Tanong
Dapat bang magsuot ang isang Kristiyano ng mga alahas na panrelihiyon gaya ng krusipiho?
Sagot
Maraming pagtatalo-talo kung dapat o hindi dapat—o isang kasalanan—ang pagsusuot ng mga alahas na panrelihiyon gaya ng krus at krusipiho. Nagsuot lamang ang mga Kristiyano ng mga alahas na krus sa kanilang leeg noong hindi na ang pagpapako sa krus ang paraan ng pagalalapat ng parusang kamatayan; kaya, hindi ito katumbas ng pagsusuot ng isang tao ngayon ng isang maliit na silya elektrika sa kanyang leeg gaya ng iminumungkahi ng ilan. Maraming nagiisip na ang krus ay isang simpleng instrumento ng pagpatay na ginamit para patayin ang ating minamahal na Tagapagligtas. May ilan naman na kinikilala ito bilang isang simbolo ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, isang mabisang paalala sa biyaya ng kaligtasan na Kanyang ipinagkakaloob. Dahil ito ang kalooban ng Diyos, kusang nagpapako si Jesus sa krus, ipinasan sa Kanyang sarili ang mga kasalanan ng sanlibutan, at nililinis ang sinumang sumasampalataya sa Kanya para tubusin ang kanilang sariling kasalanan.
Ang tanging dahilan para ipagbawal ng Kasulatan ang pagsusuot ng mga alahas na panrelihiyon gaya ng krus at krusipiho ay kung ang alahas ay nagiging isang idolo o diyus-diyusan na ginagamit sa pagsamba (1 Corinto 10:14) o kung ang nagsusuot ay naaapektuhan kung paano siya pinagaganda ng alahas (1 Pedro 3:3) o kung ito ay nagiging katitisuran sa iba (1 Corinto 8:9; Roma 14:13). Maraming tao ang nagsusuot ng alahas na panrelihiyon bilang pagsunod sa uso ng walang pakialam sa simbolo nito o dahil sa pagnanais na maging kinatawan ni Cristo. Ngunit hindi ito dapat mangahulugan na hindi maaari o hindi dapat na magsuot nito ang mga Kristiyano. Maraming Kristiyano ang nagsusuot ng krus bilang ekspresyon ng kanilang pag-ibig, paggalang, at paglilingkod kay Cristo gayundin ang pagalaala sa Kanyang ginawa para sa atin.
Ang isa pang dapat isaalang-alang ay kung hinahayaan na ang mga bagay na ito na gaya ng krus, krusipiho, pigurin, sticker at iba pa ay pinapalitan na ang tunay na pagbabago na dapat na maganap sa ating mga puso. Hindi tayo naging Kristiyano dahil sa mga bagay na ating isinusuot, dala-dala, o idinidikit sa ating mga sasakyan. Hindi tayo pinagbabawalan ng Diyos na isuot ang mga bagay na ito kung hindi ito nagiging katitisuran o nagiging hadlang sa paglago sa pananampalataya ng ibang mananampalataya (Roma 14:20), at kung hindi tayo nagtitiwala sa mga bagay na ito. Sinasaliksik Niya ang ating mga puso upang makita kung sino ang tapat sa Kanya at kung nagpapalakas tayo ng loob at nagpapakita ng pag-ibig sa iba. Hindi tayo ang dapat na humusga kung nararapat o hindi nararapat ang pagsusuot ng isang mananampalataya ng alahas; dapat na ang pagsang-ayon ng Diyos ang nasain ng bawat Kristiyano sa lahat na kanyang ginagawa. Kung hindi malinaw na sinasabi sa Bibliya, ang pagsusuot ng alahas ay dapat na ipaubaya sa konsensya ng taong nais magsuot o ayaw magsuot nito.
English
Dapat bang magsuot ang isang Kristiyano ng mga alahas na panrelihiyon gaya ng krusipiho?