settings icon
share icon
Tanong

Ano ang papel ng Israel sa mga huling araw?

Sagot


Sa tuwing may mangyayaring kaguluhan sa Israel at sa palibot nito, marami ang nakikita na ang mga iyon ay mga tanda ng mabilis na paparating na huling araw. Ang problema sa ganitong saloobin ay masyado tayong mapapagod ng kapapaliwanag sa mga kaguluhang nangyayari sa Israel hanggang sa punto na maaaring hindi natin mapansin kung kailan ang tunay na mga pangyayari na siyang tunay na tanda ng huling araw na hinulaan sa Bibliya. Hindi lahat ng kaguluhan sa Israel ay masasabing tanda ng huling araw.


Ang mga kaguluhan ay lagi ng kaakibat ng bansang Israel mula ng maging isang bansa itong muli. Kung ito ay kaguluhan man dahil sa bansang Ehipto, o mga Amalekita, Madianita, Moabita, Amonita, Amorita, Babilonia, Filisteo, Persia, Asiria o Roma, ang bansang Israel ay laging inuusig at nilalabanan ng mga bansa sa palibot nito. Bakit kaya? Ayon sa Bibliya, ito ay dahil may espesyal na plano ang Diyos para sa bansang Israel at nais ni Satanas na hadlangan ang planong ito. Ang mga pagkamuhi sa Israel" lalot higit sa Diyos ng Israel - ay dahil sa udyok ni Satanas at ito ang dahilan kung bakit ang mga karatig bansa ng Israel ay laging ninanais ang pagkawasak ng bansang ito. Ito man ay si Haring Senaquerib, hari ng Asiria; si Haman, isang opisyal ng Persia; si Hitler na lider ng Alemanyang Nazi; o si Ahmadinejad, Presidente ng Iran, ang mga plano na wasakin ang bansang Israel ay laging mabibigo. Umalis at dumating ang mga umuusig sa Israel, ngunit ang mga paguusig na ito ay mananatili hanggang sa ikalawang pagparito ni Kristo. Dahil dito, ang mga kaguluhan sa Israel ay hindi mapagkakatiwalaang tanda sa nalalapit na pagtatapos ng sanlibutan.

Gayunman, sinasabi sa Bibliya na magkakaroon ng malubhang kaguluhan sa Israel sa pagwawakas ng mga panahon. Ito ang dahilan kung bakit ang panahong iyon ay tinatawag na Dakilang Kapighatian o ang "panahon ng paghihirap para kay Jacob" (Jeremias 30:7). Ito ang sinasabi ng Bilbiya patungkol sa Israel sa mga huling araw:

Magkakaroon ng malawakang pagbabalik ng mga Hudyo sa Israel (Deuteronomio 30:3; Isaias 43:6; Ezekiel 34:11-13; 36:24; 37:1-14).

Makikipagkasundo ang antikristo sa loob ng "pitong taon" ng pakikipagpayapa sa Israel (Isaias 28:18; Daniel 9:27).

Muling itatayo ang templo sa Jerusalem (Daniel 9:27; Matthew 24:15; 2 Tesalonica 2:3-4; Pahayag 11:1).

Sisira ang antikristo sa kanyang kasunduan sa Israel at maguumpisa ang pandaigdigang paguusig sa mga Israelita (Daniel 9:27; 12:1, 11; Zacarias 11:16; Mateo 24:15, 21; Pahayag 12:13) at sasakuping muli ang bansang Israel (Ezekiel kabanata 38-39).

Kikilalanin ng Israel si Hesus sa wakas bilang kanilang Tagapagligtas (Zacarias 12:10). Magbabalik loob at manunumbalik sila sa Diyos at muli silang titipunin (Jeremias 33:8; Ezekiel 11:17; Roma 11:26).

Napakaraming kaguluhan sa Israel sa kasalukuyan. Inuusig sila at pinalilibutan ng mga kaaway - ng Siria, Lebanon, Jordan, Saudi Arabia, Iran, Hamas, Jihad ng Islam, Hezbollah, at iba pa. Ngunit ang pagkamuhi at paguusig na ito ay mga pahiwatig lamang ng mga magaganap sa huling panahon (Mateo 24:15-21). Ang pinakahuling paguusig sa Israel ay nagsimula ng muli itong maging isang bansa noong 1948. Maraming iskolar ng mga hula sa Bibliya ang naniniwala na ang anim na araw na digmaan sa pagitan ng mga Arabo at Israel noong 1967 ang "pasimula ng wakas."

Ang mga nangyayari ba ngayon sa Israel ay nagpapahiwatig na malapit na ang huling araw? Oo. Nangangahulugan ba na ito na ang wakas ng panahon? Hindi. Mas mabuting ang Panginoong Hesus ang magsabi, "Sumagot si Jesus, "Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman! Sapagkat maraming paririto sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako ang Mesias!' At marami silang maililigaw. Makaririnig kayo ng alingawngaw ng labanan at ng mga balita tungkol sa digmaan. Huwag kayong mababagabag. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas" (Mateo 24:4-6).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang papel ng Israel sa mga huling araw?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries