settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kahulugan ng Kwaresma?

Sagot


Ang Kwaresma ay panahon ng pagaayuno at pagtitika na tradisyunal na isinasagawa ng mga Romano Katoliko at ilang denominasyong Protestante sa paghahanda sa Linggo ng Pagkabuhay. Ang haba ng Kwaresma ay itinatag noong ika apat na siglo sa apatnapung araw. Sa panahong ito, kumakain lamang ng kaunti ang mga nakikilahok o sadyang may isinusukong panahon ng pagkain o isang libangan. Ang Miyerkules ng abo at Kwaresma ay inumpisahan upang paalalahanan ng mga Romano Katoliko ang kanilang sarili na magsisi sa kanilang mga kasalanan kung paanong ang mga tao sa Lumang Tipan ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagdadamit sako, paglalagay ng abo sa ulo at pagaayuno (Esther 4:1-3; Jeremias 6:26; Daniel 9:3; Mateo 11:21).

Gayunman, sa pagdaan ng maraming siglo, ang Kwaresma ay naging isa na lamang sakramento o karaniwang kaugalian. Pinaniniwalaan ng maraming Romano Katoliko na ang pagsusuko ng anumang bagay tuwing Kwaresma ay isang paraan upang magkamit ng pagpapala sa Diyos. Ngunit hindi itinuturo saanman sa Bibliya na ang anumang gawa ay may merito sa harap ng Diyos (Isaias 64:6). Sa katotohanan, sa Bagong Tipan, itinuturo sa atin na ang pagsisisi ay hindi dapat gawin sa isang paraan na makakatawag ng pansin sa ating mga sarili: "Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo" (Mateo 6:16-18).

Ang pagaayuno ay isang bagay na mabuting gawin kung gagawin ayon sa perspektibo ng Bibliya. Mabuti at nakalulugod sa Diyos ang pagsusuko ng anumang makasalanang gawain. Walang anumang masama sa paglalaan ng panahon upang maituon ang pansin sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesu Kristo. Ngunit ang mga bagay na ito ay dapat na gawin hindi lamang tuwing Kwaresma kundi sa bawat araw sa buong taon, hindi lamang sa loob ng 40 araw sa pagitan ng Miyerkules ng Abo at Linggo ng Pagkabuhay. Kung nararamdaman mo na nais ng Panginoon na magayuno ka at magsisi sa iyong mga kasalanan sa panahon ng Kwaresma, malaya kang gawin iyon. Tiyakin mo lamang na ilaan ang iyong panahon sa pagsisisi mula sa iyong mga kasalanan at pagpapabanal sa harapan ng Diyos - hindi dahil upang makamit ang pabor ng Diyos o umasa ng anumang bagay mula sa kanya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kahulugan ng Kwaresma?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries