settings icon
share icon
Tanong

Inaasahan ba ng Diyos na bomoto ang mga Kristiyano?

Sagot


Pinaninindigan namin na isang tungkulin at responsibilidad ng bawat Kristiyano ang bomoto at maghalal ng mga lider na isinusulong ang mga prinsipyo ng Kristiyanismo. Ang Diyos ang may control sa lahat ng bagay, ngunit hindi iyon nangangahulugan na wala na tayong gagawin upang maganap ang Kanyang kalooban. Inutusan tayo na ipanalangin ang ating mga tagapanguna sa pamahalaan (1 Timoteo 2:14). Sa usapin ng pulitika at pamumuno sa pamahalaan, may ebidensya sa Kasulatan na may mga panahon na hindi nasisiyahan ang Diyos sa ating pagpili ng mga tagapanguna (Oseas 8:4). Ang ebidensya ng paghawak ng kasalanan sa mundo ay makikita sa lahat ng aspeto ng pamahalaan. Marami sa mga sanhi ng paghihirap sa mundo ay bunga ng pagkakaroon ng mga tagapanguna na walang pananampalataya sa Diyos (Kawikaan 28:12). Itinuturo ng Bibliya na nararapat sumunod ang mga Kristiyano sa mga lehitimong tagapanguna maliban na lamang kung sinsalungat nila ang mga utos ng Diyos (Gawa 5:27-29; Roma 13:1-7). Bilang mga mananampalataya na isinilang na muli, dapat tayong magsikap na pumili ng mga pinuno na pangungunahan ng ating manlilikha (1 samuel 12:13-25). Ang mga kandidato na may mga panukala na lumalaban sa mga utos ng Diyos sa Bibliya na may kinalaman sa buhay, pamilya, pagaasawa, o pananampalataya ay hindi dapat suportahan (Kawikaan 14:34). Dapat na bomoto ang mga Kristiyano pagkatapos na manalangin at magaral ng Salita ng Diyos at maisa alang-alang ang mga realidad ng kanyang pagpili kung sino ang karapat dapat na isulat sa balota.

Maraming mga Kristiyano sa ibang mga bansa sa buong mundo na sinisikil ang karapatan at pinaguusig. Nagdurusa sila sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno at wala silang kapangyarihan upang baguhin ang kanilang gobyerno na namumuhi sa kanilang pananampalataya at sinisikil ang kanilang kalayaang magsalita. Sa Amerika, sa nakaraang eleksyon, tinatayang 2 sa bawat 5 sa mga nagaangkin na sila ay Kristiyano ang hindi ginamit ang kanilang karapatang bomoto. May 1 sa 5 na nagpapakilalang mga Kristiyano, ang maaari ng bomoto ngunit hindi nagparehistro para makaboto.

Sa ating panahon ngayon, marami ang nagnanais na pagbawalan na ipangaral o banggitin ang pangalan ni Hesus at ang mensahe ng Ebanghelyo sa mga pampublikong lugar. Ang pagboto ay isang oportunidad upang tangkilikin, protektahan at ingatan ang isang makadiyos na pamahalaan. Ang pagpapalampas sa oportunidad na ito ay nangangahulugan ng pagpayag na laitin ng mga walang pananampalataya ang pangalan ni Hesus. Ang mga lider na ating ibinoboto - o wala tayong ginagawa upang maalis sa puwesto - ay may malaking impluwensya sa ating kalayaan. Maaari nilang piliin na protektahan ang ating kalayaan na sumamba at ipangaral ang Ebanghelyo o maaari din namang sagkaan nila ang ating kalayaan. Maaari nilang pangunahan ang ating bansa tungo sa katuwiran o tungo sa kapahamakan. Bilang mga mananampalataya, dapat tayong manindigan at sundin ang ang utos ng Diyos na ganapin ang ating obligasyon bilang mga mamamayan (Mateo 22:21).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Inaasahan ba ng Diyos na bomoto ang mga Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries