settings icon
share icon
Tanong

Ano ang espirituwal na paglaki?

Sagot


Espirituwal na paglaki ay kaparaanan upang lalong maging katulad ni Hesukristo. Kapag ating inilagay ang ating pananampalataya kay Jesus, ang Espiritu Santo ay nag-umumpisa ng kaparaanan upang tayo ay maging katulad ni Jesus, umalinsunod sa Kaniyang imahen. Marahil, ang pinakamagaling na paglalarawan ng espirituwal na paglaki ay nasa II Ni Pedro 1:3-8, na nagsasabi sa atin na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos nasasaatin na ang “lahat ng ating kakailanganin” upang tayo ay mamuhay ng buhay ng kabanalan, na layunin ng espirituwal na paglaki. Pansinin na ang ating kailangan ay nanggaling sa “pamamagitan ng ating kaalaman sa Kaniya,” at ito ang susi upang ating makamit ang lahat nating mga pangangailangan. Ang ating kaalaman tungkol sa Kaniya ay nanggaling sa Banal na Kasulatan o Biblya, ibinigay Niya ito sa atin para sa ating pag-unlad at paglaki.

Mayroong dalawang listahan sa Mga Taga Galacia 5:19-23. Nakalista sa mga bersikulo 19-21 ang “mga gawa ng laman.” Ito ang mga bagay-bagay na nagpapakilala ng ating pamumuhay bago tayo dumating kay Jesus para sa ating kaligtasan. Ang mga gawa ng laman ay mga gawain na dapat nating aminin at ipagtapat sa Diyos, pagsisihan, at, sa tulong ng Diyos, mapagtagumpayan. At habang ating nararanasan ang espirituwal na paglaki, ang “mga gawa ng laman” ay unti-unting mawawala sa ating buhay at ito ay magiging maliwanag sa ating buhay. Ang sumunod na listahan ay “bunga ng Espiritu” (mga bersikulo 22-23). Ang mga ito ang dapat na magpakilala ng ating buhay na yamang tayo ay nakaranas ng kaligtasan kay Hesukristo. Ang espirituwal na paglaki ay nakikilala sa pamamagitan ng bunga ng Espiritu at ito ay mas lalong magiging kapuna-puna sa buhay ng isang tao na naniniwala kay Hesukristo.

Kapagka ang pagbabagong-anyo ng kaligtasan ay nangyari, ang espirituwal na paglaki ay nag-uumpisa. Ang Espiritu Santo ay naninirahan sa atin (Juan 14:16-17). Tayo ay mga bagong likha kay Kristo (2 Mga Taga Corinto 5:17). Ang lumang kalikasan ng ating pagkatao ay pinalitan ng panibagong kalikasan(Mga Taga Roma 6-7). Ang espirituwal na paglaki ay habang-buhay na pamamaraan na babatay sa ating pag-aaral at paggamit ng Salita ng Diyos ( 2 Kay Timoteo 3:16-17) at ng ating paglalakad sa Espiritu (Mga Taga Galacia 5:16-26). At habang ating hinahanap ang espirituwal na paglaki, dapat tayong manalangin sa Diyos at ating hingin ang karunungan tungkol doon sa mga bahagi ng ating buhay na nais Niyang tayo ay lumago. Puwede nating hingin sa Diyos na dagdagan ang ating pananampalataya at ng ating kaalaman sa Kaniya. Hangad ng Diyos para sa atin na tayo ay lumaki sa ating espirituwal na bahagi ng ating buhay, at ibinigay Niya sa atin ang lahat nating kakailanganin upang ating maranasan ang espirituwal na paglaki. Sa pamamagitan ng tulong ng Espiritu Santo, mapapagtagumpayan natin ang kasalanan at unti-unting maging katulad ng ating Tagapagligtas, ang Panginoong Hesukristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang espirituwal na paglaki?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries