Tanong
Ano ang Bibliya ng mga Judio / Tanakh?
Sagot
Ang Bibliya ng mga Judio (na tinatawag ding Bibliya o Tanakh) ay isang terminolohiya para sa tinatawag ng mga Kristiyano na Lumang Tipan. Mas partikular, ito ang salin ng Lumang Tipan sa salitang Ingles noong 1917 at tinatawag din na Bibliya ng mga Judio na inihanda ng Jewish Publication Society of America.
Ang isang natatanging katangian ng Bibliya ng mga Judio ay ang pagkakahati nito sa Lumang Tipan sa tradisyonal na pangkat Hebreo. Kasama sa apat na pangkat o hati ang Chumash (Ang limang aklat ni Moises), ang Neviim (mahahabang sulat ng mga Propeta), ang Treisar (maiiksing sulat ng mga propeta), at ang Ketuvim (ang mga Kasulatan). Kasama sa kaayusan ng mga aklat sa Bibliya ng mga Judio noong 1917 ang mga sumusunod na pangalang Hebreo:
Chumash / Torah / Ang Limang Aklat ni Moises
Bereshit / Genesis
Shemot / Exodo
VaYikra / Levitico
BaMidbar / Mga Bilang
Devarim / Deuteronomio
Neviim / Ang Mahahabang Aklat ng mga Propeeta
Yehoshua / Josue
Shoftim / Mga Hukom
Shmuel A at B / 1—2 Samuel
Melachim A at B / 1—2 Mga Hari
Yishiyah / Isaias
Yermiyah / Jeremias
Yechezchial / Ezekiel
Daniyel / Daniel
Treisar / Ang Maiiksing Aklat ng mga Propeta
Hoshea / Oseas
Yoel / Joel
Amos / Amos
Ovadiyah / Obadias
Yonah / Jonas
Michah / Mikas
Nachum / Nahum
Habakuk / Habakuk
Tzefaniyah / Zofonias
Haggi / Hagai
Zechariyah / Zacarias
Malachi / Malakias
Ketuvim / Ang Mga Kasulatan
Tehilim / Mga Awit
Mishlei / Mga Kawikaan
Eyov / Job
Megilot, na kinabibilangan ng mga sumusunod na aklat:
Shir HaShirim / Awit ng mga Awit
Ruth / Ruth
Eichah / Panaghoy
Keholet / Ecclesiastes o Mangangaral
Esther / Esther
Ezra / Ezra
Nechemiyah / Nehemias
Divrei Yamim A and B / 1—2 Mga Cronica
Sa pagbubuod, ang Bibliya ng mga Judio ay ang buong Lumang Tipan o mas partikular, ang salin ng Lumang Tipan ng Jewish Publication Society noong 1917. Sa maraming pagkakataon, parehong ginagamit ng mga tao ang tawag na “Bibliyang Hebreo” o “Bibliya ng mga Judio,” at “Lumang Tipan” para tukuyin ang Bibliya ng mga Judio.
English
Ano ang Bibliya ng mga Judio / Tanakh?