Tanong
Ang Gawa 2:38 ba ay nagtuturo na ang bawtismo ay kailangan sa kaligtasan?
Sagot
Mababasa natin sa Gawa 2:38, "Sumagot si Pedro, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo." Malalaman natin ang itinuturo ng bawat talata o sitas sa Bibliya kung isasaalang-alang natin ang ating mga nalalaman sa itinuturo ng buong Bibliya patungkol sa isang paksa. Sa kaso ng bawtismo at kaligtasan, malinaw na itinuturo ng Bibliya na ang kaligtasan ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, hindi sa anumang mabubuting gawa, kasama rito ang bawtismo (Efeso 2:8-9). Kaya nga, ang anumang pagpapakahulugan na kinakailangan ang bawtismo o anumang gawa ng tao para sa kaligtasan ay isang maling interpretasyon. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, pakibasahin ang aming artikulo na may pamagat na "Ang kaligtasan ba ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, o sa pamamagitan ng pananampalataya at mga gawa?"
Bakit may ilang mga nagtuturo na kailangang mabawtismuhan ang tao upang maligtas? Kadalasan, ang argumento kung itinuturo ba o hindi ng talata na kailangan na mabawtismuhan ang tao para maligtas ay nakasentro sa gamit ng salitang Griyegong "eis" na isinalin sa Tagalog na "para." Sa mga naniniwala na kailangan ang bawtismo sa kaligtasan ay nagtuturo na ang salitang "para" sa talatang ito ay nangangahulugan na "upang magkaroon." Gayunman, sa parehong salitang Griyego at Tagalog, maraming posibleng gamit ang salitang "para."
Bilang isang halimbawa, kung sinasabi ng isang tao, "uminom ka ng dalawang tabletang aspirin para sa iyong sakit ng ulo," malinaw na hindi ito nangangahulugan na "uminom ka ng 2 dalawang tabletang aspirin upang magkaroon ka ng sakit ng ulo" sa halip, ang ibig sabihin ng pangungusap na ito ay "uminom ka ng dalawang tabletang aspirin dahil mayroon ka ng sakit ng ulo." May tatlong posibleng kahulugan ang salitang "para" na dapat na isaalang-alang sa konteksto ng Gawa 2:38. 1"upang maging, maging, o magkaroon." 2"dahilan sa, bilang resulta ng," o 3"may kinalaman sa." Dahil ang ang kahit isa sa tatlo ay maaaring gamitin sa konteksto ng talatang ito, ang karagdagang pagaaral ay kinakailangan upang malaman kung alin sa tatlo ang pinakatama.
Dapat tayong magsimula sa pamamagitan ng pagbabalik aral sa orihinal na wika at kahulugan ng salitang Griyegong"eis." Ito ay isang pangkaraniwang salitang Griyego (ginamit ito ng may 1774 na beses sa Bagong Tipan) na isinasalin sa tatlong magkakaibang kahulugan. Gaya ng salitang Tagalog na "para," mayroon din itong magkaroon ng iba't ibang kahulugan. Kaya nga muli, makikita natin na may dalawa o tatlong posibleng kahulugan ang talatang ito, ang una ay mukhang sumasang-ayon sa ideya na kinakailangan nga ang bawtismo sa kalgitasan habang ang ibang kahulugan ay hindi ito ang binibigyang diin. Habang ang parehong kahulugan ng salitang Griyegong "eis" ay makikita sa maraming mga talata ng Kasulatan, may mga kilalang iskolar ng salitang Griyego na sina A.T. Robertson at J.R. Mantey ang nagsasabi na ang salitang Griyego na "eis" sa Gawa 2:38 ay dapat na isalin sa salitang "dahil sa" at "sa kadahilanang ito," at hindi dapat na "upang maging" o "magkaroon."
Ang isang halimbawa kung paano ginamit ang salitang Griyegong "eis" ay makikita sa Mateo 12:41 kung saan ang salitang "eis" ay nagpapahayag ng "resulta" ng isang aksyon. Sa kasong ito, sinabi na ang mga tao sa Nineveh ay "nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas" (ang salitang Tagalog na "dahil" ay kapareho ng salitang Griyegong "eis"). Malinaw na ang kahulugan ng talatang ito ay nagsisi sila "dahil sa" o "bilang resulta" ng pangangaral ni Jonas. Sa parehong paraan, ang Gawa 2:38 ay ang pagpapaliwanag ng katotohanan na kailangan nilang mabawtismuhan "bilang resulta ng" o "dahil" sila'y nanampalataya at dahil dito, nakatanggap na sila ng kapatawaran mula sa kanilang mga kasalanan (Juan 1:12; Juan 3:14-18; Juan 5:24; Juan 11:25-26; Gawa 10:43; Gawa 13:39; Gawa 16:31; Gawa 26:18; Roma 10:9; Efeso 1:12-14). Ang interpretasyong ito ng Gawa 2:38 ay naaayon din sa mensahe ni Pedro na natala sa dalawa pa niyang sermon kung saan iniuugnay niya ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pagsisisi at pananampalataya kay Kristo ng hindi binabanggit ang salitang bawtismo (Gawa 3:17-26; Gawa 4:8-12).
