settings icon
share icon
Tanong

Ano ang mga krusadang Kristiyano?

Sagot


Ang mga krusada ang dahilan ng maraming argumento laban sa pananampalatayang Kristiyano. May ilang mga teroristang muslim ang inaangkin na ang kanilang ginagawang pagatake ay bilang paghihiganti sa mga ginawa ng mga Kristiyano noong panahon ng mga krusadang Kristiyano. Ano ba ang mga krusada at bakit itinuturing sila na malaking problema sa pananampalatayang Kristiyano?

Una sa lahat, ang mga krusada ay hindi dapat pangalanan ng "krusadang Kristiyano." Ang karamihan ng mga sangkot sa mga krusadang ito ay hindi naman talaga mga totoong Kristiyano, kahit ipinapalagay nilang Kristiyano sila. Inabuso, ginamit sa kamalian at niyurakan ng mga nagkrusadang ito ang pangalan ni Hesus. Ikalawa, ang mga krusada ay nangyari humigit kumulang noong A.D. 1095 hanggang 1230. Ang mga marahas na aksyon ba ng mga Kristiyano daan-daang taon na ang nakalipas ay kailangan pang panagutan ng mga Kristiyano sa kasalukuyan?

Ikatlo, hindi ito sapat na dahilan, ngunit hindi lamang ang Kristiyanismo ang relihiyon na may marahas na nakalipas. Sa katunayan, ang mga krusada ay reaksyon ng mga Kristiyano sa pananakop ng mga Muslim sa noo'y mga lupain na inookupahan ng mga Kristiyano. Noong humigit kumulang A.D. 200 hanggang 900, ang lupain ng Israel, Jordan, Egipto, Syria at Turkey ay pinaninirahan ng mga Kristiyano. Ngunit ng lumakas ang Islam, sinakop ng mga Muslim ang mga lupaing ito at brutal na inapi, inalipin, pinalayas at pinatay ang mga Kristiyano na naninirahan sa mga lupaing ito. Bilang ganti, ipinagutos ng Iglesya Romana Katolika at ng mga "Kristiyanong" hari/emperador mula sa Europa ang mga krusada upang bawiin ang mga lupain na inangkin ng mga Muslim. Ang mga ginawa ng mga tinatawag na "Kristiyano" na nakilahok sa mga krusada ay nakapanghihilakbot. Walang Biblikal na pangangatwiran para sa pagsakop ng mga lupain, pagpatay ng mga inosenteng sibilyan at pagwasak ng mga siyudad sa pangalan ni Hesu Kristo. Gayundin naman, ang Islam ay hindi isang relihiyon na makakapagbigay ng tamang katwiran sa bagay na ito.

Sa maiksing pagbubuod, ang mga krusada ay mga pagtatangka na bawiin ang mga lupain sa Gitnang Silangan na sinakop ng mga Muslim mula noong ikatlo hanggang ikalabintatlong siglo. Ang mga krusada ay brutal at napakasama. Maraming mga tao ang pwersahang ginawang "Kristiyano". Kung tumatanggi sila, sila'y pinagpapapatay. Ang ideya ng pananakop ng isang lupain sa pamamagitan ng digmaan at karahasan sa pangalan ni Kristo ay hindi sinasangayunan ng Bibliya. Maraming mga ginawa sa panahon ng mga krusada ang salungat sa mga pinaniniwalaan ng Kristiyanismo.

Paano tayo tutugon kung dahil sa mga krusada, ang pananampalatayang Kristiyano ay inaatake ng mga ateista, agnostiko, mga skeptiko at ng ibang relihiyon? Maaari tayong tumugon sa mga sumusunod na pamamaraan: 1) Nais mo bang panagutan ang kasalanan ng mga tao na nagkasala mahigit 900 taon na ang nakakaraan? 2) Nais mo bang panagutan ang mga kasalanan ng lahat ng nagsasabi na sila ay Kristiyano nunit hindi totoong Kristiyano? Ang paninisi sa buong sangka-Kristiyanuhan para sa mga krusada ay katulad din ng paninisi sa lahat ng mga Muslim para sa terorismo ng Islam.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang mga krusadang Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries