Tanong
Dapat bang magpakonsulta ang isang Kristiyano sa isang psychologist / psychiatrist?
Sagot
Ang mga psychologists at psychiatrists ay mga propesyonal na nagtatrabaho sa larangan ng panggagamot sa sakit sa pagiisip. Nalilito ang mga tao sa kanilang papel at kadalasan ay naihahalo sila sa iba pang mga propesyonal sa panggagamot sa sakit sa pag-iisip gaya ng mga psychotherapists, psychoanalysts, o mga tagapayo sa mga may problema sa pagiisip. Maraming pagkakaiba sa mga propesyonal na nagaalaga sa kalusugan sa pagiisip at nangangailangan ng iba ibang edukasyon at paggamit ng maraming pamamaraan sa panggagamot. Ang mga psychologists ay kailangang magtapos ng Ph.D. in psychology at nakatuoon ang pansin sa pagsasakliksik, pagtuturo sa mga nagaaral sa kolehiyo, at nagsasanay sa pribadong pagpapayo. Maaari silang maglapat ng pagsusuri sa maraming pagtataya ng estado ng isip at emosyon. Ang isang psychiatrist sa katotohanan ay isang manggagamot at espesyalista sa mga problema sa pagiisip at maaaring magreseta ng gamot kagaya ng isang karaniwang doktor. Sila rin ay nagsanay sa mga bisa ng gamot na maaaring makapagpagaling sa mga sakit sa pagiisip.
Kung nararamdaman ng isang tao ang pangangailangan ng propesyonal na serbisyo gaya ng pagsusuri sa dyslexia o nagnanais siyang humingi ng propesyonal na payo, maaaring niyang ikunsidera ang pagsadya sa isang psychologist. Karaniwang nagpapakonsulta muna ang isang tao sa isang psychologist bago sila i-refer sa isang psychiatrist. May mga psychiatrists na nagsasanay ng pagpapayo, ngunit ang iba ay nagrereseta ng gamot at nagmomonitor ng mga medikasyon habang nakikipagtulungan sa ibang mga propesyonal na nagsasagawa ng therapy. Gaya ng ibang bokasyon, may ilang mga psychologists/psychiatrists na Kristiyano at ang iba naman ay hindi mananampalataya.
Laging nais ng mga Kristiyano na alamin kung ano ang sinasabi ng Bibliya sa mga propesyong ito. Ang katototohanan ay hindi naman masama ang psychology o psychiatry. Pareho silang may balidong dahilan at layunin. Wala sa sinumang mga propesyonal sa panggagamot sa isip ang may kakayahan na maunawaang lubos kung paano ginawa ng Diyos ang tao, kung paano tumatakbo ang isip at kung bakit tayo nagiisip at umaakto gaya ng ating ginagawa. Habang napakarami ng mga makamundong teorya tungkol sa emosyon at mental na isyu na ang tao ang nasa sentro, mayroon ding mga makadiyos na propesyonal na nagnanais na maunawaan ang pagiisip ng tao sa Biblikal na perspektibo. Para sa mga Kristiyano, makabubuti na magpakonsulta sa isang mananampalatayang propesyonal, na may malawak na kaalaman sa Kasulatan at nagpapakita ng makadiyos na katangian. Ang lahat ng payo na ating matatanggap ay dapat na salain sa liwanag ng Bibliya upang gaya ng lahat ng bagay sa mundo, maaari nating malaman kung ano tama at kung ano ang mali.
Hindi mali ang magpakonsulta sa isang psychologist or psychiatrist. Gayunman, ang mga propesyonal na manggagamot sa sakit sa isip ay nagmula sa iba't ibang pananampalataya at paniniwala. Maging ang mga mananampalatayang psychologists at psychiatrists ay walang kakayahan upang magbigay ng perpektong sagot, o maaaring mahina sila sa ibang mga aspeto ng kanilang kaalaman sa Bibliya. Tandaan natin na ang Salita ng Diyos ang unang sagot sa lahat ng karamdaman na ating nararanasan. Ang pagkaalam sa katotohanan ay mahalaga sa pagalam kung ano ang makabubuti o makasasama para sa atin (Efeso 6:11-17; 1 Corintos 2:15-16). Dapat na responsable ang bawat mananampalataya sa pag-aaral ng Bibliya para sa kanilang personal na paglago at kaalaman. Ginagamit ng Banal na Espiritu ang Salita ng Diyos upang baguhin tayo ayon sa wangis ng kabanalan ni Hesu Kristo, na siyang pinakaultimong layunin ng lahat ng tunay na Kristiyano (Efeso 5:1-2; Colosas 3:3).
English
Dapat bang magpakonsulta ang isang Kristiyano sa isang psychologist / psychiatrist?