settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang dapat na maging pananaw ng Kristiyano sa physics o pisika?

Sagot


Mahigpit na kinokondena ng Bibliya ang espiritismo, panggagaway, okultismo at pisika (Levitico 20:27; Deuteronomio 18:1-13). Ang horoscope, tarot kard, astrolohiya, panghuhula, pagababasa ng palad at pagkawala sa sarili ay kasama sa kategorya ng pisika. Ang mga gawaing ito ay batay sa konsepto na may ibang mga ‘diyos,’ ‘espiritu’ o ‘kaluluwa’ ng mga namatay na mahal sa buhay na maaaring magbigay ng payo at gabay sa mga nabubuhay. Ang mga "diyos" o mga espiritung ito sa katotohanan ay mga demonyo (2 Corinto 11:14-15). Sinasabi ng Bibliya na hindi na maaaring makipag-ugnayan pa sa atin ang mga patay. Kung sila'y mananampalataya, sila ay nasa langit na at nararanasan na ang walang kahulilip na kaligayahan sa piling ng mapagmahal na Diyos. Kung hindi sila mananampalataya, sila ay nagdurusa na sa apoy ng impiyerno dahil sa kanilang pagtanggi sa pag-ibig ng Diyos at paglaban sa Kanya.

Kung ang ating mga mahal sa buhay ay hindi na kayang makipag-ugnayan pa sa atin, paano nakakakuha ang mga espiritista ng mga tamang impormasyon? Maraming mga nagsasanay ng ganitong gawain ang napatunayang peke. Napatunayan na ang mga nagsasanay ng pagalam sa buhay ng tao ay nakakakuha ng napakaraming impormasyon sa pamamagitan ng ordinaryong pamamaraan. Minsan sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa numero ng telepono at sa pamamagitan ng caller ID o internet, ang isang psychic ay maaring makakuha ng pangalan, address, araw ng kapanganakan, anibersaryo, pangalan ng mga miyembro ng pamilya at iba pa. Gayunman, hindi maikakaila na may ilang psychic na nakakaalam ng ilang bagay sa isang tao na imposible nilang malaman sa karaniwang paraan. Saan nila nakukuha ang mga ganitong impormasyon? Ang sagot ay mula kay satanas at sa kanyang mga demonyo. “At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa” (2 Corinto 11:14-15). Inilalarawan sa Gawa 16:16-18 ang isang manghuhula na kayang hulaan ang hinaharap hanggang sa sawayin siya ni Pedro at palabasin sa kanyang katawan ang isang demonyo.

Si satanas ay maaaring magkunwaring mabait at matulungin. Pinipilit niyang magmukhang mabuti. Si satanas at ang kanyang mga demonyo ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao upang ito ay mapaniwala sa espiritismo na isang bagay na mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos. Mukhang hindi ito masama sa umpisa, ngunit kalaunan, matatagpuan ng tao ang kanyang sarili na nahuhumaling na sa pisika at walang kaalam-alam na kinokontrol na siya ni Satanas at sinisira ang kanyang buhay. Sinabi ni Pedro, "Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya" (1 Pedro 5:8). Sa ilang mga kaso, ang psychic mismo ay nadaya din at hindi alam ang tunay na pinanggagalingan ng mga impormasyong kanyang natatanggap. Kahit sa anumang paraan at saan man nanggagaling ang mga impormasyon, walang anumang bagay na konektado sa espiritismo, pangkukulam o astrolohiya ang pinapahintulutan ng Diyos. Paano ba natin malalaman ang kalooban ng Diyos sa ating buhay? Ang plano ng Diyos ay simple ngunit mabisa at makapangyarihan. Pag-aralan mo ang Bibliya (2 Timoteo 3:16-17) at manalangin ka ng karunungang mula sa tunay na Diyos (Santiago 1:5).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang dapat na maging pananaw ng Kristiyano sa physics o pisika?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries