Tanong
Ano ang Iglesia ni Cristo?
Sagot
Itinatag ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas noong 1914. Ang salitang "Iglesia ni Cristo" ay Tagalog (ang wika sa Pilipinas) para sa "Church of Christ." Nakalulungkot na habang inaangkin nito ang sarili bilang "tunay na iglesya" ang iglesya ni Cristo ay nagpapakita ng mga pangunahing elemento ng pagiging kulto. Ang una at pangunahing elemento ng pagiging kulto ng relihiyong ito ay ang pagaangkin ng karismatiko at una nitong lider na nakatanggap siya umano ng isang espesyal na rebelasyon o pahayag mula sa Diyos. Si Felix Manalo ay isang dating katoliko na iniwan ang Katolisismo noong kanyang kabataan. Nageksperimento siya sa pamamagitan ng pagsapi sa ilang denominasyon ng mga Protestante at pagsapi sa Saksi ni Jehovah. Nagumpisang magtayo ng kanyang iglesia si Manalo noong 1914. Nang magkaroon ng pagkakahati hati sa iglesia noong 1922, sinimulan niyang angkinin na siya ay isang propeta ng Diyos sa pagtatangka na magkaroon ng kapangyarihan at protektahan ang kanyang pangungunga sa kanyang iglesia.
Isa kanyang mga inaangkin ay hinulaan diumano ang paglabas ng iglesia ni Cristo sa Bibliya. Ang partikular na hula ay sinipi mula sa Isaias 43:5-6, "Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa." Itinuturing ng iglesia ni Cristo na ang salitang Silanangan ay ang "malayong silangan" (base sa isang maling salin ng Bibliya) at ipinapalagay na iyon ay ang iglesia ni Cristo na matatatag sa Pilipinas, ang "malayong Silangan".
Inaangkin ng Iglesia ni Cristo na ito ang nagiisa at tunay na iglesia ni Cristo dahil sila ay tinatawag sa pangalang "iglesia ni Cristo" o "Church of Christ" at kanilang pinatutunayan ito sa pamamgitan ng paggamit ng ilang mga talata sa Bibliya kung saan ginagamit ang salitang "iglesia ni Cristo." Ang pinakapopular sa mga talatang kanilang ginagamit ay ang Roma 16:16 kung saan sinasabi, "Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo." Gayunman, sa talatang ito ang "mga iglesia ni Cristo" ay hindi tumutukoy sa pangalan ng isang partikular na iglesia kundi sa lahat ng mga iglesia na binisita ni Pablo na sumusunod kay Kristo. Binabasa rin nila ang maling salin ng Gawa 20:28 kung saan mababasa, "iglesia ni Cristo" ngunit ang aktwal na salitang Griego ay iglesia ng Diyos. Hindi mahalaga kung ang pangalan ba ng isang relihiyon ay nasa Bibliya o hindi. Maraming mga iglesia ang nagtataglay ng pangalang "iglesia ni Cristo" ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit sila naging tunay na iglesia.
Ang isa pang halimbawa ng depektibong doktrina ng iglesia ni Cristo ay ang kanilang pagkakilala kay Cristo. Itinatanggi nila ang pagka-Diyos ni Hesu Kristo (gaya ng ginagawa ng lahat ng kulto at ng mga bulaang relihiyon) at pinapangatawanan na si Hesus ay nilikha lamang ng Diyos at binigyan ng kakayahan na gumawa ng mga mahimalang gawa ng Diyos. Tinatanggihan nila ang doktrina ng Trinidad. Itinuturo nila na ang Banal na Espiritu ay isa lamang kapangyarihan. Inaangkin din nila na ang unang Kristiyanong iglesia ay tumalikod sa Diyos at ang iglesia ni Cristo ang nagbalik sa dating kalagayan ng tunay na iglesia na nawala noong unang siglo; at ito ay sa pamamagitan ng huling sugo na si Felix manalo, ang tagapagtatag ng Iglesia ni Cristo.
Ang isa pang tanda ng pagiging kulto ng iglesia ni Cristo ang ay pagaangkin nito na sila lamang ang tanging pinagmumulan ng katotohanan at kaligtasan. Ito ay kakaiba dahil ang sang-kakristiyanuhan sa kabuuan ay nagaangkin na sila din lang ang maliligtas. Ang pagkakaiba ay, habang inaangkin ng mga grupo ng Kristiyano ang parehong deklarasyon, ang mga indibidwal na iglesya at denominasyon ay hindi nagaangkin (at hindi dapat magangkin) na sila lamang ang tanging pinanggagalingan ng katotohanan at sa gayon sila lamang ang ligtas. Kinikilala ng tunay na iglesia na may ibang mga Kristiyano sa labas ng kanilang denominasyon na totoong mga Kristiyano din naman. Maaaring magkakaiba ang kanilang paniniwala sa mga hindi gaanong mahahalagang doktrina, ngunit sila ay ligtas din. Sinabi mismo ng Panginoong Hesus na sa Kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan at Siya lamang ang daan patungo sa Ama (Juan 14:6). Hindi makakamit ang kaligtasan sa pagiging miyembro ng isang partikular na iglesia.
Narito ang ilang mga katuruan ng mga iglesia ni Cristo na hindi ayon sa Bibliya:
" Naniniwala sila na kailangan makarinig ang isang tao ng mensahe ng Ebanghelyo mula lamang sa mga ministro at tagapagpahayag na binigyan ng awtorisasyon ng iglesia ni Cristo.
" Naniniwala sila na ang opisyal na pangalan ng tunay na iglesia ay "iglesia ni Cristo: Ang ibang pangalan ay hindi tunay na pangalan ng iglesia at dahil doon sila ay mga palsong iglesia.
" Naniniwala sila na kailangang maging kasapi ng iglesia ni Cristo ang isang tao at mabawtismuhan sa tubig upang maligtas.
" Naniniwala sila na kailangang iwasan ng tao ang kumain ng dinuguan.
" Ang kanilang mga miyembro ay hindi dapat sumali sa mga unyon o samahan ng manggagawa.
" Dapat na iwasan ng kanilang mga miyembro ang mga kaso sa korte.
" Dapat nilang iboto ang mga kandidatong ini-endorso ng kanilang relihiyon. Itinuturing na kasalanan sa Diyos ang pagsuway sa kautusan ng relihiyon.
" Ang pagdalo sa pananambahan ay sapilitan.
" Dapat silang magbigay ng ikapu sa kanilang iglesia.
Sang-ayon sa iglesia ni Cristo, ang mga nasabing batas at alituntunin ay dapat gawin ng sapilitan upang maligtas ang isang tao. Ngunit itinuturo ng Bibliya na ang "kaligtasan ay regalo ng Diyos, hindi sa pamamagatian ng mabubuting gawa upang walang sinuman ang magmalaki" (Efeso 2:8-9)
Malinaw na ipinakikita ng mga katuruang nabanggit sa itaas na isang kulto ang iglesia ni Cristo. Tinatanggihan nila ang mga makasaysayang doktrina ng Kristiyanismo gaya ng Trinidad at ang pagka-Diyos ni Kristo. Mayroon silang hindi matatawarang kontrol sa kanilang mga miyembro habang ipinapatupad nila ng sapilitan ang mga paglilingkod at mga gawaing itinuro lamang ng tao. Hinulaan ng Panginoong Hesus na maraming mag-aangkin na sila ang Kristo at dadayain ang marami (Mateo 24:5). Salamat na binigyang katiyakan din naman Niya na ang mga tunay na mananampalataya ay hindi Niya itataboy kailanman (Juan 6:37).
Bilang mga tunay na Kristiyano, kailangan nating magingat sa mga bulaang mesiyas at sa mga kulto sa Kristiyanismo gaya ng iglesia ni Cristo. Dapat tayong maging malalim sa salita ng Diyos upang madali nating makilala ang mga nagtuturo ng kasinungalingan. Kailangan din nating maintindihan na ang mga taong nabitag ng mga kultong ito ay nangangailangan din ng kaligtasan na matatagpuan lamang kay Hesu Kristo" ang bugtong na Anak ng Diyos - gaya din naman natin noon noong tayo ay nasa atin pang makasalanang kalagayan.
English
Ano ang Iglesia ni Cristo?