Bukod sa Gawa 2:38, mayroon pang tatlong mga talata kung saan ang salitang Griyegong "eis" ay ginamit ng may kaugnayan sa salitang "bawtismo." Ang una sa mga ito ay ang Mateo 3:11, "Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi." Malinaw na ang Grieyegong salitang "eis" ay hindi nangangahulugan na "upang magkaroon" sa talatang ito. Hindi sila magpapabawtismo "upang magkaroon ng pagsisisi," kundi "magpabawtismo dahil sila ay nagsisi na." Ang ikalawang talata at Roma 6:3, kung saan mababasa ang pariralang "binawtismuhan sa (eis) Kanyang kamatayan." Muli ang salitang "eis" sa talatang ito ay angkop sa salitang "dahil sa" o "may kinalaman sa." Ang ikatlo at huling talata ay ang 1 Corinto 10:2 kung saan mababasa ang salitang "nabawtismuhan sa (eis) kay Moises sa ulap at sa dagat." Muli, ang salitang "eis" ay hindi maaaring mangahulugan na "upang magkaroon" dahil sa mga talatang ito, hindi nabawtismuhan ang mga Israelita upang magkaroon sila ng isang lider na gaya ni Moises ngunit dahil siya ang kanilang nagiisang lider na naglabas sa kanila mula sa Ehipto. Kung hindi pabago bago ang isang tao sa kanyang interpretasyon sa salitang "eis" sa pagunawa nito kaugnay sa salitang bawtismo, malinaw na mauunawaan na ang Gawa 2:38 ay tumutukoy sa pagbabawtismo "dahil" tumanggap na sila ng kapatawaran mula sa kanilang mga kasalanan. Ang iba pang mga talata kung saan ang salitang Grieygong "eis" ay hindi nangangahulugan na "upang magkaroon" ay ang Mateo 28:19; 1 Pedro 3:21; Gawa 19:3; 1 Corinto 1:15; at 12:13.
Ang ebidensya sa gramatika na nakapalibot sa talatang ito at sa salitang Griyegong "eis" ay malinaw na nagpapakita na habang ang parehong pananaw sa talata ay parehong sinusuportahan ng konteksto at mga posibleng kahulugan ng talata, ang karamihan ng mga ebidensya ay pumapabor sa pagpapakahulugan sa salitang "eis" sa talata na "dahil sa" o "may kinalaman sa" hindi "upang magkaroon." Kaya nga kung iintindhin ng tama ang Gawa 2:38, hindi ito nagtuturo na kailangan ang bawtismo upang maligtas ang tao.
Maliban sa pinakamalapit na kahulugan ng saitang Griyegong "eis" na isinalin sa Tagalog na "para" sa talatang ito, mayroon pang isang aspeto ng gramatika ng talatng ito na dapat na isaalang alang - ang pagbabago sa paggamit ng ikalawang panauhan at ikatlong panauhan sa pagitan ng mga pandiwa at pangngalan sa talata. Halimbawa, sa utos ni Pedro na magsisi ang mga tao at magpabawtismo, ang salitang Griyego na isinalin sa salitang Tagalog na "magsisi" ay nasa ikalawang panauhang pangmaramihan, samantalang ang pandiwang "magpabawtismo" ay nasa ikatlong panauhang isahan. Kung atin itong itatambal sa katotohanan na ang pangngalang "kayo" sa pariralang "kapatawaran ng inyong mga kasalanan" ay nasa pangalawang panauhang pangmaramihan din, makikita natin ang isang importanteng pagkakaiba upang maunawanan natin ang talata. Ang resulta ng pagbabagong ito mula sa ikalawang panauhang pangmaramihan mula sa ikatlong panauhang pangisahan ay direktang iniuugnay ang pariralang "kapatawaran ng mga kasalanan" sa utos na "magsisi." Kaya nga, kung ating ikukunsidera ang pagbabago sa pangngalan at sa bilang, sa esensya ang tamang pangunawa sa talata ay "Magsisi kayo (pangmaramihan) para sa ikapagpapatawad ng inyong (pangmaramihan) mga kasalanan, at magpabawtismo (pangisahan) ang bawat isa (pangisahan) sa inyo." O kung isasalin sa isang mas tiyak na kahulugan "Magsisi kayong lahat para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at bawat isa sa inyo ay magpabawtismo pagkatapos."
