settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pananalangin sa Espiritu?

Sagot


Ang pananalangin sa Espiritu ay binanggit ng tatlong beses sa Bibliya. Sinasabi sa 1 Corinto 14:15, "Kung nananalangin ako sa wikang iyan, nananalangin nga ang aking espiritu ngunit walang pakinabang ang aking pag-iisip." Sinasabi naman sa Efeso 6:18, "Ang lahat ng ito'y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Kaya't lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos." Sinasabi din sa Judas 1:20, "Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong napakabanal na pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo." Kaya ano ba talaga ang ibig sabihin ng pananalangin sa Espiritu?

Ang salitang Griego na isinalin sa salitang "panalangin sa" ay may maraming kahulugan. Maaari itong mangahulugan ng "sa pamamagitan ng", "sa tulong ng", "sa saklaw ng," at "kaugnay ng". Ang pananalangin sa Espiritu ay hindi tumutukoy sa mga salita na ating sinasabi. Sa halip ito ay tumutukoy sa kung "paano" tayo nananalangin. Ang pananalangin sa Espiritu ay pananalangin ayon sa pangunguna ng Espiritu. Ito ay pananalangin para sa mga bagay na nais ng Espiritu na ating ipanalangin. Sinasabi sa atin ng Roma 8:26, "Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita."

May ilan na nagsasabi na ang pananalangin sa Espiritu ay pananalangin sa ibang wika base sa kanilang pagkaunawa sa 1 Corinto 14:15. Sa pagtalakay ni Pablo sa mga kaloob ng pagsasalita sa ibang wika, binanggit ni Pablo ang "manalangin sa Espiritu." Sinasabi sa 1 Corinto 14:14 na kung nananalangin ang isang tao sa ibang wika, hindi niya alam ang kanyang sinasabi dahil ito ay sinasalita sa isang wika na hindi niya nalalaman. Bukod dito, walang makauunawa kung ano ang kanyang sinasabi, malibang may magpapaliwanag (1 Corinto 14:27-28). Sa Efeso 6:18, tinuruan tayo ni Pablo na manalangin sa Espiritu sa lahat ng okasyon ng lahat uri ng panalangin at kahilingan." Paano tayo mananalangin sa lahat ng uri ng panalangin at kahilingan at mananalangin para sa mga hinirang, kung wala kahit isa, maging ang mismong nananalangin na nakakaunawa sa kanyang sinasabi? Kaya nga ang pananalangin sa Espiritu ay dapat unawain bilang panalangin sa kapangyarihan ng Espiritu, sa pangunguna ng Espiritu, ayon sa Kanyang kalooban at hindi isang pananalangin sa ibang wika.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pananalangin sa Espiritu?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries