settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Islam at ano ang pinaniniwalaan ng mga Muslim?

Sagot


Ang relihiyong Islam ay pinasimulan noong unang bahagi ng ikapitong siglo A.D. ng isang lalaki na nagngangalang Muhammad. Inaangkin niya na dinalaw siya ni Anghel Gabriel. Ang mga pagdalaw na ito ay nagpatuloy sa loob ng 23 taon hangang sa kamatayan ni Muhammad. Ipinahayag umano ni Anghel Gabriel kay Muhammad ang mga Salita ng Diyos (na tinatawag na "Allah" sa salitang Arabo ng mga Muslim). Ang mga idiniktang kapahayagan ng anghel kay Muhamad ang nilalaman ng Koran, ang banal na aklat ng Islam. Itinuturo ng Islam na ang Koran ang pinakamataas na awtoridad ng pananampalataya at ang huling kapahayagan ni Allah.

Naniniwala ang mga Muslim, ang mga tagasunod ng Islam na walang hanggan at perpekto ang mga salita ni Allah. Tinatanggihan nila ang salin ng Koran sa ibang mga lenguwahe. Walang ibang salin ang tinatanggap kundi ang salin sa wikang Arabo. Bagama't ang Koran ang pangunahing Banal na Aklat ng Islam, itinuturing nila ang Sunnah bilang isa ring banal na Aklat na pinagmumulan ng katuruan ng kanilang relihiyon. Ang Sunnah ay isinulat ng mga kasama ni Muhammad tungkol sa kanyang mga sinabi, ginaw, ipinagbawal at pinahintulutan.

Si Allah ang nagiisang Diyos at si Muhammad ang propeta ni Allah, ang susing paniniwala ng Islam. Sa pamamagitan ng simpleng pagbigkas sa mga salitang ito, ang isang tao ay maaari ng maging isang miyembro ng relihiyong Islam. Ang salitang "Muslim" ay nangangahulugan na "isang taong nagpapasakop kay Allah." Inaangkin ng Islam na ito ang nagiisang tunay na relihiyon kung saan nanggaling ang lahat ng mga relihiyon (kasama ang Judaismo at Kristiyanismo).

Ibinabase ng mga Muslim ang kanilang buhay sa tinatawag nilang "5 haligi ng pananampalataya":

1. Ang patotoo ng pananampalataya: "Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang Kanyang propeta".
2. Panalangin: Limang panalangin ang dapat isagawa araw araw.
3. Pagbibigay:Nararapat na magbigay ang isang tao sa mga nangangailangan, na parang ang lahat ay nanggagaling kay Allah.
4. Pagaayuno: Maliban sa paminsan minsang pagaayuno, ang lahat ng Muslim ay dapat na magayuno sa panahon ng Ramadan (ang ikasiyam ng buwan sa kalendaryo ng Islam).
5. Hajj: ang paglalakbay sa Mecca (Makkah) ay dapat na isakatuparan ng isang Muslim ng minsan sa kanyang buong buhay (isinasagawa tuwing ika-labindalawang buwan sa kalendaryo ng Islam).

Ang limang haliging ito ng pananampalataya ang saligan ng katapatan kay Allah para sa mga Muslim at itiunuturing nila ito ng seryoso at literal. Ang pagpasok ng isang Muslim sa Paraiso ay nakasalalay sa pagsunod sa limang haliging ito ng pananampalataya.

Mayroong pagkakapareho at pagkakaiba ang Islam at Kristiyanismo. Gaya ng Kristiyanismo, ang Islam ay monoteista o naniniwala sa iisang Diyos, ngunit salungat sa Kristiyanismo, tinatanggihan ng Islam ang konsepto ng Trinidad. Tinatanggap ng Islam ang ilang bahagi ng Kristiyanong Bibliya gaya ng Kautusan at mga Ebanghelyo ngunit tinatanggihan ang karamihan ng mga aklat at itinuturing na mapanirang puri at hindi nagmula sa Diyos.

Inaangkin ng Islam na si Hesus ay isa lamang propeta, hindi Anak ng Diyos (Naniniwala ang mga Muslim na tanging si Allah lamang ang Diyos, paanong magkakaroon Siya ng Anak?) Sa halip, ipinapahayag ng Islam na si Hesus, bagamat isinilang ng isang birhen ay nilikha lamang ng Diyos mula sa alabok katulad ni Adan. Hindi naniniwala ang mga Muslim na namatay si Hesus sa krus; at dahil dito, tinatanggihan nila ang isa sa pinakapangunahing katuruan ng Kristiyanismo.

Sa huli, itinuturo ng Islam na ang paraiso ay makakamtan sa pamamagitan ng mabubuting gawa at pagsunod sa Koran. Ngunit itinuturo naman ng Bibliya na hindi makapagbibigay kasiyahan sa Diyos ang anumang gawa ng tao. Sa pamamagitan lamang ng habag at pag-ibig ng Diyos, maliligtas ang isang tao sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo (Efeso 2:8-9).

Malinaw na hindi maaaring maging parehong totoo ang Islam at Kristiyanismo. Alinman sa dalawa, si Hesus ang pinakadakilang propeta o si Muhammad. Ang Bibliya ang Salita ng Diyos o ang Koran ang Salita ng Diyos. Ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan lamang ni Hesu Kristo o sa pamamagitan ng pagsunod sa 5 haligi ng kaototohanan. Muli, hindi maaaring maging parehong totoo ang dalawang relihiyon. Ang hindi pagkakasundo ng dalawang relihiyon sa mga mahahalagang katuruan, ay may eternal na konsekwensya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Islam at ano ang pinaniniwalaan ng mga Muslim?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries