluwag" (Exodus 8:15). "Ngunit nagmatigas pa rin ang Faraon; hindi pinayagang umalis ang mga Israelita." (Exodus 8:32). Maaaring nailigtas ng Faraon ang Egipto sa lahat ng mga salot kung hindi niya pinatigas ang kanyang puso. Binigyan ng Diyos ng matinding babala ang Faraon sa darating na paghatol. Pinili ng Faraon ang hatol ng Diyos sa kanyang sarili at sa kanyang bansa sa pamamagitan ng pagpapatigas niya ng kanyang sariling puso laban sa mga utos ng Diyos.

Dahil sa katigasan ng puso ng Faraon, lalong pinatigas ng Diyos ang kanyang puso upang bigyang daan ang mga huling mga salot (Exodus 9:12; 10:20, 27). Ginusto ng Faraon at ng buong Egipto ang mga hatol ng Diyos dahil sa kanilang pangaalipin at pagpatay sa mga Israelita sa loob ng 400 taon. Dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, (Roma 6:23), napakalaki ng kasalanan ng Faraon at ng buong Egipto sa Diyos at makatarungan lamang kung papatayin ng Diyos ang lahat ng mga Ehipsyo. Kaya nga, ang pagpapatigas ng Diyos sa puso ng Faraon ay makatarungan lamang maging ang Kanyang pagpapadala ng mga karagdagang salot. Ang mga salot, gaano man sila kakilakilabot, ay nagpapakita pa ng ng kahabagan ng Diyos dahil hindi niya nilipol lahat ang nga Ehipsyo na siyag nararapat na kaparusahan para sa kanila.

Idineklara ng Roma 9:17-18, "Sapagkat ayon sa Kasulatan ay sinabi sa Faraon, "Ginawa kitang hari upang sa pamamagitan mo'y maipakilala ko ang aking kapangyarihan, at mahayag ang aking pangalan sa buong daigdig." Kaya kinahahabagan nga ng Diyos ang sinumang ibig niyang kahabagan, at pinatitigas niya ang puso ng ibig niyang pagmatigasin." Sa pananaw ng tao, tila mali ang Diyos sa pagpapatigas Niya ng puso sa isang tao at pagkatapos ay parurusahan ang taong iyon. Gayunman, ayon sa Bibliya, lahat tayo ay nagkasala sa laban sa Diyos (Romans 3:23), at ang karampatang parusa para sa ating kasalanan ay kamatayan (Romans 6:23). Kaya nga, ang pagpapatigas ng Diyos sa puso ng tao at pagpaparusa sa taong hindi matuwid; ay nagpapakita pa rin ng Kanyang awa dahil hindi pa rin sapat kung ikukumpara ang Kanyang parusa sa nararapat na kaparusahan para sa makasalanan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit pinatigas ng Diyos ang puso ng Faraon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries