settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Ebanghelyo ni Pedro?

Sagot


Ang Ebanghelyo ni Pedro ay isang aklat na pseudepigrapiya na ipinagpapalagay na isinulat diumano ni Pedro pero ang katotohanan ay itinuturo nito ang mga maling pananaw tungkol kay Cristo. Naglalaman ang Ebanghelyo ni Pedro ng 6 talata na tumatalakay sa mga pangyayari noong malapit ng mamatay si Cristo. Ang orihinal na sulat ay ipinagpapalagay na isinulat noong humigit kumulang 150 AD, bagama’t ang pinakaunang manuskrito ay tinatayang naisulat noong ika-8 hanggang ika-9 na siglo.

Ang unang banggit sa Ebanghelyo ni Pedro ay ginawa ng obispong si Serapion ng Antioch (c. AD 200) sa isang sulat na pinamagatang, “Patungkol sa isang sulat na kilala bilang Ebanghelyo ni Pedro.” Sa sulat na ito, pinayuhan ni Serapion ang mga lider ng iglesya na huwag basahin ang tinatawag na Ebanghelyo ni Pedro sa kanilang mga kongregasyon dahil sa laman nitong Docetismo. Kinondena din niya ang Ebanghelyo ni Pedro bilang isang huwad na Ebanghelyo.

Ano ang Docetismo? Ang isang anyo ng Docetismo (Marcionismo) ay nagtuturo na si Cristo ay Diyos kaya hindi Siya maaaring maging isang tunay na tao. Nagkunwari lamang Siya na ang Kanyang katawan ay laman at dugo, pero ito ay isa lamang ilusyon. Pinaniniwalaan ng ibang grupo na habang si Cristo ay isang tao sa laman, si Cristo ay hiwalay na entitad (entity) na pumasok sa isang katawan sa anyo ng isang kalapati sa Kanyang bawtismo na nagbigay sa Kanya ng kakayahan na gumawa ng mga himala. Pagkatapos, iniwan ng “entity ni Cristo” si Jesus sa krus. Walang tutol na tinanggihan ang Docetismo ng unang konseho ng Nicea noong AD 325 at itinuring ito na isang maling katuruan ng mga Katoliko at Protestante. Nawala na ang Docetismo noong unang libong taon.

Sinasabi ng Ebanghelyo ni Pedro na sumigaw si Jesus doon sa krus, “Ang Aking kapangyarihan, ang aking kapangyarihan ay iniwan Ako,” sa halip na “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako Pinabayaan?” (Marcos 15:34). Sa kuwento tungkol sa pagpapako kay Cristo sa krus, maingat na iniiwasan ng Ebanghelyo ni Pedro na namatay si Jesus, sa halip ay itinuturo na Siya ay “iniakyat sa langit.” Ang ideya na ito na tinatakasan ang aktwal na kamatayan ni Jesus ay katulad ng sinasabi sa Koran sa Sura 4:157–158: “Ngunit iniakyat siya ni Allah sa Kanyang sarili.” Iminumungkahi ng Ebanghelyo ni Pedro na si Cristo ay “iniakyat sa langit” sa presensya ng Diyos noong iwanan ng Kanyang kapangyarihan ang Kanyang katawan, na naging panandalian lamang Niyang tirahan. Ang katuruang ito, kasama ang pagaangkin na “nanatiling tahimik si Jesus, na tila hindi Siya nakaramdam ng sakit” sa krus, ang binibigyang diin sa pagkakamali ng docetismo.

Ang isa pang pagkakaiba sa Ebanghelyo ni Pedro sa mga Ebanghelyo ni Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay ang paglalarawan sa mga pangyayari pagkatapos na mailagay ang katawan ni Jesus sa libingan. Sinasabi sa Ebanghelyo ni Pedro na “nakita ng mga bantay na nabuksan ang langit, at dalawang lalaki ang bumaba ng may nakasisilaw na liwanag ang lumapit sa libingan.... Muli, nakakita sila ng tatlong lalaki na lumabas mula sa libingan, at dalawa sa kanila ang sumusuporta sa isa, at isang krus ang sumusunod sa kanila. At ang mga ulo ng dalawa ay nakarating sa langit, ngunit ang ang ulo niya na nanguna sa kanila ang lumampas sa mga langit. At narinig nila ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, ‘nangaral kayo sa kanila na nangangatulog.’ At ang sagot ay narinig mula sa krus, ‘Oo.’” Ang mga talatang ito ay may pagkiling sa gnostisismo.

Ito ang ilan sa mga pangunahing problema sa Ebanghelyo ni Pedro:

Ang pagpako kay Cristo ay naganap sa Roma, hindi sa Jerusalem. Sinasabi na si Jose na taga Arimatea ay isang personal na kaibigan ni Pontio Pilato. Naabswelto si Pontio Pilato sa lahat ng responsibilidad. Pinalitan siya ni Herodes Antipas, na siyang kumuha ng responsibilidad, na sa Ebanghelyo ni Lucas ay tinanggihan ni Herodes. Si Jesus ay “iniakyat sa langit” mula sa krus, at hindi binanggit ang Kanyang kamatayan. Dalawang supernatural na nilalang ang pumasok sa libingan, at tatlo ang lumabas. Inilarawan ang krus na lumulutan palabas sa libingan at sumagot ng “oo” sa isang tinig mula sa langit. Walang banggit sa dalawang saksi na nakakita na nabuhay si Jesus pagkatapos na Siya ay kunin palabas sa libingan.

At kung hindi pa ito sapat para pagdudahan ang katotohanan ng Ebanghelyo ni Pedro, may patotoo din tayo mula kay Eusebius. Binanggit ng mananalaysay sa kanyang mga sulat na inaangkin ng Ebanghelyo ni Pedro na si Apollo ang diyos na orihinal na binabanggit sa Ebanghelyo ni Pedro hindi si Jesu Cristo. Sinabi ni Eusebius na ang pangalan ni Jesu Cristo ay nakasulat diumano sa ibabaw ng pangalan ni Apollo.

Hindi sumasang-ayon ang Ebanghelyo ni Pedro sa apat na kanonikadong Ebanghelyo sa mga napakahalagang katuruan, kabilang ang pisikal na kamatayan at muling pagkabuhay ng katawan ng ating Panginoon at Tagapagligtas.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Ebanghelyo ni Pedro?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries