Tanong
Ano ang Hinduismo (Hinduism) at ano ang pinaniniwalaan ng mga Hindu?
Sagot
Ang Hinduismo (Hinduism) ay isa sa pinakamatandang organisadong relihiyon sa mundo. Ang mga kasulatan ng Hinduismo ay nasulat mula pa noong 1400 - 1500 B.C. Ito rin ang isa sa mga kakaiba at pnakakumplikado dahil sa mayroon itong milyon milyung diyos. Ang mga Hindu ay may napakaraming katuruan na makikita sa iba't ibang sekta nito. Bagama't ito ang ikatlo sa pinakamalaking relihiyon sa mundo, matatagpuan sa mga bansang India at Nepal ang kalakhang porsiyento ng mga Hindus.
Ang pangunahing kasulatan ng Hinduismo ay ang Vedas (itinuturing na pinakamahalaga), Upanishadas, ang Mahabharata at ang Ramayana. Ang mga kasulatang ito ay naglalaman ng mga imno, pilosopiya, ritwal, mga tula, sutra at ng Aranyakas.
Bagama't ang Hinduismo ay naniniwala sa napakaraming diyos na umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na may isang pinakamataas na diyos at ito ay si Brahma. Pinaniniwalaan ng mga Hindus na si Brahma ay matatagpuan sa bawat bahagi ng realidad at sumasalahat ng dako sa buong sangkalawakan. Si Brahma ay isang impersonal na diyos na hindi maaaring makilala at pinaniniwalaan na umiiral sa tatlong magkakahiwalay na anyo: si Brahma - ang Manlilikha; si Vishnu - ang Tagapagingat at si Shiva - ang Tagawasak. Ang tatlong anyong ito ni Brahma ay kinikilala din na nabuhay sa napakaraming inkarnasyon. Mahirap na buudin ang teolohiya ng Hinduisko dahil may iba't ibang paaralan ng Hinduismo ang nagtuturo ng iba-ibang sistema ng teolohiya. Ang Hinduismo ay maaaring:
1) Monistic" May isa lamang Diyos na umiiral - Sankara
2) Pantheistic" Ang Diyos at ang mundo ay iisa - Brahmanism
3) Panentheistic"Ang mundo ay bahagi ng Diyos - Ramanuja
4) Theistic"May isa lamang Diyos na kakaiba sa Kanyang mga nilikha - Bhakti
Sa pagkilala sa iba pang nitong katuruan, ang Hinduismo ay maaari ding maging atheistic (hindi naniniwala sa Diyos), Deistic (walang pakialam ang Diyos sa tao) at Nihilistic o walang kabuluhan ang paniniwala at moralidad. Sa ganitong pagkakaiba-iba sa ilalim ng paniniwalang Hindu, mahirap ipaliwanag kung papaano matatawag na Hindu ang isang tao. Ang isa lamang pangkalahatang pagkakakilanlan sa mga Hindu ay ang kanilang paniniwala sa Vedas bilang banal na aklat. Maituturing na hindi Hindu ang hindi naniniwala sa Vedas.
Ang Vedas ay higit pa sa isang aklat ng teolohiya. Naglalaman ito ng mayaman at makulay na teolohiya at mitolohiya, o isang relihiyosong mitolohiya na tahasang pinaghalo halo ang mga alamat, teolohiya at kasaysayan upang makabuo ng isang kwento na may anyong relihiyon. Ang teolohiya-mitilohiyang ito ay nakaugat sa kasaysayan at kultura ng India, kaya ang pagtanggi sa Vedas ay maituturing na pagtanggi sa India. Kaya nga ang isang sistema ng paniniwala ay itinatakwil ng Hinduismo kung hindi nito niyayakap ang kultura ng mga Indiano. Kung ang isang sistema ay tinatanggap ang kultura ng India at iyon ay teolohiya at maalamat, masasabi na ang paniniwalang iyon ay Hinduismo kahit pa ang teolohiya ay theistic, nihilistic, or atheistic. Ang kabukasan ng Hinduismo sa pagkakasalungatan ay maaaring maging sakit sa ulo ng mga taga Kanluran na naghahanap ng hindi pabagu bagong lohika at maipagtatanggol na katotohanan sa kanilang paniniwalang panrelihiyon. Ngunit sa katotohanan, ang Kristiyanismo ay hindi mas lohikal kaysa sa Hinduismo kung ang isang Krisitiyano ay nagaakin ng pananamplataya kay Yahweh ngunit namumuhay na tulad sa isang taong walang Diyos at tinatanggihan si Kristo. Para sa mga Hindu, ang pagkakasalungatan ay lohikal na kontradiksyon. Para sa mga Kristiyano, ang pagkakasalungatan ay simpleng pagpapaimbabaw.
Itinuturing ng Hinduismo na Diyos ang tao. Dahil si Brahma ay ang lahat, pinaniniwalaan ng mga Hindu na ang lahat ng tao ay diyos dahil nasa kanila si Brahma. Ang "atman" o ang sarili ay kaisa ni Brahma. Ang lahat ng realidad na hiwalay kay Brahma ay itinuturing na isang ilusyon. Ang espiritwal na layunin ng isang Hindu ay maging ganap na kaisa ni Brahma, at tumigil sa pagiral sa isang anyo ng ilusyon ng "indibidwal na sarili." Ang kalayaang ito ay tinatawag na "moksha." Hanggat hindi naaabot ang "moksha," naniniwala ang mga Hindu na paulit ulit silang isisilang sa ibang katauhan hanggang sa makaabot sa realisasyon ng katotohanan (ang katotohanan na si Brahma ay umiiral at wala ng iba). Kung paano isisilang na muli ang isang tao sa panibagong katawan at katauhan ay dinidetermina ng "karma," isang prinsipyo ng sanhi at resulta na pinamamahalaan ng balanse ng kalikasan. Kung ano ang ginawa ng isang tao sa nakaraan niyang buhay, iyon ay makakaapekto sa kung ano ang magiging buhay niya sa hinaharap sa panibagong katawan at katauhan.
Bagama't ito ay isa lamang maikling paglalahad ng katuruan ng Hinduismo, madaling makita na ang Hinudismo ay sumasalungat sa katuruan ng Biblikal na Kristiyanismo sa halos lahat ng aspeto ng pananampalataya. Mayroon lamang isang Diyos ang Kristiyanismo na maaaring makilala at hindi rin maaaring ganap na makilala (Deuteronomio 6:5; 1 Corinto 8:6); may isa lamang Kasulatan; itinuturo na nilikha ng Diyos ang mundo at ang lahat ng naririto (Genesis 1:1; Hebreo 11:3); naniniwala na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos at nabubuhay ng minsan lamang (Genesis 1:27; Hebreo 9:27-28); itinuturo na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Hesu Kristo (Juan 3:16; 6:44; 14:6; Mga Gawa 4:12). Ang Hinduismo ay nabigo bilang isang sistema ng relihiyon dahil nabigo itong kilalanin si Hesus bilang Diyos na nagkatawang tao at tunay na Diyos at tunay na Tao at Tagapagligtas, ang tanging sapat na pinagmumulan ng kaligtasan para sa sangkatauhan.
English
Ano ang Hinduismo (Hinduism) at ano ang pinaniniwalaan ng mga Hindu?