Ang isa pang pagkakamali ng mga naniniwala na ang Gawa 2:38 ay nagtuturo na kinakailangan ang bawtismo sa kaligtasan ay ang tinatawag na "negative inference fallacy." Sa simpleng paliwanag, ito ang ideya na dahil ang isang pangungusap ay totoo, hindi tayo makasisiguro na ang lahat ng kasalungat ng pangungusap na iyon ay hindi totoo. Sa ibang salita, hindi dahil sinasabi sa Gawa 2:38 na "magsisi at magpabawtismo para sa kapatawaran ng mga kasalanan"at ang kaloob ng Banal na Espiritu," ay hindi ito nangangahulugan na kung ang isang tao ay magsisisi at hindi magpapabawtismo, hindi siya makatatanggap ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan o ng kaloob na Espiritu Santo.
May mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng kundisyon ng kaligtasan at sangkap para sa kaligtasan. Sinasabing malinaw ng Bibliya na ang pananampalataya ay parehong kundisyon at sangkap, ngunit hindi masasabi ang ganito para sa bawtismo. Hindi sinasabi ng Bibliya na kung hindi magpapabawtismo ang isang tao, hindi siya maliligtas. Halimbawa, kung manampalataya ang isang tao, pagkatapos ay mabawtismuhan, dumalo sa iglesya at tumulong sa mga nangangailangan, siya ay maliligtas. Ang pagkakamali sa kaisipang ito ay nagaganap kung ipagpapalagay na ang lahat ng kundisyong ito, ang "bawtismo, pagdalo sa Iglesya, pagtulong sa nangangailangan," ay kinakailangan upang maligtas. Habang maaari silang maging ebidensya ng kaligtasan, hindi sila maaaaring maging mga kundisyon para sa kaligtasan. (Para sa mas malawak na paliwanag sa maling lohikang ito, pakihanap ang tanong na: Ang Markos 16:16 ba ay nagtuturo na kinakailangan ang bawtismo para sa kaligtasan?).
Ang katotohanan na hindi kinakailangan ang bawtismo para sa kapatawaran at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo ay makikitang maliwanag kung simpleng itutuloy lamang ang pagbabasa sa Aklat ng mga Gawa. Sa Gawa 10:43, sinabi ni Pedro kay Cornelio na "sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus ang bawat mananampalataya sa Kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan: (tandaan na wala ng anumang sinasabi si Pedro sa bahaging ito patungkol sa pagbabawtismo bagamat iniuugnay ni Pedro ang pagsampalataya kay Kristo sa pagtanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan). Ang sumunod na pangyayari ay, pagkatapos na manampalataya sa mensahe ni Pedro tungkol kay Kristo, "ibinigay ang Banal na Espiritu sa mga nakikinig sa kanyang mensahe" (Gawa 10:44). Pagkatapos lamang nilang sumampalataya, at sa gayon ay tumanggap sila ng kapatawaran mula sa kanilang mga kasalanan at ng Banal na Espiritu, nagpabawtismo si Cornelio at ang kanyang sangbahayan (Gawa 10:47-48). Ang konteksto ng talata ay napakalinaw; tumanggap muna ng kapatawaran at ng Banal na Espiritu si Corneilo at ang kanyang sangbahayan bago sila nabawtismuhan. Sa katotohanan, ang dahilan kung bakit pumayag si Pedro na bawtismuhan sila ay dahil nagpakita sila ng ebidensya ng pagtanggap ng Banal na Espiritu, gaya ng nangyari kay Pedro at sa ibang mananampalatayang Hudyo.
Sa pagtatapos, hindi itinuturo ng Gawa 2:38 na kinakailangan ang bawtismo para sa kaligtasan. Habang ang bawtismo ay isang mahalagang tanda na ang isang tao ay pinawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya at isang kapahayagan ng pananampalataya at ng pagiging miyembro ng isang lokal na Iglesya, hindi ito isang kasangkapan para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Malinaw ang itinuturo ng Bibliya na tayo ay naligtas sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo (Juan 1:12; Juan 3:16; Gawa 16:31; Roma 3:21-30; Roma 4:5; Roma 10:9-10; Efeso 2:8-10; Filipos 3:9; Galacia 2:16).
English
Ang Gawa 2:38 ba ay nagtuturo na ang bawtismo ay kailangan sa kaligtasan?