settings icon
share icon
Tanong

Anong nangyari sa Kaban ng Tipan?

Sagot


Kung ano ang nangyari sa Kaban ng Tipan (Ark of the Covenant) ay isang tanong na ikinamamangha ng mga teologo, mga mag-aaral ng Bibliya, at ng mga arkeologo sa loob ng maraming siglo. Sa ika-labingwalong taon ng kanyang paghahari, inutos ni Haring Josias ng Judea sa mga tagapangalaga ng Kaban ng Tipan na ibalik ito sa templo sa Jerusalem (2 Cronica 35:1-6; cf. 2 Hari 23:21-23). Ito ang huling pagkakataon na ang lugar na kinalalagyan ng kaban ay nabanggit sa mga Kasulatan. Makaraan ang apatnapung taon, sinakop ni Haring Nabucodonosor ang Jerusalem at sinalakay niya ang templo. Kulang kulang sampung taon matapos noon, siya ay bumalik, kinuha ang anomang naiwan sa templo, at sinunog ang templo at ang lungsod. Ano kaya ang nangyari sa kaban? Nakuha ba ito ni Haring Nabucodonosor? Nakasama ba ito sa pagkawasak ng lungsod? O ito ay inilipat at itinago ba talaga sa isang ligtas na lugar tulad ng nangyari nang salakayin ni Paraon Shishak ng Egipto ang templo sa panahon ng paghahari ni Rehoboam na anak ni Solomon? (“talaga” dahil, kung nagawa ni Shishak na makuha ang Kaban, bakit iniutos ni Haring Josias sa mga Levita na ibalik ito? Kung ang Kaban ay nasa Egipto – tulad ng takbo ng kuwento sa Raiders of the Lost Ark – wala ito sa pangangalaga ng mga Levita at kung gayon ay hindi nila ito maibabalik.)

Ang Ikalawang Aklat ng Macabeo na hindi kanonisado ay nag-ulat na, bago ang mismong pananakop ng Babilonia, si Jeremias “sa pagsunod sa banal na kapahayagan, ay nag-utos na dapat kasama niya ang tabernakulo at ang kaban at… siya ay umakyat sa bundok kung saan umakyat si Moises upang matanaw ang pamana ng Dios [ Bundok ng Nebo: Deuteronomio 31:1-4]. Nang dumating doon si Jeremias, nasumpungan niya ang isang kuweba kung saan niya inilagay ang tolda, ang kaban at ang altar ng insenso; pagkatapos nito, kanyang isinara ang pasukan” (2:4-5). Gayunman, “Ang ilan sa mga sumunod sa kanya ay nagbalak na lagyan ng marka ang kanilang dinaanan, ngunit hindi nila ito masumpungan. Nang marinig ito ni Jeremias, sinaway niya sila: ‘Ang lugar ay mananatiling lihim hanggang tipuning muli ng Diyos ang kanyang bayan at kaawaaan sila. Pagkatapos nito ipapaalam ng Diyos ang mga bagay na ito at ang kaluwalhatian ng Diyos ay makikita sa alapaap, tulad ng kapahayagan nito sa panahon ni Moises at nang manalangin si Solomon na ang templo ay maluwalhating mapaging banal’” (2:6-8). Hindi alam kung totoo ang ulat na ito (tingnan ang 2:1): ganon pa man, hindi natin malalaman hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, tulad ng inaangkin ng ulat.

Kasama sa iba pang mga teorya patungkol sa kung saan naroron ang nawawalang kaban ay ang mga inaangkin nila Rabi Shlomo Goren at Yehuda Getz na ito ay nakatago sa ilalim ng bundok na kinatatayuan ng templo, at ito ay ibinaon doon bago ito dumating si Nabucodonosor. Sa kasamaang palad, ang bundok na dating kinatatayuan ng templo ay kinatatayuan na ngayon ng Dome of the Rock, isang banal na dako para sa Islam, at ang lokal na kumunidad ng Muslim doon ay ayaw o hindi nagbibigay ng pahintulotna ito ay hukayin. Kung kaya hindi natin malalaman kung tama ang teorya nina Rabi Goren at Getz.

Ang mananaliksik na si Vendyl Jones, kasama ng iba pa, ay naniniwala na angmga sinaunang kagamitan na nasumpungan kasama ng mga Dead Sea Scrolls, o ang misteryosong “Copper Scroll” ng Qumran Cave 3, ay tulad ng isang mapa ng kayamanan na nagdedetalye ng kinalalagyan ng mahahalagang kayamanan na nakuha mula sa templo bago dumating ang mga taga Babilonia, kasama dito ang nawawalang Kaban ng Tipan. Kung totoo man ito o hindi ay kailangan pa ring patunayan, dahil wala pa ring sinoman ang nakahanap ng lahat ng kinakailangang palatandaang heograpiko na nakatala sa balumbon (scroll). Isang kawili-wiling bagay na ang ilang dalubhasa ay nagbabakasakali na marahil ang Copper Scrollmismo ang tala na tinutukoy sa 2 Macabeo 2:1 at 4, na naglalarawan kay Jeremias na itinatago ang kaban. Bagamat ito’y isang kawili-wiling haka haka, ito ay nananatiling walang katibayan.

Inilathala ni Graham Hancock, manunulat mula sa East Africa at manunulat sa “The Economist”, ang isang aklat noong 1992 na may pamagat na The Sign and the Seal: The Quest for the Lost Ark of the Covenant, kung saan kanyang ipinapaliwanag na ang kaban ay nailayo sa Iglesia ng Saint Mary of Zion sa Aksum, sa sinaunang lungsod ng Etiopia. Naniniwala rin ang mananaliksik na si Robert Cornuke ng B.A.S.E Institute, na ang Kaban ay maaaring nasa Aksum. Gayunman, wala pang nakakasumpong nito doon. Ganoon din, ang arkeologo na si Michael Sanders ay naniniwala na ang kaban ay itinago sa isang sinaunang templo ng mga taga-Ehipto sa isang nayon ng Djaharya, subalit kinakailangan pa rin nyang hanapin ito doon.

Isang pinagdududahang tradisyon ng mga Irish angnagsasabi na ang Kaban ay nalibing sa Hill of Tara sa Ireland. May ilang mga mananaliksik ang naniniwala na ito ang pinagmulan ng “pot of gold at the end of the rainbow” na isang alamat ng mga Irish. Nariyan din ang hindi kapanipaniwalang mga pagaangkin nila Ron Wyatt at Tom Crotser. Inaangkin ni Wyatt na talagang nakita niya ang nawawalang Kaban ng Tipan na nalibing sa Mt. Calvary. Si Crotser naman ay nag aangkin ding nakita niya ito sa Bundok ng Pisgah malapit sa Bundok ng Nebo. Mababa o di gaanong pinahahalagahan ng kumunidad ng mga arkeologo ang mga lalaking ito at walang sinoman sa dalawa ang nakapagbigay ng patunay sa kanilang mga alegasyon.

Sa katapusan, ang Kaban ay nananatiling nawawala sa tao ngunit hindi sa Diyos. Ang mga kawiliwiling teorya tulad ng mga ihilahad sa itaas ay patuloy na iniaalok ng mga tao, subalit ang Kaban ay hindi pa rin nasusumpungan. Maaaring tama ang may akda ng Ikalawang Sulat ng mga Macabeo: maaaring hindi natin malaman kung ano ang nangyari sa nawawalang Kaban ng Tipan hanggang sa pagbabalik ng Panginoon. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Anong nangyari sa Kaban ng Tipan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries