Tanong
Kristiyanong arkeolohiya (archaeology) - bakit ito mahalaga?
Sagot
Ang salitang arkeolohiya (archaeology) ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na "archae" na nangangahulugang "sinauna" at “logos,” na nangangahulugang “kaalaman,” kaya ang arkeolohiya ay nangangahulugan ng "kaalaman sa mga sinaunang bagay." Ang isang arkeologo "archaeologist" ay higit sa isang tipo ng "Indiana Jones" na nagiikot sa buong mundo para maghanap ng isang lumang bagay upang ilagay sa isang museo. Ang arkeolohiya ay isang siyensya ng pagaaral ng mga sinaunang kultura sa pamamagitan ng pagtuklas at pagdodokumento ng mga materyales mula sa nakalipas. Ang Kristiyanong arkeolohiya ay ang siyensya ng pagaaral ng sinaunang kultura na may kinalaman sa Kristiyanismo at Judaismo at kultura ng mga Hudyo at ng mga Kristiyano. Hindi lamang sinusubukan ng Kristiyanong arkeolohiya na tumuklas ng mga bagong bagay tungkol sa nakalipas, ngunit sinusubukan ding patunayan ang dati na nating nalalaman tungkol sa nakalipas at upang paunlarin pa ang ating pangunawa sa mga kaugalian at kultura ng mga tao sa Bibiliya.
Ang mga teksto ng Bibliya at iba pang mga naitala sa panulat ay ang pinakamahalagang pinanggagalingan ng ating impormasyon tungkol sa kasaysayan ng mga naunang tao sa Bibliya, ngunit ang mga talang ito ng kasaysayan ay nagiwan ng maraming katanungan. Sa puntong ito pumapasok ang mga Kristiyanong Arkeologo. Binubuo nila ang mga larawan na binigyang kasaysayan sa Bibliya. Ang mga paghuhukay sa nga sinaunang lugar ng mga unang tao at ng mga inabandonang siyudad ang nagbigay sa atin ng mga piraso ng impormasyon upang masilip kung ano ba talaga ang nangyari sa nakalipas. Ang layunin ng Kristiyanong arkeolohiya ay upang beripikahin ang mga esensyal na katotohanan ng Luma at Bagong Tipan sa pamamagitan ng mga pisikal na kagamitan ng mga sinaunang tao sa Bibliya.
Ang Kristiyanong arkeolohiya (archaeology) ay hindi naging isang disiplina ng siyensya hanggang noong ika-19 na siglo. Ang pundasyon ng Kristiyanong arkeolohiya ay itinatag nina Johan Jahn, Edward Robinson at Sir Flinders Petrie. Noong ika-20 siglo, naging prominenteng pigura si William F. Albright. Si Albright ang kumatawan sa Kristiyanong arkeolohiya sa mga napapanahong debate tungkol sa pinagmulan at katotohanan ng mga salaysay sa Bibliya. SI Albright kasama ang kanyang mga estudyante, ang nagbigay ng mga pisikal na ebidensya para sa mga historikal na pangyayari sa kasaysayan na inilarawan sa Bibliya. Gayunman, mukhang mas maraming arkeologo ang nagpapatunay na mali ang Bibliya kaysa sa mga nagpapatunay na tama ito.
Hindi na tayo kailangang lumayo pa upang makahanap ng mga bagong pagatake sa Kristiyanismo mula sa sekular na mundo. Ang halimbawa ng mga programang umaatake sa Bibliya ay ang mga programa sa Discovery Channel gaya ng docudrama na "The Da Vinci Code." Sa nasabing programa, pinatutunayan ni James Cameron na natagpuan diumano ang puntod at kabaong ni Hesus. Mula sa kanyang “natuklasan,” hinango niya ang kanyang pananaw na hindi nabuhay na mag-uli si Hesus. Nabigo si Cameron na patunayan ang kanyang pananaw dahil ang sinasabing kabaong ay natuklasan na noon pa man at napatunayan na noon pa na ang nasabing kabaong ay hindi kay Hesus. Ito ay napagalaman ng mga Kristiyanong arkeologo.
Ang mga ebidensya sa arkeolohiya ang nagbibigay ng pinakamatibay na pisikal na impormasyon sa buhay ng mga tao sa sinaunang panahon. Kung gagamitin ang siyentipikong pamamaraan ng pagaaral sa mga nahukay na sinaunang siyudad, maraming impormasyon ang makukuha na siyang magbibigay sa atin ng mas malawak na pangunawa sa buhay at kultura ng mga sinaunang tao at ng mga katibayan na magpapatunay sa katotohanan ng mga teksto ng Bibliya. Ang sistematikong pagtatala sa mga natuklasan na ibinahagi sa mga eksperto sa buong mundo ay maaaring magbigay sa atin ng kumpletong impormasyon sa buhay ng mga taong nabuhay sa panahon ng Bibliya. Ang Kristiyanong arkeolohiya ay isa lamang sa mga kasangkapan na magagamit ng mga iskolar upang magprisinta ng mas kumpletong katibayan para sa pagtatanggol sa mga kasaysayan na nasulat sa Bibliya at sa katotohanan ng Ebanghelyo ni Hesu Kristo.
Sa ating pagbabahagi ng ating pananampalataya, lagi tayong tinatanong ng mga hindi mananampalataya kung paano tayo nakakasiguro na totoo ang Bibliya. Maaari nating gamiting pangdepensa ang mga pangyayari sa kasulatan na napatunayang totoo ng mga Kristiyanong arkeologo sa pamamagitan ng kanilang masusing pagaaral sa mga nahukay nilang mga ebidensya na magpapatunay na totoo sa kasaysayan ang mga pangyayari sa Bibliya.
English
Kristiyanong arkeolohiya (archaeology) - bakit ito mahalaga?