Tanong
Papaanong si Hesus ay natatangi?
Sagot
1. Si Hesus ang nagiisa at bugtong na Anak ng Diyos (Awit 2:7, 11-12; Juan 1:14; Lukas 1:35).
2. Siya ay walang hanggan. Siya ay naroon na mula pa sa walang hanggang nakaraan, umiiral sa kasalukuyan, at mananatili hanggang sa walang hanggang hinaharap (Juan 1:1-3, 14, 8:58).
3. Si Hesus lamang ang nagiisang nagdala ng ating mga kasalanan upang tayo'y mapatawad at maligtas sa kaparusahan (Isaias 53; Mateo 1:21; Juan 1:29; 1 Pedro2:24; 1 Corinto 15:1-3).
4. Si Hesus ang tanging daan patungo sa Ama (Juan 14:6; Gawa 4:12; 1 Timoteo 2:5); walang ibang daan sa kaligtasan. Siya lamang ang nagiisang banal at makatarungan na pinalitan ng katwiran ang ating mga kasalanan (2 Corinto 5:21).
5. Si Hesus lamang ang may kapangyarihan laban sa Kanyang sariling kamatayan at may kakayahan na buhaying muli ang Kanyang sarili (Juan 2:19, 10:17-18). Ang kanyang pagkabuhay na mag-uli ay hindi sa espiritwal kundi sa pisikal (Lukas 24:39). Ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay upang hindi na muling mamatay ay ang pagkakakilanlan sa Kanya bilang nagiisa at bugtong na Anak ng Diyos (Roma 1:4).
6. Si Hesus lamang ang tumanggap ng pagsamba bilang kapantay ng Diyos Ama (Juan 20:28-29; Filipos 2:6), at tunay na sinabi ng Ama na ang Kanyang Anak ay dapat na purihin kung paanong dapat Siyang purihin (Juan 5:23). Ang lahat, maging alagad man ni Hesus o mga anghel ay tumanggi na sila ay sambahin (Gawa10:25-26; Gawa 14:14-15; Mateo 4:10; Pahayag 19:10, 22:9).
7. Si Hesus ay may kapangyarihang magbigay ng buhay sa sinumang Kanyang maibigan (Juan 5:21).
8. Ipinagkatiwala ng Ama kay Hesus ang paghuhukom sa lahat ng tao (Juan 5:22).
9. Si Hesus ay kasama noong una pa at kamanlilikha ng Ama at sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan iniingatan ang lahat ng mga bagay (Juan 1:1-3; Efeso 3:9; Hebreo 1:8-10; Colosas 1:17).
10. Si Hesus ang mamamahala sa mundo bilang hari sa pagwawakas ng kasalukuyang panahon (Hebreo1:8; Isaias 9:6-7; Daniel 2:35, 44; Pahayag 19:11-16).
11. SI Hesus lamang ang ipinanganak ng isang birhen at ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Isaias 7:14; Mateo 1:20-23; Lukas 1:30-35).
12. Si Hesus lamang ang nagtataglay ng lahat ng katangian bilang Diyos. Halimbawa: ang kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan (Mateo 9:1-7) at magutos sa hangin at bagyo (Mark 4:37-41; Awit 89:8-9); ang kakayahang kilalanin tayo dahil alam Niya ang lahat sa ating buhay (Awit 139; Juan 1:46-50, 2:23-25) at bumuhay sa mga patay (Juan 11; Lukas 7:12-15, 8:41-55).
13. Napakaraming mga hula tungkol sa pagsilang, buhay, pagkabuhay na muli, persona at layunin ng Mesiyas. Ang lahat ng iyon ay tinupad ni Hesus lamang at wala ng iba (Isaias 7:14; Mikas 5:2; Awit 22; Zacarias 11:12-13, 13:7; Isaias 9:6-7; Isaias53; Awit 16:10).
English
Papaanong si Hesus ay natatangi?