Tanong
Ano ang Koine Greek o Griyegong Koine at bakit ito ang ginamit para isulat ang Bagong Tipan?
Sagot
Ang salitang Griyegong Koine ay simpleng katumbas ng salitang tagalog na “pangkaraniwan” mula sa salitang “koinonia, na nangangahulugan ng “pakikisama sa iba.” Ang pakikisama sa iba ay pagkakaroon ng isang bagay na pangkaraniwan sa isa’t isa.
Ang Koine Greek ay isang simpleng salitang ginagamit noong unang siglo sa mundo ng Mediteraneo. Noong sinasakop ni Alexander the Great ang “sibilisadong mundo” ng kanyang panahon, ipinalaganap niya ang kultura at salitang Griyego. Gaya ng salitang English ngayon, naging pangkaraniwang salita ang salitang Koine at naging “internasyonal na lengguwahe” ng panahong iyon. Dahil nauunawaan ng nakararaming tao ang salitang Koine Greek, ang salitang ito ay tanging naaangkop sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa buong mundo.
Hindi lamang pangkaraniwan ang Koine Greek na anupa’t kumalat ito sa buong imperyo ng Roma kundi ito rin ay pangkaraniwan dahil hindi ito ang salitang ginagamit ng mga intelektwal at ng mga taong nag-aral ng panahong iyon. Ang classical na Griyego ang ginamit ng mga edukadong tao. Ang Koine Greek ang salita ng mga trabahador, ng magsasaka, ng negosyante, at ng maybahay—walang bongga tungkol dito. Ito ang salitang ginagamit ng lahat ng tao ng panahong iyon. Ang mga dakilang literatura ng mga Griyego ay isinulat sa Classical na Griyego. Walang iskolar ngayon ang magkakainteres na pagaralan ang Koine Greek kundi dahil lamang sa katotohanan na ito ang salitang ginamit sa pagsulat sa Bagong Tipan. Nais ng Diyos na ang Kanyang salita ay malaman ng lahat ng tao, at ginamit niya ang pangkaraniwang salita ng panahong iyon, ang Koine.
“Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang. Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip, minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang kahangalan. Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan… Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Ayon sa pamantayan ng tao ay iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang ipagmalaki” (1 Corinto 1:20–22, 26–31). Partikular na tinutukoy ni Pablo ang salitang Koine Greek sa mga sitas na ito, ngunit ang paggamit ng Diyos ng isang pangkaraniwang salita para ipahayag ang mga kahanga-hangang katotohanan ng Ebanghelyo sa lahat ng tao ang pinakamagaling sa lahat.
English
Ano ang Koine Greek o Griyegong Koine at bakit ito ang ginamit para isulat ang Bagong Tipan?